Kris Aquino sinabing bumubuti ang kaniyang kalusugan at nilinaw ang kaniyang relationship status.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Update sa health condition ni Kris.
- Kris Aquino relationship status.
Update sa health condition ni Kris
Nagbigay ng bagong update si Kris Aquino tungkol sa kaniyang kalusugan. Masayang pagbabalita ni Kris sa Instagram ay bumubuti ang kaniyang kondisyon. Maganda ang results ng mga laboratory test na ginawa sa kaniya kamakailan lang. At higit sa lahat positive ang response ng katawan niya sa treatment na kaniyang pinagdadaanan.
“I don’t know what good i did but i know i’m surviving all the side effects of methotrexate and my biological injectable because God is listening to all your prayers for my healing. #faith”
Ito ang bahagi ng post ni Kris.
Pagpapatuloy pa niya, hiling niya na sana magtuloy-tuloy ang improvement sa kalusugan niya. Dahil daw gusting-gusto niya ng umuwi at namimiss na ang kaniyang mga kapatid at kapamilya.
“Praying more that in 18 to 20 months I’ll reach remission and after 6 months I’ll have my doctors’ clearances and we can go home. I miss my sisters, my cousins, my 🇵🇭doctors, my close friends, and of course all of you… It’s already been 16 months.”
Ito ang sabi pa ni Kris.
Kris Aquino relationship status
Sa parehong post ay nilinaw rin ng kilalang TV host na siya ay single ngayon. Bagamat hindi siya nagbigay ng detalye bilang pagrespeto daw sa privacy niya at ng ex na tinutukoy niya sa kaniyang post. Ang paglilinaw ay ginawa niya daw para pagbigyan ang request ng kaniyang mga kapatid..
“I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and I feel more PEACEFUL. No details because i value my privacy and respect his, and I chose to only give the FACTS that should be addressed.
Ito ang sabi pa ni Kris.
Matatandaang Agosto nitong taon ng isapubliko ni Kris na may espesyal na relasyon sila ni Vice Governor Mark Leviste. Bagamat ilang beses rin nitong sinabi na maraming beses niya ring pinayuhan si Mark na tigilan na siya at magpatuloy sa kaniyang buhay na hindi siya kasama.