Kilala si Kris Aquino bilang isa sa mga media personalities na may mataas na net worth. Bukod sa endorsements at movie projects, mayroon din siyang businesses katulad ng franchises ng Chowking at tie-up with Potato Corner. Mayroon din siyang distributorship ng Thai beauty product line, ang Snail White.
Ngunit sa isang Instagram post noong isang araw, nagpahiwatig si Kris na mayroon siyang pinagdaraanan dahil sa pinansyal. Ito raw ang rason kung bakit siya nangangayayat.
“I am now broken,” saad niya.
Kris Aquino net worth
Alam ng Queen of Social Media na sinusubaybayan ng marami ang mga posts niya sa kaniyang official social media accounts, kaya naman daw nagdesisyon siyang ihayag ang kaniyang pinagdaraanan sa pamamagitan ng isang post.
Sa kaniyang blog, sinabi nito na na natuklasan daw niya ang katotohanan tungkol sa “financial abuse” na ginawa sa kaniya ng isang tao. Hindi raw inalagaan ng taong ito ang kaniyang mga “existing endorsement contracts” at hindi siya nirespeto bilang isang “business partner.”
Nilinaw niya na wala itong kinalaman sa kaniyang KCAP (Kris Cojuangco Aquino Productions). Ngunit ang involved dito ay ang kaniyang 14 branches ng Nacho Bimby + Potato Corner at ang kaka-launch lang na Snail White beauty products.
Dahil daw sa kakaisip ng kaniyang problema, labis daw siyang pumayat. Sinabihan siya ng kaniyang mga kaanak na mabuti na lang at nadiskubre niya ang “panloloko” sa kaniya habang 16 buwan pa lamang nang ito’y magsimula at bago pa lumala nang sobra ang problema.
Ayon naman sa kaniyang Instagram post, magsisimula na ang kaniyang pakikipaglaban sa korte sa taong “walang konsyensya” na “tinarget” at “niloko” daw siya. Ang former solicitor general Atty. Florin Hilbay at ni Atty. Sigfrid Fortun ang tutulong daw sa kaniya na makuha ang “hustisya.” Kumuha din daw siya ng auditors na tutulong sa kaso.
Dagdag pa ni Kris na natatakot daw siya na mawala lahat ng pinaghirapan niyang ipunin para sa kaniyang mga anak na si Josh and Bimby dahil sa “panloloko” na ginawa sa kaniya.
Bagaman ito ang nangyari sa kaniya, may tiwala raw siya sa mga taong kinuha niya na mag-handle sa kaso. Nagtitiwala rin daw siya sa sinabi ng nanay at kapatid ng taong “nanloko” sa kaniya na maibabalik ang lahat ng kaniyang “investments.”
View this post on Instagram
Hirap na hirap po ako na may mga pinagtakpan sa inyo. Pinayuhan akong manahimik hanggang ma kumpleto ang due diligence. I’ve always been HONEST, sometimes to a fault. The reason you haven’t seen me post new pics is because i lost weight in the last 6 weeks, unable to eat or sleep properly… you told me that you admired my STRENGTH- natakot akong baka mawala ang bilib nyo sa kin because i am now broken. But i decided to set myself free & share w/ you what affected me. My family advised me to have FAITH in our legal system. I am grateful to Atty Sig Fortun for taking care of me over 15 years, and i’m fortunate to now have Atty Florin Hilbay as part of my legal team. Broken trust is like shattered glass, as you try to pick up the pieces, your wounds bleed even more. My PAIN comes from my fear that tens of tax paid millions from my sons’ trust funds, money i conscientiously saved for them because i made a deathbed promise to my MOM that Kuya Josh & Bimb will always come first, baka mawala lahat ng pinagpaguran ko para sa kanila. It is WRONG that the 2 BOYS I LOVE MOST, MY LIFE’S MEANING & INSPIRATION may suffer consequences because i was targeted & deceived by a person with no conscience. The settlement or legal battle will now be in the hands of lawyers i RESPECT, auditing and accounting firms i TRUST, the word of honor of his deeply shamed mother & sister that all my investments shall be returned, and our collective PRAYERS that JUSTICE for my sons will prevail… Everything happens for a reason-maybe God made me experience this humiliation for me to have first hand experience na niloko ako sa pinaghirapan kong pera- dahil nga may BOSES ako at yung boses na yun dapat gamitin para MAGSALITA at IPAGTANGGOL ang mga napipilitang manahimik. I will continue to believe: ang TAMA NILALABAN. 💛
A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on
Basahin: Lubog sa utang? Tips kung paano ito harapin bilang pamilya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!