X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Zoren Legaspi, pabirong ini-reveal ang tunay na "kabit" sa relasyon nila ni Carmina Villaroel

4 min read
Zoren Legaspi, pabirong ini-reveal ang tunay na "kabit" sa relasyon nila ni Carmina Villaroel

Sikreto ng long-lasting na pagsasama ni Zoren at Carmina, alamin dito kung ano.

Carmina Villaroel at Zoren Legaspi isinawalat ang kabit na sumusubok sa relasyon nilang mag-asawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang kabit sa relasyon nila Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.
  • Sikreto sa long-lasting relationship nila Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

“Stories from the Heart: The End of Us”: Unang programang pagtatambalan nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi

Carmina Villaroel at Zoren Legaspi

Image from Carmina Villaroel’s Instagram account

Nakatakdang magtambal ang mag-asawang sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa drama anthology na pinamagatang “Stories from the Heart: The End of Us” sa GMA. Ito ang kauna-unahang palabas na magkakasama ang mag-asawa na kung saan sila rin ang gaganap na mga bida.

Sa ginawang press conference ng nasabing palabas na pagbibidahan nila ay may naging rebelasyon sina Zoren at Carmina. Ito ay ang tungkol sa “kabit” ni Zoren na sumubok ngunit hindi nagtagumpay na masira ang relasyon nila.

Kung iisipin ay nakakagulat na malaman na nagkaroon pala ng kabit si Zoren. Lalo pa’t sa mundo ng showbizness ay isa sila sa mga magkarelasyon na tumagal at hanggang ngayon ay makikitang napakasaya sa isa’t isa.

Pero ang kabit sa relasyon nila ay hindi tulad ng madalas na nakikita natin sa mga palabas o telenobela na sumisira sa pagsasama ng mag-asawa. Bagama’t pag-amin ni Carmina, ito ay nagbibigay ng takot at kaba sa kaniya.

Ang kabit sa relasyon nila Carmina Villaroel at Zoren Legaspi

 
View this post on Instagram
  A post shared by zoren_legaspi (@zoren_legaspi)

Rebelasyon ni Zoren ang third party sa relasyon nila ay ang hobby niya na pagmo-motor at pagbibisikleta. Ito ang itinuturing nilang “kabit” sa relasyon nila. Dahil sa ito ay nagbibigay ng kaba at takot kay Carmina na aminado siyang wala siyang kalaban-laban.

“Ayoko talaga nagmo-motor dahil delikado. Wala akong kalaban-laban sa mistress. Mahal niya eh.”

Ito ang pahayag ni Carmina sa ginanap na press conference ng pinakabagong palabas nila.

Dagdag pa ni Carmina, may tiwala naman umano siya sa mister pagdating sa pagda-drive. Pero hindi umano maalis sa kaniya na mag-alala. Magkaganoon pa man, kahit hirap siyang tanggapin ay wala siyang choice kung hindi sumuporta dahil ito ang ikakasaya ng mister.

Pagbabahagi pa ni Carmina,

“I’m trying my best not to live in fear. Nagdadasal na lang ako, I don’t want to stop him. That’s his happiness. If hindi siya magiging maligaya, hindi siya magiging masaya sa bahay.”

Alam naman ni Zoren na hindi masaya ang misis niyang si Carmina sa hobby niya. Pero ito ang hilig niya at nagpapasalamat siya na kahit papaano ay ginagawa ni Carmina ang lahat para suportahan at intindihin siya.

“Si Mina, hindi siya masaya kasi nerbyosa. Isang tingin sa akin kapag naka motorcycle gear, I think it’s mental torture kapag nagmo-motor ako. Wala eh mahilig ako magmotor,” sabi ni Zoren.

BASAHIN:

Zoren Legaspi and Carmina Villaroel plan to protect their twin teens from social media

Hindi naa-appreciate ng asawa? 6 senyales na hindi balanse ang effort sa relasyon

8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating

Sikreto sa relasyon nila Carmina at Zoren Legaspi

Carmina Villaroel at Zoren Legaspi wedding

Taong 2000 ng magsimula ang relasyon nila Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Sa sumunod na taon ay nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan nila. Sila ay nagkaroon ng kambal na sina Mavy at Cassie na 20-anyos na ngayon.

Naikasal sila Carmina at Zoren noong November 2012. Ito ay matapos ang tatlong buwan ng mapawalang bisa ang kasal ni Carmina sa unang asawa nitong si Rustom Padilla.

Ang kanilang naging engagement at pagpapakasal ay isang sorpresa na walang kaalam-alam si Carmina. Ito ay inorganize ni Zoren sa tulong rin ng kanilang kambal na sina Mavy at Cassie.

Ngayon matapos ang higit sa 20 taong pagsasama ay masaya at matibay parin ang relasyon ng mag-asawa. Ang sikreto nila ay respeto, pagmamahal at syempre ang pag-uusap sa tuwing may problema.

“Nandoon ‘yong respeto and pagmahahalan. Yes, we fight, but na iron ‘yong mga bagay-bagay. We make sure we talk about it.”

Ito ang sabi ni Carmina.

“”Yong buhay mag-asawa maaaring maging perfect, hindi mawawala ‘lung pagtatalo, pag-aaway. Hindi mawawala ang bagyo.

Dadaan ang isang marriage sa isang bagyo or dalawa or tatlo or apat. Kapag mayroong pagmamahalan kasi ‘yung bagyo na ‘yun is just a phase.”

Ito naman ang sinabi ni Zoren na sikreto sa pagsasama nila ng misis na si Carmina.

Carmina Villaroel at Zoren Legaspi with twins Mavy and Cassie

Image from Carmina Villaroel’s Instagram account

Naka-relate ka ba sa itinuturing na kabit sa pagsasama nila Carmina Villaroel at Zoren Legaspi? Ikaw paano ninyo sinisigurong healthy at happy ang relasyon ninyong mag-asawa.

 

Source:

GMA, ABS-CBN

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Zoren Legaspi, pabirong ini-reveal ang tunay na "kabit" sa relasyon nila ni Carmina Villaroel
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.