Carmina Villaroel minsang dumaan sa matinding pagsubok sa buhay na naging dahilan para maisipan niyang iwan ang pag-aartista.
Mababasa sa artikulong ito:
- Carmina Villaroel sa pag-aming naisipan niya ng minsang mag-quit sa pag-aartista.
- Pamilya ni Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.
Carmina Villaroel umaming naisipan niya ng mag-quit sa showbizness
Image from Carmina Villaroel’s Instagram account
Isa sa mga kilalang aktres sa mundo ng Philippine showbizness si Carmina Villaroel. Maliban sa husay niya sa pag-arte ay sinubaybayan rin ng publiko ang pribado niyang buhay.
Si Carmina hindi isinikreto ang mga hirap at saya na pinagdaanan niya. At sa kabila ng lahat ng isyu ay nanatili siya sa industriya at nagpatuloy sa pagpapakita ng angkin niyang talento.
Pero sa isang “Guilty or not guilty” game na ginawa ni Carmina kasama ang iba pang aktres sa bago niyang proyekto ay may isang tanong na sumagot ng guilty si Carmina.
Ito ay sa kung naisipan o pumasok ba isip niya kahit minsan na mag-quit sa showbiz. Ang sagot ng aktres ay oo, guilty siya. Ito ay noong minsang nasa Amerika siya at buntis sa kaniyang twins. Noon daw ay naisip ni Carmina na manatili na lang sa ibang bansa at doon na lang sila manirahan ng mga anak niya.
“For a time only because when I got pregnant, I went to the States tapos sabi ko, ‘Doon na ako.’ Parang doon na kami ni Zoren, doon na kami ng mga anak ko. Parang bahala na si Batman kung ano gagawin ko doon.”
Ito ang sabi ni Carmina.
Dagdag pa niya, naisipan niya na rin daw noon na pumasok sa kahit anong trabaho makapag-survive lang sa ibang bansa. Dahil doon ay mayroon siyang peace of mind na noong mga panahong iyon ay mailap para sa kaniya.
“I was willing to do odd jobs in the States para lang magkaroon ako ng peace of mind because that time, mayroon pa akong problema. That’s why hindi ako makabalik dito and parang more of peace of mind.”
Pero hindi ito ipinahintulutan ng pagkakataon. Si Carmina hindi nag-quit sa showbiz, saglit na nagpahinga at nagpatuloy pa rin sa larangang gusto niya.
“That time feeling ko sige na parang magku-quit na ako, parang bahala na kung ano magiging buhay ko sa America. But, then again, ayaw ni God, sabi niya, ‘Hindi, mag-artista ka pa.’”
Ito ang kuwento pa ni Carmina.
Sa ngayon si Carmina ay may masayang pamilya kasama ang mister na si Zoren Legaspi. Sila ay may dalawang anak na kambal na sina Mavy at Cassie na pumasok rin sa pag-aartista.
Image from Carmina Villaroel’s Instagram account
BASAHIN:
Zoren Legaspi, pabirong ini-reveal ang tunay na “kabit” sa relasyon nila ni Carmina Villaroel
Mom Confession: “Simula nang malaman ko na buntis ako sa pangatlo naming anak, halos araw-araw akong umiiyak”
Marian Rivera sa pagkakaroon ng buong pamilya: “Coming from a broken family, isa ‘yan sa mga wish ko talaga.”
Life story ni Carmina Villaroel at Zoren Legaspi
Taong 2000 ng magsimula ang relasyon nila Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Sa sumunod na taon ay nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan nila. Sila ay nagkaroon ng kambal na sina Mavy at Cassie na 20-anyos na ngayon.
Naikasal sila Carmina at Zoren noong November 2012. Ito ay matapos ang tatlong buwan ng mapawalang bisa ang kasal ni Carmina sa unang asawa nitong si Rustom Padilla.
Ang kanilang naging engagement at pagpapakasal ay isang sorpresa na walang kaalam-alam si Carmina. Ito ay in-organize ni Zoren sa tulong rin ng kanilang kambal na sina Mavy at Cassie.
Kamakailan lang sa kanilang vlog ay ibinahagi ni Zoren ang tunay na dahilan kung bakit niya minadali na maikasal sila ni Carmina. Ito ay pala ginawa ng aktor para rin mismo sa kaniyang misis.
“Ang isang triggering point kasi nun kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si daddy Reggie. Bibigyan ng hip replacement.
Wala ka kasi dun sa meeting ng doctors with your family and siblings so ako yung nag-represent sayo sa meeting na ‘yon.”
“Sabi nung doctor kapag ginawa ‘yon, 50-50 si daddy Reggie. Then sabi ko ‘Yon lang ba talaga ‘yong option? Then it hit me.
Sabi ko ‘Kung magpapakasal kami ni Mina na hindi mawi-witness ni daddy Reggie, useless. Kasi wala na mama mo tapos kapag naglakad ka doon wala pa daddy Reggie mo, so for me, useless siya.”
Ito ang naiiyak na kuwento ni Zoren sa kanilang vlog.
Image from Carmina Villaroel’s Instagram account
Nauna na ring naikuwento ni Zoren noon kung paano siya humingi ng tawad sa ama ni Carmina ng mabuntis niya ito. Ipinapaumanhin umano ng aktor na nauna silang magkaanak ni Carmina bago maikasal.
Bagama’t ito naman ay agad niyang isinakatuparan at minadali para mapasaya si Carmina sa special na araw na ito sa buhay niya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!