X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angelica Panganiban sa pregnancy at pagiging soon-to-be-mom: “Ito na ang role na gusto kong gampanan.”

5 min read

Angelica Panganiban very happy at feeling so positive bilang isang first time buntis.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Reaksyon ni Angelica Panganiban ng malamang buntis siya.
  • Pagbubuntis ni Angelica Panganiban.

Reaksyon ni Angelica Panganiban ng malamang buntis siya

angelica panganiban as first time buntis

Image from Angelica Panganiban’s Instagram account

Sa isang panayam ay ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban kung ano ang pakiramdam niya bilang first time buntis at paano niya nalaman ang magandang balita.

Ayon sa aktres, nasa lock-in taping siya ng malaman niyang siya ay nagdadalang-tao na pala. Bagama’t delayed na ang period niya ay hindi naman umano siya agad nag-assume na maaaring buntis siya.

Sapagkat ilang beses na raw nangyari na na-delay ang menstruation niya pero hindi naman umano nauwi sa pagdadalang-tao. Kaya naman ang aktres ay hindi agad umasa at nag-take ng pregnancy test. Pero sa hindi nga naman inaasahan, this time ay totoo na pa lang buntis siya.

“Nalaman ko siya sa hindi namin ini-expect na pagkakataon. Nalaman ko siya sa trabaho.”

“And then delayed lang talaga ‘yong period ko. So kailangan ko lang talaga mag-rule out, hindi na ako mapakali. Ayon kay Google ‘yon na lang ang hindi ko chini-check.

So sa isip-isip ko naman parang imposible kasi we’ve been trying kaya lang lagi namang negative ‘yong result. Parang ayaw ko ulit na ma-heartbroken. So parang hindi feeling ko naman darating ‘yong period ko.”

Ito ang natatawang kuwento ni Angelica sa naturang panayam.

Dagdag pa ni Angelica, dahil nasa lock-in taping siya hindi niya nakasama ang mga mahahalagang tao sa buhay niya ng malaman niya ang magandang balita.

Litong-lito raw siya noon at hindi malaman ang gagawin. Wala raw siyang mayakap sa tuwa na sa wakas nagkatotoo na ang matagal niya ng pinapangarap. Kasabay nito ang kaba sa napalaking responsibilidad na kalakip nito.

“Litong-lito talaga ako. Siyempre gusto ko puntahan ang mama ko, gusto ko siyempre makasama ‘yong partner ko, na kami ang magce-celebrate, kami ang magkasamang pupunta sa hospital, kami ang magpapa-check up together.

Talagang ang weird nang naramdaman ko. Talagang nag-earthquake ang katawan ko, nanginginig ang kamay ko. Then nagpa-panic na ako, kasi nga hindi ko talaga alam ang gagawin ko.”

Ito ang kuwento pa ng aktres. Kuwento niya pa halos gusto niya ng tumakas at puntahan ang boyfriend niyang si Gregg Homan para makasama itong mag-celebrate sa magandang blessing na natanggap nila.

Pero malayo ito sa kaniya kaya wala siyang choice kung hindi sabihin dito ang balita sa pamamagitan ng video call. Nang sabihin niya raw dito na positive ang result ng pregnancy test niya ay napaiyak rin ito sa tuwa.

angelica panganiban with gregg homan

Image from Angelica Panganiban’s Instagram account

BASAHIN:

Angelica Panganiban nang malamang buntis siya: “Mababaliw ako.”

REAL STORIES: “Tinago ko sa parents ko at sa ibang tao ang pagbubuntis ko noon.”

Carmina Villaroel minsang naisip na mag-quit sa pag-aartista: “Para lang magkaroon ako ng peace of mind.”

Dream come true ang mabuntis para kay Angelica

Sabi pa ng aktres, matagal niyang ipinagdasal na mabuntis na. Lalo pa’t halos lahat ng nakasabayan niya sa pag-aartista ay mayroon ng sarili nilang mga pamilya.

Pero hindi raw talaga basta-basta ang pagdadalang-tao. Ito ay nagbibigay ng halo-halong emosyon. Bagamat para kay Angelica nangingibabaw ang kaligayahan niya.

“Ganun pala siya, pinag-pray mo, ang tagal mong hinintay, nung dumating parang nakakagulat pa rin. Gusto mong i-check ang sarili mo kung handa ka, kung talaga ba ngayon ibinigay sa ganitong situation?

Pero siyempre all good, lahat. Lahat nang nararamdaman mo is positive, lahat masaya. May konting kaba, pero alam mo naman na kaya.”

Sa ngayon, ayon pa kay Angelica ay ninanamnam niya ang kaniyang pagdadalang-tao. Kahit medyo mahirap dahil sa mga pagbabago sa katawan at mga nararamdaman niya.

“Well, ini-enjoy ko talaga dahil ang tagal ko itong hinintay. Medyo mahirap siya dahil hindi ko talaga naiintindihan nangyayari sa katawan ko.

Suka, iiyak, tatawan, mainit ang ulo. Para akong kinikiliti. Konting bagay na makita ko, pinagtatawanan ko ang babaw-babaw ng lahat. Lahat naamoy mo, totoo pala ‘yon. Lahat naririnig mo, konting galaw, ramdam mo.”

Ninanamnam ni Angge ang bagong role niya sa buhay

angelica panganiban with gregg homan

Image from Angelica Panganiban’s Instagram account

Ayon pa kay Angelica, na-eenjoy niya ang pagbubuntis niya. Dahil maliban sa nakikita niyang very happy at supportive ang mga tao sa paligid niya, bine-baby rin siya ng mga ito. Kaya naman nagiging mas madali umano ang pagdadalang-tao niya.

Pagdating sa gender ng kaniyang maging baby, wala naman umano preference si Angelica. Ang mahalaga ay maipanganak niya daw itong healthy.

“Sabi ko nga ang sarap magbuntis parang alagang alaga ka parang bini-baby ka ng lahat, parang ayaw mong matapos.

Sobrang thankful lang talaga and masayang-masaya lang ang pakiramdam ko dahil ang daming naging masaya. Ang daming naging masaya sa balita at nakakataba ng puso na maramdamam na ang daming sumusuporta at nagmamahal.”

Sa ngayon, sabi pa ng aktres, sa dami ng pelikula na pinagbidahan niya, dumating na ang role na gusto niyang gampanan. Ito ay ang pagiging isang ina na matagal niya ng pinangarap at hinintay.

Kaya naman sabi ni Angelica sisiguraduhin niyang gagalingan niya sa bagong role na ito na ibinigay ng Diyos sa tamang oras at tamang tao sa buhay niya.

“Napakatagal kong hinintay ito. At wala naman akong pinaganarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. ‘Yon naman muna siguro ang gagawin ko.”

“Napaka-suwerte ko na dumating siya sa tamang tao, sa tamang timing, tamang mga tao ang mga nasa paligid ko para intindihin at suportahan ako sa maganda at bagong journey at bagong chapter ng buhay ko.”

Ito ang masayang sabi pa ng aktres at expectant mom na si Angelica Panganiban.

 

YouTube

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban sa pregnancy at pagiging soon-to-be-mom: “Ito na ang role na gusto kong gampanan.”
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.