Some things happened unexpectedly. And when it happened, it can change your life. FOREVER.
I was in third year college noong nabuntis ako ng maaga. I was so scared kaya tinago ko sa parents ko at sa ibang tao ang pagbubuntis ko noon.
5 months na ang pinagbubuntis noon nang mahalata ng aking mga magulang ang aking baby bump. Pinilit ko noon na tapusin ang semester na ‘yon kahit na hirap na hirap ako kapag P.E ang subject namin.Baseball kasi ang P.E ko noon at hindi na ko masyadong makatakbo.
Dahil ayokong isipin nilang sagabal ‘yong pagbubuntis ko para makatapos ako ng pag aaral. I finished that semester but wasn’t able to enroll the next semester because that time hindi ko pa naaamin sa family ko about my situation.
Nang malaman ng pamilya ko na nabuntis ako ng maaga
But it was school vacation when my family knew about it. I was doing the dishes in our eatery when my father entered the kitchen and said, “Ilang months na ‘yan? Nasaan tatay nyan?” I was really shookt.
A moment of silence before I decided to answer my father and told him,
“Mag-5 months na po. Schoolmate ko po sya nung high school.”
I thought papa would be mad at me but I was overwhelmed by his unconditional love when he said,
“Napa-check up mo na ba ‘yan?”
I cried at that moment and hugged my father. My parents supported me all throughout my pregnancy. I was really lucky for having them.
Noong unang beses na pupunta ang Tatay ng baby ko sa bahay namin para mag-meet sila, iyon din ang araw na manganganak na ako. Alas-dose ng gabi (12:00am) nang pumutok ang panubigan ko noon.
Dali-dali nila akong dinala sa pinakamalapit na Lying-in sa amin, pero ang cervix ko noon ay hindi pa mag-open hanggang 6pm ay nasa 4cm pa rin ako.
Kaya naman nagdesisyon kaming pumunta na sa ospital. Kinabukasan naka-schedule na ako para sa c-section. Nang mga panahon na iyon sobrang natakot ako, maraming “what if’s” na pumapasok sa isip ko
.
BASAHIN:
REAL STORIES: “Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40”
Mom confession: “From XS naging XXL ang size ko matapos manganak”
REAL STORIES: “4 months pa lang si baby nang malaman kong buntis ulit ako”
The moment ng makita ko ang baby ko
Pero naalala ko ginising ako ng doktor para ipakita ang baby ko. Isa iyon sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko, at nagpabago sa buhay ko bilang isang babae.
I felt mixed emotions. Very scary but nangingibabaw yung happiness. I could not imagine that I carried a beautiful creation sent by God.
Nang inilipat naman kami ng kwarto at tinabi ang baby ko sa akin, nagkwento ang aking Mama, umiiyak din noon si Arvin, dahil hindi pa nila alam kung okay na ba ang kundisyon ko after kong manganak.
At that moment, I realized and told myself that, He is the one. And now we are together for 10 years with our three amazing cubs. Planning and fulfilling our dreams for our own family.
Planning and fulfilling our dreams for our own family. We have not tied the knot yet but that won’t change the fact that we will be in each other arms for a lifetime.
Becoming a parent is really hard. But for us, it is the most rewarding experience we could ever have. Becoming a parent doesn’t mean you can’t go on with your life.
It may be the start of a new phase and the start to dream more not just for yourself but also for the little ones depending on you. And no matter how challenging life is, we will face everything in a positive manner. We may not be a perfect couple, but we are trying our best to be the “PERFECT PARENT” for our child.
Family support is a BIG factor for upcoming and incoming parents. I really believe that if ramdam ng isang babae yung support and pagmamahal ng mga taong nasa paligid nya, mas malaki ‘yong chance maiwasan ‘yong Post-Partum Depression (PPD). So if you knew someone especially ‘yong mga teenage Mom, don’t judge them instead learn through them.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!