Kris Bernal sa pagpapasuso sa anak niyang si Hailee: “As a dede-cated mom yarn?”

Si Kris tinawag na traumatic at unforgettable ang birthing experience niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Bernal ibinahagi ang buhay niya ngayon as a padede mom.

Mababasa dito ang sumusunod:

Panganganak ni Kris Bernal

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Isang buwan narin ang makalipas ng ipanganak ni Kris Bernal ang kaniyang first baby na pinanganalan nila ng mister na si Perry Choi na Hailee Lucca. Sa Instagram ay ibinahagi ni Kris kung paano naging mahirap at challenging para sa first-time mom na tulad niya ang panganganak. Traumatic daw at hindi niya makakalimutan ang naging panganganak niya. Pero dahil dito ay mas na-appreciate at hinangaan niya ang kaniyang ina.

“It was such a traumatic and long birth. I’ll never forget. I really thought it was my end. So intense! 😭 Birth is incredible and powerful, the body is mind blowing, and life is truly a gift. These are the moments of sacrifice and vulnerability and everything that goes into birthing! Lalo akong humanga sa sakrispisyo ng nanay ko. At, sa lahat ng nanay 👏🏼 What an incredible bravery and fortitude!!”

Ito ang bahagi ng IG post ni Kris tungkol sa kaniyang naging panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Kris Bernal as a padede mom

Si Kris pinili rin na magpa-breastfeed sa anak. Buong puso niya ngang winelcome ang sarili bilang isang proud padede mom.

“Welcome to the pa-dede club, KB! As a dede-cated mom yarn? 🥛”

Ito ang sabi ni Kris sa kaniyang post.

Pag-amin niya mahirap ang pagpapasuso. Pero masaya siya na sa kabila ng hirap at sakit na kaakibat nito ay naibibigay niya sa anak ang pangangailangan nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Bernal

Cluster feeding, waking up every 2-3 hours, cracked nipples, back pain from bad posture, washing pump and bottles, engorged and leaky breasts, clogged milk ducts, diet restrictions, crying real tears over spilled milk, feeling anxious whenever baby cries.. This isn’t easy! 😅 Worth it and such a privilege, but not easy!”

Ito ang pagbabahagi pa ni Kris tungkol sa kaniyang breastfeeding experience.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ng first-time mom, hirap man daw siya lalo na sa pagpupuyat, worth it naman daw ito  sa tuwing nakikita niya ang anak. Hindi niya nga daw pagpapalit ang kasiyahang nararamdaman niya ngayong bilang isang ina sa kahit ano pang bagay.

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement