Kris Bernal nakakaranas ng pregnancy insomnia at anxiety

Ibinahagi ni Kris Bernal na tulad ng ibang pregnant moms, nakararanas din siya ng mga sintomas tulad ng pregnancy insomnia at anxiety.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Muling nagbahagi ng update sa kaniyang pagbubuntis ang aktres na si Kris Bernal. Makikita sa kaniyang Instagram page ang 26 weeks bump update kung saan sinabi nitong, “same fit but add another human.”

Pregnancy insomnia at anxiety nararanasan ni Kris Bernal

Tulad ng maraming ina sa kanilang second trimester, hindi rin syempre exempted si Kris Bernal sa mga pregnancy symptoms tulad ng insomnia at anxiety.

Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal

Nagbahagi ang aktres sa kaniyang Instagram ng video kung saan ay ipinakita niya sa mga netizen ang itsura na ngayon ng kaniyang baby bump. Kitang-kita na ang linea nigra o yong guhit sa gitna ng kaniyang baby bump.

Saad ng aktres sa caption ng post, “baby is moving around like a gymnast”

Bukod pa rito, ibinahagi rin ng aktres na halos hindi na raw niya makita ang kaniyang vagina. Dahil nahaharangan na ng lumalaking baby bump. Napapadalas din umano ang kaniyang “wildest, weirdest dreams with night sweats.”

Kahit na umano madalas na nasa “zombie mode” ang aktres dahil na rin sa pregnancy insomnia, anxiety at iba pang worries, nagpapasalamat pa rin si Kris Bernal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal

Aniya, “So blessed to experience this and this baby girl is already filling our days with so much love and hope. Thanks for the outpouring of love y’all.”

Sa kahiwalay naman na IG post ay inamin ni Kris na nakararanas din siya ng insecurities kagaya ng ibang ina. Tulad ng ibang mga buntis, naninibago rin siya sa mga changes sa kaniyang katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Kris Bernal

“I’ll be honest: I don’t always feel attractive while I’m pregnant. Most days I’m more like a turtle on its back trying to get back on its feet. Always in a slow pace, gets tired easily, feels big/bloated. And all those insecurities that just any pregnant women go through.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagpahayag naman ng suporta at paghanga ang kaniyang mga fan sa aktres.

Ayon sa isang netizen, “No matter what you feel, you’re still beautiful even you’re pregnant because you are carrying a blessing from God. Cheer up!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan