Bimby Aquino may deretsahang sagot sa mga kumekwestyon sa sexual orientation niya. Bagamat ayon sa kaniya, sa totoo lang, ay wala siyang pakialam sa sinasabi ng mga bumabatikos sa kaniya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga deretsahang sagot ni Bimby Aquino sa mga issues na ibinabato sa kaniya ng publiko.
- Mensahe ni Bimby at ng inang si Kris Aquino sa mga haters at supporters nila.
Kris Aquino’s heart-to-heart talk with son Bimby Aquino Yap
Nitong April 22, ibinahagi ni Kris Aquino sa kaniyang Facebook account ang heart-to-heart talk nila ng anak na si Bimby Aquino Yap. Sinundan ito ng part 2 ng nasabi pang interview niya sa anak kinabukasan.
Kung saan sinagot ni Bimby ang ilan sa maiinit na isyu na ipinupukol sa kaniya at sa kanilang pamilya. Isa na nga rito ay ang tungkol sa sexual orientation ni Bimby.
Sa video na kinuhanan sa ilang minuto bago ang 14th birthday ni Bimby ay ‘tinanong ng actress-TV host ang kaniyang anak sa kung ano ang pakiramdam niya na sinasabihan siya ng bakla.
“How do you feel, honestly, when you read those comments that they say you’re gay,” tanong ni Kris.
Bimby Aquino answers issues about his sexual orientation
Ani Bimby na kahit 14 pa lang siya ay kilala na niya ang sarili niya. Hindi rin siya naapektuhan sa mga iniisip ng mga tao sa kaniya.
“I don’t really feel anything… Parang, like, it did not go through my mind ’cause I know what I am. I’m straight. I’m straight as an arrow.”
Dagdag pa ni Bimby, gusto niya ng mga babae.
“I’ll set the record straight,” pagdidiin niya. “I’m straight. I like women. I don’t like boys.”
Pero kung iniisip ng publiko na siya’y gay, wala siyang magagawa kung hindi respetuhin ang iniisip nila. Dinepensahan din niya ang LGBT community sa bansa at sinabing hindi sila dapat kinukutya nang dahil sa kanilang sexual orientation.
“They are entitled to their own opinion on what they think about me—just as long as you don’t, like, attack me. If you say, ‘I think he’s gay,’ I’ll respect that. But I’m not gay. But if you say, ‘Uy, beki si Bimb, kadiri,’ that’s wrong.”
Bagaman menor de edad si Bimby at hindi kailanman magiging tama ang pagkuwekuwestiyon ng kaniyang sexual orientation sa murang edad, ipinakita ng bata na malawak ang kaniyang pang-unawa sa mundong kaniyang ginagalawan.
“As long as you debate with someone at may respeto ka sa tao, okay lang ‘yan, sure. If you have different opinions, okay lang ‘yan, sure.”
Nakakalungkot isipin na hindi ito ang unang pagkakataon na in-address ni Bimby ang mga taong ginagawang katatawanan ang gender identity niya.
Sa isang interview din sa kaniya ng kaniyang ina noong 2017, lumabas na ang isyung ito sa publiko. Una nang sinabi ni Bimby na hindi fair sa tulad niyang bata na ma-judge dahil sa ina-assume ng mga tao na sexual orientation niya.
“People think, like I’m a homosexual. Why would you judge a child? Don’t judge a child. It’s because we’re still learning about ourselves and puberty hasn’t struck for me yet.”
![bimby aquino](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2021/04/kris4.jpg?width=450&quality=10)
Image from Kris Aquino’s Facebook account
BASAHIN:
Kailan at paano kakausapin ang iyong anak tungkol sa sex
Georgina Wilson, sinagot ang basher na nag-komento tungkol sa gender ng anak na si Archie
Wag mong i-judge ang anak mo kung gusto niya ng mga “larong pambabae”
Kris to son Bimby: “Whatever you are, I’ll accept.”
Samantala, sinuportahan naman ni Kris Aquino ang mga naging sagot ni Bimby sa ginawa nilang heart-to-heart talk sa 14th birthday nito. Sinabi niya rin na kahit ano pa man ang gusto ng kaniyang anak ay ayos lang ito sa kaniya at tatanggapin niya ng buong-buo.
