Kristoffer Martin sa misis na si AC Banzon: “I'm blessed to have my wife. Kahit na ang tigas tigas ng ulo ko, nakukuha parin akong mahalin.”

Kristoffer Martin proud daddy rin sa isang batang babae na nagngangalang Pre.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktor na si Kristoffer Martin nagbahagi ng kaniyang experience sa buhay may asawa. Sabi ni Kristoffer blessed siya sa pagkakaroon ng misis na tulad ni AC Banzon.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Buhay may asawa nina Kristoffer Martin at misis na si AC Banzon.
  • Love story nila Kristoffer Martin at AC Banzon.

Buhay may asawa nina Kristoffer Martin at misis na si AC Banzon

Image from Kristoffer Martin's Facebook account

Sa kaniyang Facebook account ay ibinahagi ng aktor na si Kristoffer Martin ang kaniyang buhay ngayon bilang may asawa. Sa pamamagitan ng isang maikling video ay ikinuwento ng aktor kung paano sa kabila ng pagtatalo nila ng non-showbiz wife niyang si AC Banzon ay pinagsilbihan parin siya nito.

Kuwento ni Kristoffer, ang pinagtalunan nila ay tungkol rin naman sa safety niya na naiintindihan naman daw ng aktor.

“We had argument last night. We were arguing something about my bike. 'Yong nag-cleats kasi ako. Eh 'yon 'yong number 1 rule na sinabi na ayaw niya because madami nga naaksidente don. Gets ko 'yong frustration niya. And she explained to me na 'yong safety ko 'yong iniiisip niya.”

Ito ang pagkukuwento ni Kristoffer sa Facebook. Dagdag pa nga niya, kahit nga daw nagtalo sila ng asawa ay nakuha parin nitong gumising ng maaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay para paghandaan siya ng baon niya na dadalhin sa trabaho. Kaya si Kristoffer mas lalong na-touch sa ipinakita ng misis kahit na matigas ang ulo niya.

“And ayun gumising siya ng maaga kanila. She made my baon sa taping. Even if she's mad parin sa akin. I'm blessed to have my wife. Kahit na ang tigas tigas ng ulo ko, nakukuha parin akong mahalin.”

Ito ang sabi pa ni Kristoffer.

Wedding ni Kristoffer Martin at AC Banzon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Kristoffer Martin's Facebook account

Marami ang nagulat nitong Pebrero ng biglang mag-share ng mga wedding photos sina Kristoffer Martin at AC Banzon sa kani-kanilang Instagram account. Ang dalawa ay ikinasal sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony sa Capas, Tarlac.

Bago ang kanilang naging pagpapakasal ay nabalitaang nagkahiwalay ang dalawa noong 2020. Ito ay matapos ang pagkakaroon nila ng relasyon sa loob ng higit na 7 taon. May mga balitang kumalat noon na nagkabalikan ang dalawa. Hanggang sa nito ngang February 2022 ay ikinasal na sila.

BASAHIN:

Vicki Belo sa pagkakaroon ng mister tulad ni Hayden Kho: “For me, Hayden makes me feel young. He always makes me feel so attractive.”

Angel Locsin on her father: “Kalahati sa Pilipinas alam ‘yong mukha ko pero tatay ko hindi ako nakikita”  

Angelica Panganiban sa pregnancy at pagiging soon-to-be-mom: “Ito na ang role na gusto kong gampanan.”

Kristoffer proud na ipinakilala ang anak na si Pre

Image from Kristoffer Martin's Facebook account

Pero bago pa man ang kanilang naging pagpapakasal ngayong taon, umamin si Kristoffer noong nakaraang taon na siya ay isang ama na. At ito ay sa apat na taong gulang na anak na babae nila ni AC na nagngangalang Precious Christine o Pre kung tawagin ni Kristoffer. Kasunod na pagpapakilala niya sa social media ng kaniyang anak ay nagpaunlak sa isang panayam si Kristoffer sa GMA. Doon siya nagkuwento tungkol sa pagiging isang ama na hindi naman daw inililihim ng aktor sa mga taong malalapit sa kaniya.

“My friends know. Daming nakakaalam. Ninong pa nga si Alden. Ninang si Bea, si Rodjun, si Thea, marami pa, as in marami pang nakaalam. Tapos 'yong iba na hindi nakakaalam, nagtatanong kasi nga may haka-haka. Sinasabi ko talaga.”

Ito ang sabi ni Kristoffer na nilinaw na ni minsan ay hindi niya naman itinago na siya ay may anak na. Dagdag pa ng aktor ay mahal na mahal niya ang anak niyang si Pre na limang taong gulang na ngayon. Para nga daw siyang nabunutan ng tinik na naipakilala niya na ito sa wakas sa publiko. Isang bagay na ayon kay Kristoffer ay deserve ng kaniyang anak at matagal niya ng gustong gawin.

“Actually, I’m happy.  Itong kay Prè ha, sobrang tagal ko nang gustong ilabas. As in sobra, sabi ko, ‘Lord, pengeng sign. Proud ako na nagawa ko ito kasi she deserves this. She really deserves this.”

Ito ang sabi pa ni Kristoffer. Mula ng mapakilala ang anak ay sunod-sunod na ang pagpopost ni Kristoffer tungkol dito. Sa isa sa larawang ipinost niya kasama ang anak na si Pre ay nagbigay siya ng maikling mensahe para sa anak. Hiling niya sana ay huwag itong masyadong mabilis lumaki at syempre ang pagpapaabot sa anak ng pagmamahal niya bilang isang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hinay sa paglaki anak. Masyadong mabilis. Naramdaman ko sinasabi nila mama dati na mabilis ang oras pag may anak na. Hihilingin mong bumagal yung oras. Tama nga sila. Mahal ka ni daddy Prè.”

Ito ang mensahe ni Kristoffer Martin sa anak niyang si Pre.

 

GMA

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement