Finances ang isa sa karaniwang problema ng mag-asawa. Madalas pa ay nahihirapan sa desisyong sino nga ba ang dapat nagha-handle nito. Sino nga ba ang dapat humahawak ng finances ng married couple? Si misis o si mister?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Pagsasama ng pinansya ng mag-asawa mas nakapagpapatibay raw ng relasyon
- Tips paano maha-handle nang maayos ang pera ninyong mag-asawa
Pagsasama ng finances ng mag-asawa mas nakapagpapatibay raw ng relasyon
STUDY: Pagsasama ng pinansya ng mag-asawa mas nakapagpapatibay raw ng relasyon | Larawan mula sa Pexels
Isa sa mga dahilan ng bawat pagbabangayan ng asawa ang usapin ng pera. Madalas na ito ang nagiging sanhi ng pag-aaway kaya nauuwi sa hiwalayan. Kaya naman malaking factor ang pera sa relasyon.
May ibang mag-asawa na magkahiwalay ang kanilang finances. Ang kanilang dahilan ito raw ang safest option. Kung sakali raw kasing maghiwalay ay madali lang nilang makukuha ang kanilang pera. Nagdudulot ng mababang commitment sa relasyon ang ganitong paraan.
Sa iba naman, pinagsasama ng magkarelasyon ang kanilang kita at utang. Ito raw ang isang paraan para magkaroon sila ng bagong identity as a couple. Ayon sa mga ito, mas dama raw kasi nila ang commitment sa relasyon.
“They’re more likely to feel like they have a say, an influence, in their relationship and that empowerment piece is actually what’s influencing the relationship outcomes.”
Dahil sa mainit nga na usapin ang pinnasya sa relasyon, nagsagawa ang mga eksperto ng pag-aaral hinggil sa impact nito sa mga mag-partner.
Sa pag-aaral, nagsagsawa ang mga researchers ng anim na studies na may humigit kumulang 38,000 na participants. Napag-alaman sa pag-aaral na ang mga magkarelasyon na pinagsasama ang pera ay mas masaya. Mas mababa rin daw ang tyansang maghiwalay sila kumpara sa mga magkarelasyon na magkahiwalay ang pera.
Nakita ng mga researcher na mayroong positive interactions at mas maganda ang kanilang koneksyon. Ayon din sa mga participants mas dama raw nila ang pagiging stable. Mas nakikita raw ang benepisyong ganito lalo na sa mga magpartner na may kaunti ang pera o kita nila.
Mas tumatagal ang relasyon ng mag-asawang pinagsasama ang kanilang pera ayon sa study. | Larawan mula sa Pexels
Pareho ang naging resulta nito sa isang pag-aaral ni Ashley LeBaron, isang doctoral student sa Norton School and Consumer Sciences. Mula sa kanyang research, in-examine niya kung paano mina-manage ng magkarelasyon ang desisyon patungkol sa pinansya at paano ito nakaaapekto sa relasyon.
“Couples who manage their money together, have joint bank accounts and have low financial conflict, those partners are more likely to feel empowered in the relationship.”
Mayroon daw itong positibong pakiramdam sa mag-asawa dahil nadadama nilang pantay silang dalawa. Sa pagsasama ng pinansya, maibibigay ang ideyang patas ang kanilang effort at influence na ibinibigay sa relasyon. Mas nagugustuhan din daw nila na panatilihin ang relasyon nang mas matagal.
Maaaring dahilan din kung bakit tumatagal ang relasyon sa ganitong paraan, ay ang hassle na magiging bitbit nito. Mas pipiliin na lang na ayusin ang pag-aaway para hindi na pag-usapan pa kung paano hahatiin ang pera.
Isa lamang ang pinansya sa marami pang usapin ng relasyon. Mahalaga kasi kung paano iniha-handle ng magkarelasyon ito. Nasa mag-asawa pa rin ang desisyon kung ano ang mas effective na paraan para sa kanila, kung ito man ay magkahiwalay o magkasama.
BASAHIN:
5 posibleng rason kung bakit hindi na masaya ang mag-asawa sa pagsasama
7 mistakes kaya nasisira ang communication ng mag-asawa
8 na sikreto para isang matagal at masayang pagsasama ng mag-asawa ayon sa eksperto
Tips paano maha-handle nang maayos ang pera ninyong mag-asawa
Tips paano mahahandle nang maayos ang pera ninyong mag-asawa | Larawan mula sa Pexels
Hindi maiiwasang magkaroon ng problema sa pinansya ang mag-asawa. Mas madalas ito sa mag-asawang hirap kumita. Kahit ang mga magkarelasyon kumikita naman nang malaki ay pinagtatalunan pa rin ang pagha-handle ng pera. Kung isa kayo sa mga mag-asawang nahihirapan sa usaping ito, narito ang ilang tips para sa inyo:
- Mag-establish ng budget sa lahat ng gastusin.
- Tukuyin kung ang pera ba ang nakalaan para sa emergency fund o luxury fund.
- Huwag gumastos ng higit pa sa kinikita ninyong dalawa.
- Unahing maglaan ng pera sa mga basic needs gaya ng pagkain, monthly bills, school expenses at iba pa.
- Iwasang gumastos sa mga bagay na hindi kailangan.
- Magtabi ng pera para sa mga unexpected na pangyayari tulad na lang ng mga biglaang pagkasira ng ilang parte ng bahay.
- Ilagay ang pera sa bangko kaysa sa bahay para maiwasang magastos ito.
- Mag-open ng joint account kung saan pareho kayong nakaaccess sa pera.
- Subukang mag-invest para lumago ang pera.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!