Mensahe ni Kris sa kaniyang anak,
“Well, you know Bimb, whatever you chose to be, it’s none of their business. Okay?
“Whatever you are, I’ll accept.
“I really don’t care honestly whatever you chose to be, it will be fine with me for as long as you excel.”
Diin ni Kris na walang kaso sa kaniya kung sino man ang piliin ng anak niyang mahalin o kung ano man ang sexual orientation nito. Ang mas importante kay Kris bilang ina ay maging magaling si Bimby sa kung ano man ang mapili nitong propesyon.
“I mean, if you’re gonna be gay or whatever you wanna be, you better be the best at the profession you choose to be. That’s just my feeling. And I’m so anti-homophobia.”
Ihinayag ni Bimby sa kaniyang panayam na nais nitong maging pediatrician at businessman. Pangarap daw niyang magkaroon ng sarili niya hospital kung saan hindi raw siya maniningil ng mataas sa kaniyang mga pasyente.
Lubos naman ikinatuwa ito ni Kris, na umaming pangarap niya na magkaroon ng anak na duktor.
Bimby’s ideal kind of girl
![bimby aquino](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2021/04/kris3.jpg?width=450&quality=10)
Image from Kris Aquino’s Facebook account
Sapagkat nagbibinata na nga ang anak, hindi na rin napigilan ni Kris na tanungin ito sa kung ano ang gusto niya sa babae. Excited namang sinagot ni Bimby ang tanong at ibinahagi ang ideal kind of girl niya.
“I like brunette. Brunette or blonde. That’s just [hair] color. As long as she has nice hair, nice legs.”
Aniya pa na gusto niya sa isang babae ay maganda at maganda ang leeg. Sa kaniyang opinyon ay cute din ang mga babae na nakasuot ng salamin, kagaya niya.
“If she wears glasses, that’s so cute. So, we can be eight eyes,” pagbibiro pa ni Bimby.
Pag-amin niya na katulad ng ibang kalalakihan, una rin siyang nahuhumaling sa looks ng isang babae.
“You will love a girl, at first, with her looks muna. Let’s be realistic, people judge books by their cover. And if their cover is not great, but [their] personality is great, they have to open the book muna to see what’s inside.”
May isang bagay o ugali rin umano si Bimby na hinahanap sa isang babae na natutunan niya sa kaniyang ina. Ito ay ang pagiging generous sa iba.
“I want her to be smart, very generous ’cause I learned that from you. ‘Di ba, you said once, ‘Bimb, if you’re gonna get a girl, make sure she’s as generous as your mama.”
Kris Aquino’e message to son Bimby
Sa dulo ng kanilang usapan ay humingi ng pasensya si Kris publiko sa mga deretsahang sagot ng anak niyang Bimby. Ito ay dahil sa ganitong paraan niya pinalaki si Bimb, ang maging matapat sa mga nararamdaman niya.
“Sorry kung medyo na-shock kayo sa mga sinagot, but that’s us. That’s what I’ve tried to do, raise an honest kid. In a world where we have had to pretend for so long, it’s a relief that we can be real.”
Humingi rin siya ng tawad sa anak dahil sa mga kailangan nitong pagdaanan dahil siya ang naging ina nito. Pero paalala niya kay Bimby ano man ang mangyari ay manatili lang itong mabuti.
![Bimby sets the record straight: I like women. I dont like boys.](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2021/04/kris1.jpg?width=450&quality=10)
Image from Kris Aquino’s Facebook account
“I am sorry that you have to go through so much because I am your mom.”
“Please remember, honey, na I learned na when people had been cruel, the best answer is to be kind. Because God sees everything and God plays fair. I have learned and we should set that example.”
Pinasalamatan niya rin ang mga haters at supporters niya na ayon kay Kris ay alam at nararamdaman nilang mas nangingibabaw parin ang mga nagmamahal sa kanila.
“Thank you for keeping us relevant. Because when you weigh it mas marami parin iyong nagmamahal. Maraming-maraming salamat,” sabi pa ni Kris.
Inihayag rin nito na hindi muna makikita si Bimby gaano sa public at susubukan nitong magkaroon si Bimby ng mas pribadong buhay.
Source:
GMA News, ABS-CBN News
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!