Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

Kris Aquino binahagi na tatlong autoimmune disease na ang tumama ang sa kaniyang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nag-post ang dating TV host na si Kris Aquino sa kanyang Instagram account patungkol sa kanyang lumalalang sakit. Humiling din siya na huwag nang patamaan ng mga bashers ang kaniyang mga anak na sina Bimby at Josh.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Kris Aquino ibinahagi ang kaniyang health condition
  • Pakiusap ni Kris sa mga bashers: “Please don’t punish Kuya and Bimb for being my sons”

Kris Aquino ibinahagi ang kaniyang health condition

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Laman ng ilang balita nitong kamakailan lamang ang dating TV host at kilala bilang ‘Queen of All Media’ na si Kris Aquino dahil sa napag-alamang tinamaan ito ng matinding sakit.

Sa isang social media post ay ibinahagi niya ang isang video sa kanyang personal na Instagram account ang video kung saan makikita siyang nasa wheelchair sa isang ospital. Dito niya ibinahagi ang status ng kaniyang kalusugan. Sa video niya rin sinabing hindi pa raw siya nasa ICU (intensive care unit).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

‘Yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU ako at nag-aagaw buhay, masyado kayong advance. Para klaro sa lahat, and dahil gusto niyong patayin na ako. Well, I am not yet dead, I am going to fight to stay alive.”

Sa kaniyang caption, isinapubliko niya kung ano ang kasalukuyan niyang nararanasang sakit. Ayon sa kanya nitong huling linggo lamang ng buwan ng Abril nang malaman nilang life threatening na ang kanyang sakit.

Dagdag niya pa, proud daw siya dahil sa kanyang pagiging tapat at pagkakaroon ng lakas ng loo. Kaya gusto niya ring magpasalamat sa patuloy na nagdadasal at sabihin kung ano nga ba talaga ang kanyang kasalukuyang lagay.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kayo na lang please ang mag research- 3 ang confirmed autoimmune conditions ko: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the US. Meron po akong vasculitis, to be very specific — late stage 3 of Churg-Strauss Syndrome now also known as EGPA.”

BASAHIN:

Kris Aquino na-monitor na may high blood, pinigilan ng doktor na mangibang-bansa para magpagamot

LJ Reyes on finding a better version of herself: “It’s not easy at all.”

KC Concepcion muntik makaranas ng paralysis dahil sa COVID: “Stay SAFE everyone. This is not like the flu.”

Dahil nga sa lumalalang sakit, pinagpasyahan na nilang kumosulta sa doktor sa Pilipinas at maging sa abroad. Nag-aalala na rin daw ang mga ito sa organ damage na maaaring mangyari sa kanyang baga at puso.

Dahil daw dito pinagmamadali nang makaluwas siya ng ibang bansa upang mabigyan ng gamot na sa kasamaang palad ay hindi pa approve ng Food and Drug Administration dito sa bansa.

Heto ang bahagi ng caption ni Kris Aquino patungkol sa kaniyang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My team of doctors here & abroad (we’ve been closely consulting with a Filipino-American doctor and his team in Houston, Texas. Here the majority of my doctors practice in St Luke’s BGC and/or Makati Medical Center except my neurologist who has clinics in Asian, Perpetual & Medical City).”

“They are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest. ‘Yong gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag-infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids.”

Pakiusap ni Kris sa mga bashers: “Please don’t punish Kuya and Bimb for being my sons”

Sa kabila ng nararanasang malubhang sakit, hindi pa rin kinalimutan ni Kris Aquino ang pagiging ina. Bukod sa pag-amin sa kanyang totoong sakit, humiling din siya na huwag nang magbato ng kung ano-ano mang komento patungkol sa kanyang mga anak.

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15. Kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin.”

Ayon pa sa kay Kris, hindi raw kinakailangang kagalitan ng mga bashers niya ang mga anak kung mayroon man silang problema sa kaniya.

“Hindi niyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao. Please don’t punish kuya & bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan.”

Hindi niya rin kinalimutan sa video ang mga taong nananatili sa kanyang tabi upang mapasalamatan na nandyan pa rin sila sa kabilang ng kanyang sakit.

Aalis daw sila tatlong araw mula ngayon, May 19, upang makakuha ng gamot sa ibang bansa. Ayon pa sa TV host, tinatayang dalawang taon pa ang aabutin upang malaman kung epektibo ba ang ginawang gamutan upang magamot ang kanyang sakit.

Taong 2018 nang unang ibinahagi ni Kris Aquino ang kanyang sakit ay sumailalim sa srye ng iba’t ibang medical test at treatments.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva