Kryz Uy sobrang worried sa kaniyang seven weeks old na baby dahil sa sakit. Ito ay dahil nalaman nila na may inguinal hernia pala si Sevi at kailangang operahan agad.
Mababasa ang mga sumusunod sa artikulong ito:
- Sakit ng baby ni Kryz Uy
- Everything you need to know about inguinal hernia
Sakit ng baby ni Kryz Uy
Isa sa mga pinakamahirap na pagdadaanan ng mga mommies ay kapag may sakit ang kanilang anak. Kaya nga marami ang nagsasabi na sila na lang ang magkasakit, huwag lang ang kanilang baby.
Heto ang nararamdaman ngayon ni Kryz Uy dahil na-diagnosed ang kanyang seven-week old na baby ng hernia.
Sa YouTube vlog ni Kryz Uy, kinuwento niya kung papaano nila nalaman na may inguinal hernia si Sevi. Wika ni Kryz, nagpapalit lang sila ng diapers nang may makapa silang umbok sa tiyan ni Sevi.
“There was one time that we were just changing his diapers, and we felt this bulge in his lower abdomen.”
Ayon pa kay Kryz Uy, hindi niya inakala na may karamdaman si Baby Sevi. Ito ay dahil marami itong pinagdaananan na test.
“It caught us by surprise. We thought that he was a healthy, baby boy. We had so many tests done.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy
Wika pa ng mommy vlogger, sa tuwing umiiyak si Sevi ay kailangang mapatahan niya kaagad ito. Umuumbok kasi ang parte ng intestine ni Sevi sa tuwing ito’y lumuluha.
“Unfortunately, we discovered Sevi has inguinal hernia, and it needs to get operated on. Whenever he cries, it kind of triggers the hernia to bulge out.”
Aniya, isang delikado na komplikasyong pwedeng maidulot ng inguinal hernia ay kapag na-trap na sa butas ang parte ng intestine ng isang baby.
“Every time that he strains himself or he cries, part of his intestine actually goes down that hole. The scary part is if it gets trapped in that hole.”
Kaya naman ayon sa kanilang dalawang doktor na pinagpakonsultahan, kailangan nang agad maoperahan si Sevi. Sa weekend ay nakatakda na sa surgery ang bunso nina Kryz Uy at Slater Young.
“We need to get surgery ASAP. So this weekend, little Sevi will go under the knife.”
Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy
Nagagalak naman si Kryz na hindi gaano malala ang hernia, at confident ang mga doktor na magiging successful ang operasyon. Bukod pa kay Sevi, sobrang pagod din ni Kryz Uy sa pag-aalaga ng kaniyang anak. Ito ay dahil nagkaroon din ng sakit si Scottie, ang first son nila ni Slater Young.
“Scottie boo is also recovering from a flu. He had a fever of 38 (degree Celcius) and was experiencing cough and colds. Thank God it isn’t Covid.”
Nagpapasalamat naman si Kryz dahil gumagaling nang tuluyan si Scottie.
“Oh the woes of being a mom. It’s definitely the most painful feeling to see your kids unwell. Praying with all my heart and soul that both kids are able to overcome this and recover well.”
Wika pa ni Kryz Uy sa pinagdadaanan ng kaniyang dalawang anak.
Everything you need to know about inguinal hernia
Ang inguinal hernia ay ang pinakacommon na uri ng hernia o luslos. Nangyayari ito sa groin area kung saan lumulusot ang parte ng small intestine sa butas ng abdominal wall. Kaya naman makikita ang umbok sa groin area.
Ang inguinal hernia ang karaniwan na type ng hernia. Nasa 75 percent ng hernia ay nada-diagnose na inguinal hernia. Pwede itong makuha ng isang indibiduwal noong siya ay pinanganak, o pwede rin dahil sa muscle degeneration kapag tumanda.
Hindi naman itinuturing na seryosong karamdaman ang inguinal hernia. Ngunit dapat pa rin itong bigyang lunas kaagad sa pamamagitan ng operasyon. Posible kasi itong magdulot ng malalang komplikasyon kapag hindi naagapan.
Kapag pumasok ang parte ng intestine sa butas ng abdominal wall at hindi na nakabalik, mapuputol ang supply ng dugo dito. Dahilan para isalang sa agarang surgery ang taong may inguinal hernia.
Larawan ay screenshot mula sa YouTube video ni Kryz Uy
Sintomas ng inguinal hernia
- Para sa mga taong may inguinal hernia, ito ang mga pwede nilang mapansin:
- umbok sa groin area, na posibleng umabot sa scrotum kung lalaki, labia naman para sa kababaihan
- Pananakit ng groin area, lalo kapag nagbubuhat, umuubo o yumuyuko
- Pressure o pagbigat ng pakiramdam sa groin area
- Burning sensation sa inyong pelvis patungo sa inyong binti
Para ito ay magamot, surgery ang nirerekumenda ng mga doktor. Ito ay dahil hindi nag-iimprove ang kondisyon paglipas ng panahon, at mas lumalala kapag napabayaan.
Kapag na-diagnose ang inguinal hernia sa bata, kaagad na nirerekumenda ang operasyon para maiwasan ang komplikasyon sa pamamagitan ng hernia repair surgery. Common ang operasyon na ito at karamihan ng kaso ng hernia ay idinadaan sa minimal invasive surgery.