X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

2-year-old son ni Kryz Uy, muling nagpositibo sa COVID

5 min read
2-year-old son ni Kryz Uy, muling nagpositibo sa COVID

Narito ang naging karanasan ng anak ni Kryz na si Scottie sa 2nd COVID experience nito.

Panganay na anak ni Kryz Uy at Slater Young na si Scottie nag-positive ulit sa COVID-19 sa pangalawang pagkakataon.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Kryz Uy sa pagkakaroon ng COVID ng panganay na anak na si Scottie sa pangalawang pagkakataon.
  • Mga anak ni Kryz Uy.

Kryz Uy sa pagkakaroon ng COVID ng kaniyang anak for the 2nd time

kryz uy with slater young and son scottie and sevi

Larawan mula sa Facebook account ni Kryz Uy

Nag-positive muli sa pangalawang pagkakataon sa sakit na COVID-19 ang panganay na anak ni Kryz Uy na si Scottie. Ito ay ibinahagi ng mommy vlogger sa kaniyang latest vlog na kung saan dapat ay tungkol sa farm day-out nila. Pero dahil nga sa nagpositibo sa COVID si Scottie ay hindi natuloy at muli na naman silang bumalik sa isolation.

Advertisement

Kuwento ni Kryz, isa sa mga yaya ng kaniyang mga anak ang nagsabing masama ang pakiramdam nito. At ng i-swab test siya ay natuklasan nga nilang positibo ito sa COVID-19. Bagamat hindi ito lumabas ng kwarto mula ng umaga ng magsimulang magpakita ng sintomas ng sakit ay nag-decide parin silang i-swab test ang iba pang kasama nila sa bahay para makasigurado.

“Yaya Marleen said that she wasn’t feeling well. She didn’t leave her room since this morning, so we decided to check up on her and she said that she was having a fever and a sore throat. We decided to swab her, and she turned out to be positive.”

“We decided to swab everybody in the house just to be sure because we do have kids here at home. It turns out that Yaya Doreen is also positive.”

Ito ang pagbabalita pa ni Kryz sa kaniyang vlog.

Kinagabihan ay hindi nakatulog ng maayos si Kryz dahil si Scottie daw ay naghahabol sa kaniya at iyak ng iyak.

Kinabukasan, ang plano sanang pamamasyal nina Kryz sa farm ay hindi natuloy sapagkat ang anak niyang si Scottie ay may sipon. Maririnig sa vlog ni Kryz ay tinanong niya pa ang anak kung ito ba ay umiyak kaya ito sinisipon.

Ang sagot ni Scottie, siya daw ay may COVID. Kaya naman si Kryz agad na hiningi ang tulong ng mister na si Slater para i-swab si Scottie doon nga nila nalaman na positive itong muli sa COVID-19.

“Naka-mask na ako because we tested Scottie. Because he got sipon, we swabbed it and turns out he’s positive”, kuwento pa ni Kryz.

Ayon kay Kryz, sa pagswaswab kay Scottie ay sinunod nila ang payo ng kaniyang kapatid. Kumuha sila ng sample ng sipon ni Scottie at ito ang isinailalim sa swab test. Ito daw ay payo rin ng pediatrician ng kaniyang baby pang pamangkin.

Pagbabahagi pa ni Kryz, masyado siyang nag-alala para naman sa baby niyang si Sevi. Dahil baka ito naman daw ang mahawa sa sakit. Lalo pa’t ang payo sa kaniya ng pedia ni Scottie ay isolate daw niya ang anak na sadyang napaka-imposibleng gawin. Kaya naman si Kryz inassume nalang din na positive na siya sa COVID.

“I consulted my pedia and my pedia said that, ‘As much as you can, isolate yourself and Sevi from Scott,’ but that’s super impossible because Scott will cry if I’m not in his immediate vicinity. He is so attached to me.”

“Most probably I also have it so I will just treat myself as positive.”

Ito ang sabi pa ni Kryz.

Mga anak nina Kryz at Slater

kryz uy sons

Larawan mula sa Facebook account ni Kryz Uy

Matatandaang nitong Pebrero ay nag-positive rin sa sakit na COVID ang panganay na anak ni Kryz na si Scottie. Noong panahong iyon ay ito lamang sa loob ng kanilang bahay ang lumabas na positibo sa sakit at nagpakita ng mga sintomas nito. Paniniwala ni Kryz ito ay dahil si Scottie sa kanilang bahay ang wala pang bakuna laban sa COVID.

Si Scottie ay dalawang taong gulang palang ngayon.

Samantala, si Kryz ay ipinanganak naman ang pangalawang anak nila ni Slater na si Sevi nito lamang May. Nitong Hulyo ay na-diagnose ito na may inguinal hernia at agad na sumailalim sa surgery.

Ayon sa Mayo Clinic, ang inguinal hernia ay tumutukoy sa parte ng bituka na umuumbok sa weak spot ng abdominal muscles ng isang tao. Puwede ring ito ay sa singit o sa ibabaw na bahagi ng binti. Sa salitang Tagalog ay tinatawag na luslos.

Sa kaso ng anak ni Kryz Uy ay nagulat sila na nagtataglay nito ang anak. Pero magkaganoon man ay minabuti nilang paoperahan ito base na rin sa payo ng doktor.

“It caught us by surprise. We thought he was a healthy baby boy. Unfortunately, we discovered that Sevi has inguinal hernia and it needs to be operated on.”

Ito ang sabi noon ni Kryz sa kaniyang vlog.

Na-operahan na ang hernia ni Baby Sevi. Kuwento ni Kryz ay naging successful ang operasyon.

Samantala, base sa pinaka-latest niyang post sa Twitter ay magaling na ang anak niyang si Scottie at natuloy rin ang pamamasyal nila sa farm.

kryz uy with slater young and son scottie

Larawan mula sa Twitter account ni Kryz Uy

Instagram, Mayo Clinic

 

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • 2-year-old son ni Kryz Uy, muling nagpositibo sa COVID
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko