Talagang na-sorpresa si Kris Bernal sa naganap na gender reveal party ng kaniyang anak. Hindi niya kasi umano inaasahan ang kinalabasan nito.
Kris Bernal hindi makapaniwalang babae ang anak
April 16, 2023 nang ganapin ang gender reveal party ng anak nina Kris Bernal at Perry Choi. Ibinahagi ni Kris Bernal sa kaniyang mga fan ang kaganapan sa pamamagitan ng YouTube live video.
Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal
Sa nasabing video mapapanood ang naganap na party sa isang resort sa Pasay City. Makikita sa video kung paano nagtunggali ang pink dinosaur at blue dinosaur sa harap ng mga bisita. Ang kakaibang gimik na ito ay ideya umano ng daddy ni Kris Bernal ayon sa aktres.
Nagwrestling ang dalawang dinosaur mascots kung saan ay nagwagi ang pink dinosaur. Ibig sabihin –babae ang anak nina Perry Choi at Kris Bernal. Bilang pagkumpirma sa kasarian ng anak, kulay pink din ang usok na inilabas ng powder bomb.
“The dinosaur battle left many of us wondering if it’s already the final result but the confirmation came with the powder bombs!” saad ni Kris Bernal sa kaniyang Instagram post.
Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal
Hindi raw makapaniwala ang aktres dahil all this time akala niya ay lalaki ang kaniyang magiging anak. Puro sintomas daw na lalaki ang anak ang kaniyang naranasan at patusok pa nga raw ang tiyan niya. Fixed umano sa kaniyang isipan na lalaki ang anak at nararamdaman niya rin ito. Pero iba ang kinalabasan ng gender reveal.
Subalit, babae man ang anak ay labis pa rin ang excitement na naramdaman ng aktres. Excited na umano ito na ipanganak ang baby girl niya at gusto na rin niya itong bihisan at ayusan.
Dream come true nga raw na mabihisan at maayusan ang babaeng anak. Dagdag pa ng aktres, answered prayer daw ito dahil babae talaga ang gusto niyang maging anak.
“A dream come true! Whoa, didn’t expect it! Thank you to all our family and friends who made it, to all who patiently tuned in on my YT livestream, and to all my hardworking suppliers for making my vision come to life!” saad nito sa isang IG post.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!