Kris Aquino sa birthday ng anak na si Josh: "Happy Birthday to our super gwapo Kuya"

Kris Aquino naging emosyonal sa pagbati sa birthday ng anak dahil hindi makakasama ng aktres dahil sa pagpapagamot sa America. Alamin Dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binati ng Queen of All Media, Kris Aquino ang kanyang anak sa 28th birthday nito. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Kris Aquino naging emosyonal sa birthday ng anak na si Joshua
  • Hiling ni Kris 

Kris Aquino naging emosyonal sa birthday ng anak na si Joshua

Nagbahagi ng birthday greetings ang award winning actress sa kanyang anak na si Joshua. Ito ay nag celebrate ng kanyang 28th birthday. 

Ramdam ang lungkot at kasayahan sa pagbati nito sa anak. Masaya ang host dahil birthday ng anak pero malungkot rin. Ang dahilan nito ay dahil sobrang miss na niya ang anak. 

Matatandaang nasa America si Kris para magpagamot dahil sa sakit na autoimmune disease.Habang ang anak ay nasa Pilipinas kasama ang ilang kapamilya.

Pagsisimula ni Kris sa kaniyang post,

“Kuya, I miss you and I love you so much… you’re where you want to be, surrounded by so many who love & care for you,”

Kris Aquino naging emosyonal sa pagbati sa anak dahil hindi magkasama. | Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino.

Nagkwento pa siya na ito ang pang-apat na beses na pumunta siya sa mall dahil gusto nito na siya mismo ang mamili ng damit ng anak. Proud ang aktres sa anak dahil ito ay disciplined.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hiling ni Kris 

Gustong gusto na daw ni Kris na makapag-celebrate kasama ang anak at maibigay ng personal ang regalo. Pero baka raw matagalan pa bago siya makauwi ng Pilipinas.  

“Kuya, I wish I could join them, but Mama needs a year & a half minimum of treatment because my latest blood panel confirmed I have 5 autoimmune conditions.” paliwanag ni Kris Aquino. 

Ito daw ay matatagalan dahil na-confirmed na meron siyang autoimmune conditions. Kaya kailangan daw magpagamot ng host ng mahigit isa’t kalahating taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakwento rin ng aktres na kailangan niya ng 3 weeks semi-isolation dahil bumababa ang immunity nito. Pinagdadasal nila na sana ay gumaling na ito sa kanyang sakit.

Dagdag pa ni Kris na nangako ang anak na sa America magcecelebrate ng pasok at birthday ng host. Sobrang miss na nga ng aktres ang kanyang anak. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy Birthday to our super guapo Kuya, I love you so much & yes I’m taking care of myself,” pahuling mensahe ni Kris sa anak.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva