Kristine Hermosa, buntis sa kaniyang baby no. 5

"God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo. Best Christmas gift ever." - Oyo Boy Sotto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kristine Hermosa, ipinagbubuntis ang kanilang pang-limang anak ng kaniyang asawang si Oyo Boy Sotto.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Anunsyo sa pagbubuntis ni Kristine Hermosa
  • Mag-asawang Kristine at Oyo Sotto

Pag-aanunsiyo sa pagbubuntis ni Kristine Hermosa

Bago matapos ang taon isang magandang balita ang dumating sa mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Inanunsyo ni Oyo na ang kaniyang asawang si Kristine Hermosa ay ipinagbubuntis na ang kanilang ika-5 anak.

Sinabi niya ito sa isang Instagram post, makikita sa post ang pregnancy test at sonogram ng kanilang pang-limang anak ni Kristine Hermosa.

Sa caption, makikita nga kung gaano kasaya si Oyo nang malaman na magkakaroon na sila ng pang-lumang anak.

“Nag POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Grabe ka Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka faithful mo kahit kailan.

“God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo. Best Christmas gift ever.”

Sa hashtag makikita pa nga na ipinagdadasal nina Oyo at Kristine na sana’y baby girl na ang kanilang pang-limang anak.

Si Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa ay ikinasal noong January 2011, ang kanilang anak na si Kristian Daniel ay kanilang inampon. Nang taon din na iyon dumating ang kanilang pangalawang anak na si Ondrea Bliss. Pagkatapos nito ipinanganak si Kaleb Hanns noong 2014, at 2016 naman ng ipinanganak ni Kristine ang kanilang pang-apat na anak na si Marvin Valentin II.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-iibigang Krisitine Hermosa at Oyo Boy Sotto

Kilala ang dalawa sa pagiging artista, at si Oyo Boy Sotto pa nga ay anak ng premyadong komedyante na si Vic Sotto. Kaya naman hindi malabo na magkaroon ng pagkakataon na magkakilala ang dalawa dahil iisa lamang ang industriyang ginagalawan nila.

Sa pagkukuwento ni Kristine Hermosa, lagi umano silang nagpi-fail ni Oyo sa pagiging mag-asawa pero hindi naman ito nagiging sanhi upang mag-discourage sila upang mas mahalin ang isa’t isa at mas maging bette couple pa.

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Buntis ba ako?: Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis

Cryptic pregnancy: Ang pagbubuntis na walang sintomas

Ang mga magagawa ni mister upang masigurong healthy ang pagbubuntis mo?

“Minsan or most of the time, we fail.. but we don’t give up on trying together,” 

Sa isa ring post sinabi ni Kristine,

“Thank you, Jesus for my precious gifts despite my sinfulness. I know I don’t deserve these beautiful and unique people in my life but you are love — you love me and you exactly know what i need and what will make me happy in this lifetime that’s why I have them. I am forever grateful my Father. please always protect and bless them.. my family, my marriage, my children & all of my loved ones. (This includes my extended families (Al**ro-Or*lle-Sotto), my forever loyal friends (alam niyo kung sino-sino kayo, dahil iilan lang kayo) hahaha!”

Post ito ni Kristine noong siya’y nag-birthday noong nakaraang taon. Nagpapasalamat ang aktres sapagkat biniyayaan siya ng Panginoong ng isang asawa na mapagmahal at mga anak.

Marami ang natutuwa sa pagsasama ng dalawa dahil nakikita ng lahat kung gaano kasimple ang kanilang relasyon. Isa rin sa mga nakakatuwang bahagi patungkol sa pagmamahalang Oyo at Kristine ay ang kanilang pagiging malapit ding magkaibigan.

Hindi karaniwang showbiz couple

Ang pagsasamang Kristine at Oyo rin ay hindi isang tipikal na showbiz couple. Maraming humahanga sa dalawa dahil walang household help, alalay, o yaya ang kanilang pamilya. Ayon kay Kristine sa interview niya noon sa THE STAR, “I’m very hands-on.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa niya,

“Many moms claim that they are hands-on, but I really opt to do everything. I know all of the things in the house. My kids are home-schooled. Kami ni Oyo, nagpapalitan kami. Most of the time, we have no helpers. I am cleanliness freak and sometimes, hindi nila makuha ‘yung gusto ko. I am meticulous when it comes to cleanliness.”

Bilang asawa naman din umano talagang nagdadasal umano siya para magampanan ang kaniyang gampanin dahil minsan nakakapagod din. Pero kung ini-enjoy mo galing sa puso ang iyong roles in life ay makakayanan mo ito.

Ayon pa kay Kristine, hands-on Dad din umano si Oyo sa kanilang pamilya.

“I am just being honest. He’s also very hands-on. I am blessed to have him. Many guys today have a different perspective having a family and a wife. Thankful ako kasi iba ang perspective ni Oyo, godly and adhering to God’s rules.”

Marami talaga ang humahanga sa relationship ng dalawa kaya naman hangad namin ang patuloy na blessing sa inyo. Congratulations Kristine at Oyo sa inyong 5th child.

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

GMANetwork

Sinulat ni

Marhiel Garrote