Kris Bernal simula nang pasukin ang married life: “Hindi na ako masyadong magastos sa mga luho ko.”

Kris para daw prinsesa sa piling ng mister niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktres na si Kris Bernal, happy sa unang taon ng married life niya sa mister na si Perry Choi.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Perry Choi and Kris Bernal married life.
  • Mga natuklasan ni Perry at Kris sa isa’t-isa ng sila ay maging mag-asawa na.

Perry Choi and Kris Bernal married life

Larawan mula sa Facebook account ni Kris Bernal

Isang taon ng kasal sina Kris Bernal at mister niyang si Perry Choi. Sa bagong vlog episode ni Kris, ibinahagi niya ang nararamdaman niya sa ngayon at ang mga pagbabagong naranasan niya noong magka-asawa na.

Ayon kay Kris, malaki ang naging pagbabago sa buhay niya mula ng makasal sila ng mister na si Perry. Number one na nga rito ay ang ugali niya pagdating sa paggastos ng pera na nabawasan daw. Nang magkaasawa na ay naging mas simple umano ang buhay ni Kris at natututo na siyang umiwas sa mga luho niya noon.

“Ako as single woman, I used to be magastos. I used to spend a lot so much sa sarili ko not just for myself pero pati sa family ko.”

“Hindi na ako masyadong magastos sa mga luho ko. Binibili ko na rin lang talaga ‘yong kung ano ‘yong tatagal, kung ano ‘yong worth it, kung ano ‘yong kailangan sa bahay. Natuto akong maging minimalist kasi ‘yong asawa ko sobrang simple, as in walang kaarte-arte sa katawan.”

Ito ang sabi ni Kris na nagbago sa buhay niya ng maging asawa na ang mister na si Perry.

Larawan mula sa Facebook account ni Kris Bernal

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ni Kris, nang maging asawa na si Perry ay na-realize niyang marami talaga siyang hindi alam gawin. Partikular na sa gawaing-bahay na ang mister daw na si Perry ang gumagawa para sa kaniya noong bagong kasal pa lang sila.

“I was very dependent sa mommy ko. As in in my 33 years of existence, lahat ng decisions ko in life, in all aspects Mommy ko talaga ‘yong naging sandalan ko.”

“When I got married, siyempre nag-transition na ako from being single to married. Na-realize ko na ang dami kong hindi kayang gawin. So parang, nahiya ako for Perry kasi hindi ko kayang mabuhay on my own kasi nga I was so dependent to my mom.”

“Ang galing talaga ni Perry. Marunong siya sa gawaing bahay. Noong wala pa kaming kasama sa bahay, siya naglalaba, siya bumibili ng mga kailangan sa bahay.”

Ito ang kuwento pa ni Kris. Bagamat pagpapatuloy pa ng aktres ay pinag-aaralan niya naman daw gawin ang mga gawaing-bahay. Para naman daw mapagsibilihan niya rin ang asawa.

“Natututo-tuto naman ako unti-unti. Saka ayoko rin kasing ma-disappoint ka na parang wala akong kwenta kasi ginagawa niya talaga lahat ng tasks for me,” sabi pa ni Kris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung idi-describe niya nga daw ang buhay niya kasama ang mister, ayon kay Kris para siyang isang prinsesa.

“Being with him makes me feel like I’m in a real romantic comedy movie. With Perry I feel like I am a Princess. Sobrang ini-spoil niya ako.”

Mga natuklasan ni Perry at Kris sa isa’t isa ng sila ay maging mag-asawa na

Larawan mula sa Facebook account ni Kris Bernal

Marami rin daw nalaman si Kris at Perry tungkol sa isa’t-isa ng magkasama na sila sa iisang bubong. Si Perry na napakatipid magsalita ay ito umano ang nalaman tungkol kay Kris ng maging asawa niya na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Talagang mantika ka matulog, adik ka mag-work out dati. Talagang walang ideya sa gawaing-bahay and siksik ka ng siksik sa kama. Kahit ang laki-laki ng kama lagi akong nasa dulo mahuhulog na ako.”

Ito ang natatawang sabi ni Perry.

Si Kris naman ito ang natuklasan pa sa asawang si Perry.

“Napakalakas mong humilik. Ang hilig mong magpakamot sa likod. Hindi ko alam kung anong makati dyian pero nagpapakamot siya.”

“Kuripot siya in a way na hindi niya gagastusan ‘yong mga nonsense things pero magastos siya na gagastusan niya ‘yong mga bagay na sulit at magagamit talaga saka kailangan. Sobrang ayos niya sa gamit. Sobrang ayos niya, sobrang linis niya.”

Ito ang pagbibida ni Kris sa kaniyang asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabuuan daw very happy ang married life ni Kris at Perry.  Sa katunayan, sa ngayon ay wala pa daw silang naging major fight ni Perry. At kung mayroon man ito umano ang ginagawa nilang dalawa para agad itong maayos at maitama na.

“At the end of the day we still choose each other. Pinag-uusapan namin kung ano talaga yung problema.”

Ito ang sabi pa ni Kris Bernal tungkol sa married life niya kasama ang mister na si Perry Choi.