Kris Bernal mixed emotions sa nalalapit niyang panganganak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kris Bernal sa nalalapit na panganganak.
- Pakiramdam ni Kris na malapit niya ng makita ang kaniyang baby girl.
Kris Bernal sa nalalapit na panganganak
Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na si Kris Bernal ang nararamdaman niya sa nalalapit niyang panganganak. Ayon kay Kris, ngayong Agosto siya inaasahang manganak. Kaya naman sa nalalapit na panganganak ay halo-halong emosyon na ang kaniyang nadarama. Nangunguna na nga raw dito ang takot sa hirap at sakit ng panganganak na marami mang first time moms din tulad niya ang nakakaranas.
View this post on Instagram
“Hello, August! Happy due date month, my #LittleSunshine! 🌻”
“I’ve been pregnant since 2022.. Literally since Christmas! Could be hours and days at this point! If only we knew exactly when things are going to go down and all these regular braxton hicks and tightenings make it confusing! I’ll be honest, birth scares me like the fear of the pain, intensity, the unknown, and postpartum.”
Ito ang bahagi ng caption ng Instagram post ni Kris.
Pakiramdam ni Kris na malapit niya ng makita ang kaniyang baby girl
Larawan mula sa Facebook account ni Kris Bernal
Natatakot man sa panganganak ay excited rin naman daw siya na makita na ang kaniyang baby girl. Sa katunayan, ay hindi niya nga daw malaman ang tamang salita na gagamitin para ma-describe ang excitement niya na makita na ito soon.
“But, the anticipation of finally meeting our baby girl, UGH, it’s just something I can’t even find all the words to explain! My heart explodes! ❤”
Ito ang sabi pa ni Kris.
Minsan naring ibinahagi ni Kris ang mga struggles na naranasan niya sa pagbubuntis. Pero masaya siya na sa ngayon ay nalalapit na ang kaniyang panganganak. At proud siya sa sarili niya na-embrace niya ang mga pagbabago sa katawan niya at higit sa lahat sa buhay niya na ngayon ay madadagdagan na ng panibago niyang role bilang isang ina.
“I’ve struggled physically, mentally, and emotionally. A lot of things are all new for me. I feel like a stranger in my own body. And, just like any pregnant woman, I also experienced all the symptoms possible.”
“I have weathered the storm, stood in the fire, and survived! 💪🏻 And, when you realize everything’s happening for such an important reason, you just surrender to the changes and be amazed by how powerful and strong you are!”
Ito ang sabi pa ni Kris.
Larawan mula sa Facebook account ni Kris Bernal
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!