Kris Aquino: "Niloko ako sa pinaghirapan kong pera."

Sa isang pahayag, nagbigay ang social media mogul ng hint na may pinagdaraanan siya. "Tinarget" at "niloko" daw siya ng isang taong "walang konsyensya." | Photo: Paul Quiambao (KrisAquino.Ph)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kilala si Kris Aquino bilang isa sa mga media personalities na may mataas na net worth. Bukod sa endorsements at movie projects, mayroon din siyang businesses katulad ng franchises ng Chowking at tie-up with Potato Corner. Mayroon din siyang distributorship ng Thai beauty product line, ang Snail White.

Ngunit sa isang Instagram post noong isang araw, nagpahiwatig si Kris na mayroon siyang pinagdaraanan dahil sa pinansyal. Ito raw ang rason kung bakit siya nangangayayat.

"I am now broken," saad niya.

Kris Aquino net worth

Alam ng Queen of Social Media na sinusubaybayan ng marami ang mga posts niya sa kaniyang official social media accounts, kaya naman daw nagdesisyon siyang ihayag ang kaniyang pinagdaraanan sa pamamagitan ng isang post.

Sa kaniyang blog, sinabi nito na na natuklasan daw niya ang katotohanan tungkol sa "financial abuse" na ginawa sa kaniya ng isang tao. Hindi raw inalagaan ng taong ito ang kaniyang mga "existing endorsement contracts" at hindi siya nirespeto bilang isang "business partner."

Nilinaw niya na wala itong kinalaman sa kaniyang KCAP (Kris Cojuangco Aquino Productions). Ngunit ang involved dito ay ang kaniyang 14 branches ng Nacho Bimby + Potato Corner at ang kaka-launch lang na Snail White beauty products.

Dahil daw sa kakaisip ng kaniyang problema, labis daw siyang pumayat. Sinabihan siya ng kaniyang mga kaanak na mabuti na lang at nadiskubre niya ang "panloloko" sa kaniya habang 16 buwan pa lamang nang ito'y magsimula at bago pa lumala nang sobra ang problema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon naman sa kaniyang Instagram post, magsisimula na ang kaniyang pakikipaglaban sa korte sa taong "walang konsyensya" na "tinarget" at "niloko" daw siya. Ang former solicitor general Atty. Florin Hilbay at ni Atty. Sigfrid Fortun ang tutulong daw sa kaniya na makuha ang "hustisya." Kumuha din daw siya ng auditors na tutulong sa kaso.

Dagdag pa ni Kris na natatakot daw siya na mawala lahat ng pinaghirapan niyang ipunin para sa kaniyang mga anak na si Josh and Bimby dahil sa "panloloko" na ginawa sa kaniya.

Bagaman ito ang nangyari sa kaniya, may tiwala raw siya sa mga taong kinuha niya na mag-handle sa kaso. Nagtitiwala rin daw siya sa sinabi ng nanay at kapatid ng taong "nanloko" sa kaniya na maibabalik ang lahat ng kaniyang "investments."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Basahin: Lubog sa utang? Tips kung paano ito harapin bilang pamilya

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement