TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Kryz Uy on scammers: “'Wag niyo isama anak ko sa scam niyo!”

5 min read
Kryz Uy on scammers: “'Wag niyo isama anak ko sa scam niyo!”

Pangalawang anak ni Kryz na si Baby Sevi nabinyagan na at matagumpay na sumailalim sa operasyon para sa inguinal hernia.

Kryz Uy may banta sa mga scammer na ginagamit ang picture nila ng anak niya. Nilinaw rin ng kilalang vlogger na wala siyang binebentang products online.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kryz Uy sa mga scammer na ginagamit ang pangalan niya at pictures nila ng anak niya
  • Binyag ng bunsong anak ni Kryz na si Baby Sevi
  • Matagumpay na operasyon Baby Sevi

Kryz Uy sa mga scammer na ginagamit ang pangalan niya at pictures nila ng anak niya

kryz uy and slater young family

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Si Kryz Uy naman at ang anak niya ang naging biktima ngayon ng mga online scammers. Ito ang ibinahagi ng kilalang vlogger at mom of 2 na si Kryz sa Instagram story niya. Kasama ang screenshot ng Facebook account na may pangalang Kryz-Uy may paglilinaw si Kryz at banta na rin sa mga taong ginagamit ang identity niya at pictures nila ng panganay niyang si Scottie.

Ang nasabing Facebook account ay makikitang sponsored at nagbebenta ng pre-school book sa mga bata. Makikita sa mga larawan na uploaded ng naturang Facebook account na hawak-hawak ito ng anak ni Kryz na tila legit at ginagamit talaga nila.

Pero paglilinaw ni Kryz, scammer ang gumagamit ng Facebook account na ito. Hindi rin siya umaano nagbebenta ng kahit anong products online o bino-boost ang mga social media post niya.

“Getting so many DMs about this fake account. Using all variations of my name, making new accounts after the original gets reported and deleted. I don’t sell anything to my fans and I never pay to boost my posts.”

Ito ang sabi pa ni Kris. Dagdag pa niya ni-report niya na sa Facebook ang account na gumagamit ng pangalan niya. May banta rin siya dito na huwag idamay ang anak sa panloloko nila.

“Most importantly, ‘wag niyo isama anak ko sa scam niyo! Already reached out to Facebook. Hope they will take it down soon,” sabi pa ni Kryz.

kryz uy scammers

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Binyag ng bunsong anak ni Kryz na si Baby Sevi

Samantala, maliban sa post na ito tungkol sa kaniyang scammer ay napuno ang IG stories ni Kryz ng ginanap na binyag ng kaniyang baby na si Sevi nitong nakaraang weekend.

Sa mismong IG post ay ito ang caption na inilagay ni Kryz tungkol sa binyag ng anak.

“Welcome to the Club, Seven Kai! Special thank you to our dearest Fr. Munching for officiating, even though it was his birthday!”

Kryz Uy on scammers: Wag niyo isama anak ko sa scam niyo!

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Ayon kay Kryz, naging biglaan ang preparations ng binyag ng anak niyang si Sevi dahil sa hindi nila pinalampas ang opportunity na nasa Cebu ang paboritong nilang pari ni Slater. Ito ay si Fr. Munching na siya ring nag-officiate ng kasal nila. Sa binyag ng pangalawang anak rin ang unang pagkakataon na nakikila ng panganay nilang si Scottie ang paboritong pari ng mag-asawa.

Dagdag pa ni Kryz, ang binyag ni Sevi ay dinaluhan lang ng immediate family members nila at mga godparents ng anak.

Matagumpay na operasyon Baby Sevi

Nitong nakaraang Linggo ay ibinahagi ni Kryz na na-diagnose na may inguinal hernia ang baby niyang si Sevi.

Ayon sa Mayo Clinic, ang inguinal hernia ay tumutukoy sa parte ng bituka na umuumbok sa weak spot ng abdominal muscles ng isang tao. Puwede ring ito ay sa singit o sa ibabaw na bahagi ng binti. Sa salitang Tagalog ay tinatawag na luslos.

Sa kaso ng anak ni Kryz Uy ay nagulat sila na nagtataglay nito ang anak. Pero magkaganoon man ay minabuti nilang paoperahan ito base na rin sa payo ng doktor.

“It caught us by surprise. We thought he was a healthy baby boy. Unfortunately, we discovered that Sevi has inguinal hernia and it needs to be operated on.”

Ito ang sabi noon ni Kryz sa kaniyang vlog.

Kryz Uy on scammers: Wag niyo isama anak ko sa scam niyo!

Larawan mula sa Instagram account ni Kryz Uy

Bagamat, alam niya naman daw na hindi masakit ito para sa anak. Hindi lang daw mapigilan ni Kryz na mag-alala at ma-praning sa tuwing makikitang mas umuumbok pa ang hernia ng anak sa tuwing umiiyak ito. Kaya naman si Kryz at mister niyang si Slater ay agad na sinunod ang payo ng doktor.

“Whenever he cries, it triggers the hernia to bulge out, and I know he’s not supposed to experience pain when that happens, but it still hurts my heart to see it so I can’t take it. So, every time he fusses a little, my instinct is just to get him and hug him and hold him.”

Ito ang sabi pa ni Kryz sa kaniyang vlog.

Base sa isa mga IG post ni Kryz, na-operahan na ang hernia ng anak. Naging successful ito at ang anak ay nag-rerecover na.

“Snaps from the weekend with our little warrior. Thank you Lord and all of Sevi’s doctors and care givers for the successful surgery and to the skyfam for the prayers and well wishes. Our brave little boy is recovering well. ♥️”

Ito ang pagbabahagi pa ni Kryz.

Instagram, Mayo Clinic

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Kryz Uy on scammers: “'Wag niyo isama anak ko sa scam niyo!”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko