Kris Aquino nagbigay ng update tungkol sa kaniyang kondisyon. Si Kris ay nakatakdang umalis sa mga susunod na araw kasama ang kaniyang mga anak patungong ibang bansa. Ang pakay doon ni Kris ay magpagamot na tatagal umano ng higit sa isang taon.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Update sa kalusugan ni Kris Aquino
- Health condition ni Kris Aquino
Update sa kalusugan ni Kris Aquino
Image from Kris Aquino’s Instagram account
Nitong Biyernes, April 22 ay nagdiwang ng kaniyang 52nd birthday ang singer at tinaguriang ‘Asia’s Songbird’ na si Regine Velasquez. Si Regine ay nag-post ng sari-saring pagbati at regalo na natanggap niya sa kaniyang kaarawan sa Instagram.
Kaliwa’t kanan rin ang pagbati sa kaniya ng mga kaibigan niyang celebrities sa social media. Pero ang nakakuha ng atensyon ng marami ay ang pagbati ng aktres na si Kris Aquino kay Regine.
Base sa komento ni Kris sa isa sa mga birthday post ni Regine ay may hinanda itong thank you gift sa singer at sa mister nitong si Ogie Alcasid. Ngunit kailangan niyang tanungin pa ang mga kapatid niya kung ito ay naipadala nila.
“May hinanda akong THANK YOU from our family for you & pareng Ogie — honestly i need to ask my sisters if it ever reached you — because Alvin (your #1 fan) took care of everything, he’s on leave now because his mom is in the hospital.”
Ito ang bungad na komento ni Kris sa isa sa mga birthday post ni Regine.
Si Kris ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na kung tawagin ay autoimmune disease chronic spontaneous urticaria (CSU). Ito ay isang uri ng lupus o autoimmune disease na walang lunas. Dahil sa tinataglay na sakit ay very sensitive ang kalusugan ni Kris.
Kaya naman siya ay iniingatang hindi ma-expose sa anumang uri ng virus, allergens at bacteria. Ang tinaguriang Queen of all Media, bantay sarado at hangga’t maari ay hindi lumalabas ng kanilang bahay para masigurong ligtas siya.
Kris mawawala ng higit sa isang taon para magpagamot
Image from Kris Aquino’s Instagram account
Para makasama pa nang matagal ang dalawang anak at magawa pa ang iba pang posibleng treatments sa kaniyang sakit ay tutungo sa ibang bansa si Kris. Siya ay sasamahan ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.
Ang nalalapit nga nilang pag-alis ay ibinalita ni Kris sa birthday greeting niya kay Regine na kung tawagin niya ay mare. Humingi rin siya ng paumanhin sa nahuli niya ng pagbati sa birthday nito.
Dagdag pa ni Kris ay na-overwhelm siya sa nakatakdang nilang pag-alis ng mga anak niya. Dahil tatagal umano ng higit sa isang taon ang pagpapagamot niya sa ibang bansa.
Ang ginawang pagbabahagi ni Kris kay Regine ay dahil daw lagi itong nagtatanong ng update tungkol sa kondisyon niya. Ganoon rin ang mister nitong si Ogie Alcasid na pare kung tawagin ni Kris.
“Mare sorry if my greeting is late — we leave in a few days and we’ll be gone for more than a year for my medical treatments. Medyo overwhelming. Thank you dumalaw si Jas & Darla and they told me sobrang consistent kayo ni Pare asking kung kamusta ako.”
Ito ang sabi ni Kris Aquino tungkol sa update ng kaniyang kalusugan at ginagawang pagpapagamot.
Reaksyon at mensahe ng netizen sa pag-alis ni Kris
Sa comment na ito ni Kris sa IG post ni Regine ay maraming netizen ang nag-react. Hiling nila na sana umayos na ang kalusugan ni Kris at maging successful ang pagpapagamot niya sa ibang bansa.
“May the Holy Spirit be with you to good health.”
“Safe travels, Ms. Kris! Praying for your recovery.”
“Flooded heavens with prayer for your successful treatment in the US #lovelovelove”
Ito ang ilan sa komento ng netizen sa post ni Kris.
BASAHIN:
Kris Aquino: “Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart.”
Bimby sets the record straight: “I like women. I don’t like boys.”
Ogie Alcasid sa birthday ni Regine Velasquez: “You are the air that I breathe, my rock, my heart and soul.”
Health condition ni Kris Aquino
Base sa huling check-up ni Kris ay sumailalim siya sa ilang mga test para matukoy kung may cancerous tumor sa kaniyang katawan. Siya ay sumailalim sa PET/CT Scan, endoscopy at biopsy.
At base sa resulta ng mga naturang test ay walang cancerous tumors na na-detect sa katawan ni Kris. Bagamat natuklasan na siya ay may gastric ulcer.
“From the Pet/CT scan results, Dr. Francis gave me the HAPPY NEWS, walang tumors, NO CANCER DETECTED.”
“Dr. Jonard Co’s finding are erosive gastritis and gastric ulcer.”
Ito ang post ni Kris noon tungkol sa kaniyang health condition.
Maliban sa mga nabanggit ng test na ginawa sa kaniya ay kinuhanan rin ng bone marrow si Kris sa kaniyang pelvic bone.
Ito ay para matukoy naman kung may blood related disorder siya na maaring sanhi ng matinding pagbaba ng kaniyang timbang at pagiging anemic.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!