I had postpartum depression until now, simula nang naging tatlo na ang aking mga anak. Ang hirap palang labanan ng sakit na ito sa isang mom na katulad ko.
Pero pilit ko itong pinaglalabanan. Ako lang kasi ang nag-aalagang mag-isa sa aking mga anak. Isa akong full-time mom sa kanila. Madalas nakakarindi ang lahat pero laking pasasalamat ko kay God dahil nandiyan Siya upang ipaunawa sakin ang lahat.
Kwento ng aking postpartum depression
Nung time na nakakahinga pa lang ako sa halos magkasunod na age gap ng panganay at ng second child ko bigla nabuo ang aming pangatlong anak na sobrang nagpa stress sa buhay ko.
Dagdag pa ang hindi namin pagkakaunawaan ng aking mister noong naging anim na buwan na ang pangatlo naming anak sa loob ng aking sinapupunan.
Dito ko masasabi na sobra ang mga paghihirap at pinagdaan ko. Idagdag mo pa na sobrang daming pumasok sa isip ko noong mga panahon na iyon.
Simula nang malaman ko na buntis ako sa pangatlo naming anak, halos araw-araw akong umiiyak at hindi ko matanggap noon ang nangyari.
Kwento ng postpartum depression: Larawan mula sa Shutterstock
Naiiyak ako sa tuwing maaalala ko ito. Ito na siguro ang pinakamasakit na dinanas kong pangyayari sa aking pagbubuntis. Natiis niya ako kami ng anak kong panganay na hindi makita at mag-celebrate ng new year way back 2020.
Dapat ang isang pamilya na buo ay sama-samang nagdidiwang at nagpapasalamat sa pagpasok ng Bagong Taon. Ang lungkot, ang sakit na hindi iyon nangyari noong panahon na iyon.
BASAHIN:
Mom Confession: “I have a lot of priorities to make, but my daughter is always on top of it.”
Dad Confession: “I totally felt depressed as I could not do the activities I love to do with my child.”
Mom confession on PPD: “I felt very weak, helpless, discouraged, sad, and hopeless. I felt pity for myself.”
Gustong-gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya noon, kung hindi dahil sa aking magulang baka wala na talaga kami ng mister ko. Laking pasasalamat ko dahil pinagkalooban ako ng Diyos ng mga magulang na marunong umunawa. Namumuhay sa matuwid at mapayapang landas. Pinalaki nila kami nag maayos at may takot sa Diyos.
Hinatid nila kami at pinag-ayos at nagpakumbabaan sa isat isa. Until now, maayos ang pamumuhay namin, payapa at maginhawa sa biyaya ng Diyos..
Kahit na minsan talagang hindi ko maiwasan ang mai-stress dahil sa sabay-sabay na trabaho dito sa bahay. Isabay mo pa ang pagmo-module sa dalawa kong anak na magkasunod at pag-aalaga sa magdadalawang taon naming bunso.
Ganunpaman kinakaya ko itong lahat dahil na rin sa buhay ng tatlo naming anghel.
Larawan mula sa Shutterstock
Laking pasasalamat ko
Salamat kay Lord dahil lahat pinaunawa Niya sa akin, na lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan at kung bakit natin ito kailangan pagdaanan.
Bilang isang nanay sa aking tatlong anak, madalas sumasagi sa isip ko na sumuko pero kapag nakikita ko ang tatlong anghel na kaloob at biyaya niya sa amin napapawi lahat ng pagod, hapo at stress sa buhay ko. Lalo na sa tuwing gabi at mahimbing silang natutulog.
Larawan mula sa Shutterstock
Salamat sa ating Panginoon dahil andyan Siya palagi handang lumingap at magpalakas ng loob pra sa ating mga nanay. Humingi lamang tayo ng gabay at kalakasan sa Kanya sa time na nanghihina na tayo. Sapagkat sa Kanya lamang tayo makakasumpong ng kapahingahan. Kaya laban lang tayo palagi mga mommy!
“Mapapagod, pero hindi kaylanman susuko” dahil ang lahat ng stress sa buhay ay pahinga lng ang katapat.. Hinga lang tayo palagi, ‘wag makalimot tumawag, manalangin at mag pasalamat sa itaas.
Sapagkat ang lahat ng bagay dito sa mundo ay Siya lang ang may akda at ito ay hiram lng natin sa kanya. Laban lang tau hanggang sa huli.