Kris Aquino tinapos na ang relasyon kay Mark Leviste: “Thank you for giving me the chance to again experience the magic of Once Upon a Time.”

Ayon kay Kris maliban sa lumalala niyang sakit ay babalik na si Mark sa Pilipinas at mahihirapan na sila sa long-distance relationship.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Aquino at Mark Leviste kinumpirma at itinigil na ang romantic relationship sa isa’t-isa. Narito ang pahayag ni Kris.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kris Aquino and Mark Leviste confirms and ends romantic relationship.
  • Dahilan ng break-up ni Mark at Kris.

Kris Aquino and Mark Leviste confirms and ends romantic relationship

Larawan mula sa Instagram account ni Mark Leviste

Habang nasa Amerika at nagpapagamot, ay may isang taong laging makikitang kasa-kasama ng aktres na si Kris Aquino. Ito ay walang iba kung hindi si Batangas Vice-Governor Mark Leviste.

Nitong nakaraang Valentine’s Day ay may sweet na pagbati si Mark kay Kris sa Instagram. Sa kaniyang mensahe ay sinabi ni Mark ang ginawa niyang effort makasama lang si Kris at maiparamdam dito ang kaniyang pagmamahal.

“Made it just in time for your birthday and Valentine’s Day. ? It may have taken more than 7k miles to be with you, but I wouldn’t have it any other way. Although we have been apart, now that we’re together fills my heart. ? It is for this reason my love and my dear you will always and forever feel near.”

“Happy Birthday to you and Happy Valentine’s Day to us @krisaquino! ?”

Ito ang sabi noon ni Mark na agad sinagot ni Kris at sinabing si Mark ay kaniyang male best friend.

Pero sa pinaka-bagong post ni Kris ay may pasabog ang tinaguriang Queen of all Media. Dahil sa kaniyang latest IG post kinumpirma ni Kris na may relasyon sila ni Mark bagamat ito din sa ngayon ay tinatapos na niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan ng break-up ni Mark at Kris

“Nobody I’ve ever been in a relationship with has ever given me as much love & encouragement. He wasn’t only my boyfriend, he became my best friend and confidante, talagang maaasahan. The usage of WAS is correct.”

Ito ang sabi ni Kris na tumutukoy kay Mark na babalik na ng Pinas para magsilbi sa probinsya ng Batangas. Ito rin umano ang dahilan kung bakit sa ngayon ay pinili niyang itigil muna ang relasyon nila. Dahil maliban daw sa lumalala niyang sakit ay mahihirapan rin silang i-survive ang kanilang relasyon ng malayo sa isa’t-isa.

“I asked Marc for a pause because with my condition the way it is now, i’m self aware enough to know that a long distance relationship will be next to impossible for us to maintain.”

Ito ang sabi ni Kris na nagpasalamat rin kay Mark sa naging pag-aalaga nito at pagpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We may not have had our “happily ever after” but being sick has really taught me to look at the glass half full- thank you for giving me the chance to again experience the magic of Once Upon a Time. ?”

Si Mark sinagot naman ang post na ito ni Kris sa kaniya namang Instagram account. Ito ay mga kataga tungkol sa love o pagmamahal na kung saan makikita rin ang larawan nilang magkasama.

Larawan mula sa Instagram account ni Mark Leviste

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement