Makalipas ang apat na buwan, ina nabuntis ulit matapos manganak. Bagamat happy ang Mommy, ilang concerned citizens nababahala sa maaring maging epekto nito sa kaniyang kalusugan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kuwento ng inang nabuntis ulit matapos manganak sa loob ng apat na buwan.
- Risk ng mga babaeng masyadong malapit o dikit ang pagbubuntis.
Ina nabuntis ulit matapos manganak
Ang pagdadalang-tao ay blessing para sa mga mag-asawa o mag-partner. Sapagkat sa ang mga sanggol ay nagbibigay ng saya at liwanag sa isang pamilya.
Ito ang eksaktong naramdaman ng isang mag-asawa ng malamang buntis ang isang misis na pinatunayan ng isang positive pregnancy test.
Pero ang mga netizens nabahala ng malaman nilang apat na buwan pa lamang ang nakalipas nang manganak ang inang buntis sa kaniyang panganay na anak.
“4 months pa lang si baby nang malaman kong buntis ulit ako. Pakiramdam ko ay mahinang-mahina ang katawan ko. Pag-check ko ng pregnancy test ay positive ang lumabas. Mukhang ang anak kong si Humaira ay gusto na ng kapatid.”
Ito ang post ng inang buntis sa Tiktok na isinalin sa salitang Filipino.
Ang ina ay nagngangalang Radhiah. Siya ay kakapanganak lang sa ngayon ay apat na buwang gulang niyang sanggol.
Masaya naman si Radhiah sa magandang balitang ito. Dahil ito naman umano ay blessing at magkakaroon na ng kapatid ang first baby niya. Pero ang ilang mga netizens ay nag-alala para sa kaniya.
Sapagkat hindi pa umano ganap na naka-recover ang katawan niya sa naging panganganak ng nakaraang apat na buwan. Dagdag pa ang hindi makakukuha ng sapat na atensyon at pag-aalaga ang naunang baby nito dahil nasundan agad siya.
Risk ng mga babaeng masyadong malapit o dikit ang pagbubuntis
Dito sa Pilipinas, ipinapayong maging maingat ang mag-asawa sa pagbubuntis dahil sa hirap ng buhay. Magastos ang pagbubuntis, panganganak at pagpapalaki ng isang bata.
Pero maliban dito, isa pang dahilan kung bakit pinapayo ng mga doktor ang tamang agwat sa pagdadalang-tao ay ang maaring maging epekto nito sa babaeng buntis at sa kaniyang sanggol. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. Mas hihina ang buto ng babaeng magkalapit ang pagbubuntis.
Kapag buntis ay kailangan ng isang babae ng dagdag na calcium sa katawan. Ito ay upang madala ang bumibigat niyang sanggol. Mahalaga rin ang calcium sa brain development ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.
Kung buntis ang isang babae ay maaaring maapektuhan ang kaniyang estrogen production. Ang hormone na estrogen ay mahalaga sa calcium absorption ng katawan. Kung ang isang babae ay nakakaranas ng hormone disorder ay maaaring makaapekto ito sa bone growth ng sanggol.
2. Mataas ang tiyansang mag-rupture o pumutok ang uterus.
Ang risk na ito ay mas mataas ang tiyansang maranasan ng mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng cesarean delivery. Dahil ang uterus o matris na sumailalim sa surgery ay mas matagal gumaling.
Lalo na kung ang babaeng nanganak ay high blood o diabetic. Kung hindi pa fully-recovered ang matris ay maaari itong pumutok. Ito ay bibihira ngunit posibleng mangyari.
credit to sources
3. Maaaring maging anemic o magkaroon ng anemia ang buntis.
Sa tuwing nanganganak ang isang babae ay 200 to 400 ml ng dugo ang nawawala sa kaniya. Ito ay dapat mapalitan at ang production ng red blood cells ay nagaganap sa loob ng 90 hanggang 120 araw.
Kung masyadong magkalapit ang pagbubuntis ay hindi agad mababawi ng isang babae ang dugong nawala ng siya ay manganak. Kaya naman ang tiyansa niya na makaranas ng anemia ay mataas.
BASAHIN:
Nagplaplanong magka-anak ulit? Ito ang ideal na age gap, ayon sa mga eksperto
REAL STORIES: “We had a Miscarriage due to Ectopic Pregnancy.”
Buntis, ‘wag puwersahing magtrabaho—pahinga pag masama ang pakiramdam
4. Mataas ang tiyansang bumaba o magkaroon ng bukol sa matris ang isang babae.
Ang multiple births ang isa sa mga dahilan kung bakit bumabagsak at nagkakaroon ng bukol ang matris. Mas maraming beses na nanganganak mas mataas ang tiyansang ito ay mangyari.
Sapagkat ang matris ay nakakaranas ng damage at injury sa tuwing nanganganak. Kaya naman mahalaga na maka-recover ng maayos ang katawan ng isang babae matapos magsilang ng sanggol.
Baby photo created by prostooleh – www.freepik.com
5. Pinapataas din nito ang tiyansa na maging underweight o premature ang isang sanggol.
Ang uterus o matris ng babaeng bagong panganak ay mahina pa. Ito ay nangangailangan ng sapat na nutrients upang makabawi sa naging panganganak.
Kaya naman kung ang babaeng bagong panganak ay agad na nabuntis mataas ang tiyansa na hindi makakuha ng sapat na nutrients ang kaniyang dinadalang sanggol.
Ito ay maaaring maging underweight o maipanganak ng premature. Mataas din ang tiyansa na maging autistic ang sanggol na lumaki sa sinapupunan ng kaniyang ina na walang sapat na sustansyang kaniyang kailangan.
Kaya naman ang payo ng mga doktor, hangga’t maaari ay dapat magkaroon ng 2 hanggang 5 taong agwat ang bawat pagbubuntis. Ito ay upang maiwasan ang mga nabanggit ng mga health risks.
Maliban rito ay dapat ring isaalang-alang ng mag-asawa ang kanilang economic status o ang kanilang kakayahan ng buhayin ang kanilang magiging mga anak.
Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa theAsianparent Malaysia at isinalin sa wikang Filipino na may pahintulot ni Irish Mae Manlapaz.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!