Kryz Uy buntis sa 3rd baby nila ng mister na si Slater Young: “A Christmas miracle indeed”

Ayon sa mommy vlogger, mixed emotions siya sa pangatlong pagbubuntis. Alamin dito kung bakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kryz Uy pregnant sa third baby nila ng mister na si Slater Young! Narito kung paano nila inanunsyo ang magandang balita.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kryz Uy pregnant sa third baby nila ni Slater Young.
  • Reaksyon ni Kryz sa pangatlong pagbubuntis.

Kryz Uy pregnant sa third baby nila ni Slater Young

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Nitong December 24 ay ibinahagi ng vlogger na si Kryz Uy na siya ay nagdadalang-tao sa pangatlong baby nila ng mister na si Slater Young. Ito ay ginawa niya sa Instagram kalakip ang maikling video mula sa kanilang YouTube vlog.

“A Christmas miracle indeed.?❤️ happy holidays from our growing family to yours!”

Ito ang caption ng post ni Kryz.

 
View this post on Instagram

Sa kalakip na video ng kaniyang pregnancy announcement ay makikita ang ilang gulat na reaksyon ng mga taong malalapit sa kanila ng malaman ng mga ito ang balita. Pagbabahagi ni Kryz, hindi lang sila ang nagulat. Kahit silang mag-asawa ay hindi inakalang makakabuo sila ng pangatlong baby. Lalo na’t wala ito sa plano nila. Sa katunayan, sabi ni Kryz ay na-donate niya na ang mga baby clothes ng mga anak na sina Scottie at Sevie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ni Kryz sa pangatlong pagbubuntis

“We really only wanted two. We were so happy, but if the Lord says, ‘You deserve more,’ you can’t fight nature.”

“I thought I was done at two, I already donated everything. I thought we were done and here we are again. Merry Christmas gift daw sa akin ni Slater ‘yung baby,”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Kryz.

Pero pag-amin ng mommy vlogger, may halong takot rin siya ngayon sa pangatlong pagbubuntis. Dahil sa naging pagbubuntis sa pangalawang anak ay napaaga ang panganganak niya. Ito rin ay maagang naoperahan dahil sa inguinal hernia. Ang naging karanasan nagdulot ng labis na pag-aalala kay Kryz na inakala noong una na healthy baby boy ang naipanganak niya. Pero naging matagumpay ang naging surgery repair sa kaniyang second baby na namumuhay ng normal sa ngayon.

Larawan mula sa Facebook account ni Kryz Uy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement