Kris Aquino lumipad patungong Singapore upang magpatingin sa espesyalista

Sa latest na balita tungkol sa aktres, sinabi nito na kasalukuyan siyang nasa Singapore upang magpatingin sa mga espesyalista. | Photo from KrisAquino.ph

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nasa Singapore ngayon si Kris Aquino upang sumailalim sa ilang medical tests. Ayon sa latest news na lumabas, nagbigay ng update ang social media mogul tungkol sa naging resulta ng test na isinagawa para malaman kung may tumor siya.

Kris Aquino: latest news

Sa isang post kanina, nagpahayag ang aktres na nagdesisyon siyang ibahagi ang mga pinagdaraanan niya, kagaya ng mga nangyari sa iba’t ibang yugto ng buhay niya. Dagdag pa nito na sadyang pinili niya na magpatingin sa Singapore dahil alam niyang maraming Pinoy ang nagtratrabaho doon bilang health care professionals. Para na rin daw maging “transparent” siya sa mga nangyayari sa kaniya.

Ayon sa aktres, una siyang nagpatingin noong 2015 at sumunod naman noong March 2018 sa San Francisco. Ngunit nang ulitin ang mga test na ito dito sa Pilipinas, hindi daw maganda ang naging resulta.

Bukod daw kasi sa “hypertension, severe allergies, and migraine,” mayroon siyang karamdaman na kailangang ipatingin sa espesyalista sa madaling panahon upang mabigyan ito ng lunas at maging malusog siyang muli.

Pinabulaanan naman niya na mayroon siyang tumor: “Let me be categorical: all tests for any tumor markers were negative.”

Sa mas emosyonal na parte na kaniyang pahayag, sinabi nitong hindi siya humihingi ng dasal para sa sarili niya dahil ipinapasa Diyos na niya ang kalagayan niya. Bagkus humihingi ito ng dasal para sa kaniyang dalawang anak na si Josh at Bimby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kakapalan ko po ang mukha ko at makikiusap: please PRAY for my 2 sons, Josh and Bimb… kahit sinong magulang maiintindihan po ako, gagawin natin ang lahat wag lang masaktan, ma-agrabyado, o mahirapan ang mga pinakamamahal nating mga anak. Isasakripisyo natin ang lahat masiguradong okay sila. That’s what happens when you become a parent, you wholeheartedly surrender being number 1.”

Problemang pang-pinansyal

Noong nakaraang linggo, inamin ni Kris na natuklasan daw niya ang katotohanan tungkol sa “financial abuse” na ginawa sa kaniya ng isang tao. Hindi raw inalagaan ng taong ito ang kaniyang mga “existing endorsement contracts” at hindi siya nirespeto bilang isang “business partner.”

Noong isang araw, bago siya umalis patungong Singapore, nag-post si Kris ng isang official statement mula sa kaniyang abugado na si Atty. Sig Fortun. Nakasaad dito ang pag-usad ng kanilang effort upang “maprotektahan” ang mga ari-arian ng aktres.

Ayon sa kaniyang post: “This is a period of my life testing my fortitude. Betrayal in any form is heartbreaking, but the attempt of this man & his brother- who never met nor even conversed with me in any form- to alter FACTS by deceitfully & maliciously attacking my family’s honor & credibility, strengthened my resolve to use all legal means for TRUTH TO WIN.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa niya: “Fortun Narvasa and Divina Law will uphold my firm belief that JUSTICE is a right every law abiding Filipino should protect, defend, and fight for. (To battle fairly & with no political agenda we chose 2 law firms that had no ties to my brother’s administration.) The comments section will be disabled upon the advice of Atty. Fortun so no names or entities shall be mentioned on my feed…”

Hindi pa rin pinapangalanan ng aktres ang taong nanloko diumano sa kaniya.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement