Mga mommies! Alamin kung ano ang sanhi at gamot o home remedies para sa baradong ilong ni baby pero walang sipon.
Karaniwan na mangyari sa mga baby ang baradong ilong na walang sipon. Hindi naman delikado ang pagbabara ng ilong kapag sinisipon, pero maaaring maging iritable si baby. At pwedeng magbunga ito ng makating ilong at pwedeng kapusin siya sa paghinga.
Maaaring maranasan ni baby ang nasal congestion. Maaaring ang congestion o pagbabara ay nasa dibdib. Ang mga sintomas ito ay nakadepende kung saan nagaganap ang pagbabara.
Karaniwang nangyayari ang pagbabara ng ilong na walang sipon kay baby. At kung wala namang iritasiyon at wala namang problema sa kaniyang pagkain, normal lang ito at okay lang si baby.
Ngunit, maaaring matulungan ng caregivers na maibsan ang baradong ilong na walang sipon ni baby gamit ang rubber suction bulb para alisin ang sobrang sipon.
Ano ang mga dapat malamang sanhi at sintomas sa baradong ilong ni baby pero walang sipon? At ano mga lunas para dito?
Baradong ilong ng bata pero walang sipon
Ilan sa mga baby ay ipinapanganak na may baradong ilong. Maliban pa dito, ang nararanasang baradong ilong pero walang sipon ni baby ay karaniwan para sa mga bagong panganak.
Dagdag pa dito, sa mga unang araw ng bagong panganak na bata ay parang may baradong ilong pero walang sipon. Ito ay dahil sa mga natirang likido sa kanilang ilong mula sa sinapupunan. Minsan, maaari silang bumahing sa loob ng ilang araw habang sinusubukan nilang maaalis ang mga tubig nila sa ilong.
Ang batang may baradong ilong pero walang sipon ay maaaring suminghap-singhap at parang kinakapos ng hininga. Kapag barado ang ilong ni baby, maaari silang huminga sa pamamagitan ng bibig. Dahil dito, nahihirapan sila sa pagkain.
Kadalasan, maaaring mawala nang kusa ang baradong ilong pero walang sipon sa loob ng isang linggo.
Sanhi ng baradong ilong ng bata pero walang sipon
Maaaring makaranas ng baradong ilong pero walang sipon si baby nakakalanghap sila ng usok ng sigarilyo, alikabok, virus, at iba pang irritants. Dagdag pa dito, ang exposure din sa maalinsangang hangin at iba pang klima ay maaaring makapag-trigger ng baradong ilong.
Ang mga baby ay tulad din ng ibang bata na may baradong ilong pero walang sipon dahil ang kanilang nasal passage at airways ay hindi pa ganoon ka-mature.
Ang mga posibleng sanhi ng pagbabara ng ilong ni baby ay ang mga sumusunod:
- maalinsangang paligid
- pagbabago ng klima o panahon
- virus infection (ito naman ay nagkakaroon ng sipon)
- paglanghap ng mga dumi sa paligid
- allergic rhinitis
Ang baradong ilong naman pero walang sipon na mas nanggagaling sa dibdib ay dahil sa mas malalang kondisyon tulad ng mga sumusunod:
- asthma o hika
- trangkaso
- pneumonia
- cystic fibrosis
- bronchitis, kadalasang nagiging sanhi ng respiratory syncytial virus (RSV)
- transient tachypnea, na kadalasang nararanasan lamang ng bata isa o dalawang araw pagkatapos ipanganak
Dagdag pa, maaaring mas makaranas ng baradong ilong na walang sipon ang mga premature baby kaysa sa full term.
Ang iba pang dahilan kung bakit nagiging barado ang ilong ni baby kahit walang sipon ay dahil sa allergic rhinitis, chronic rhinosinusitis at non-allergic rhinitis.
Kaiba sa allergic rhinitis, ang non-allergic rhinitis ay walang partikular na allergen na nagti-trigger nito. Batay sa saliksik ng NHS.com, ilan sa posibleng sanhi ng non-allergic rhinitis ay biglaang pagbabago sa panahon o klima, paglanghap ng usok, pagbabago sa hormones, at pag-inom ng gamot na may hormones (para sa mga matatanda).
Mga sintomas
Ang mga sintomas ng baradong ilong ni baby ay nakadepende sa kung saan nagmumula ang pagbabara. Mahirap matukoy kung nasaan ang pagbabara. Dahil, maliit pa si baby at hindi magkakalayo ang daluyan ng kanilang hangin.
Ang true chest congestion o pagkakaroon ng bara sa dibdib ang kadalasang manipestasyon ng baradong ilong pero walang sipon. Kadalasan itong nangyayari kapag may tubig sa daluyan ng hangin ng baga. Posibleng ang kondisyong ito naman ay hindi karaniwan sa mga baby.
Ang mga baby na parang nagbabara ang ilong pero mapapansing okay pa rin ang kalagayan, nakakakain nang maayos, at walang lagnat ay hindi naman dapat ikabahala.
Ang mga sintomas ng true chest congestion ay ang mga sumusunod:
- pagsinghap-singhap ni baby
- mabibigat na paghinga
- pag-uubo
- bahagyang nahihirapan sa pagkain
Iba pang sintomas ng baradong ilong na walang sipon ni baby
Sa ibang pag-aaral, ang pagiging barado ng ilong ni baby kahit na walang sipon ay dahil sa allergic rhinitis at chronic rhinosinusitis.
Kasabay ng mga kondisyong ito ang paglabas ng ilan pang sintomas. Ang mga sintomas na ito ay makikita sa sunod-sunod na pagbahing, pag-ubo, pangangati ng ilong, tenga at ngalangala.
Maaaring magbunga ng hirap na pagtulog, pagkapagod, at pananamlay kapag hindi agad nalunasan ang allergic rhinitis. Dagdag pa rito, ang mga batang nakakaranas nito ay maaaring mahirapan sa concentration at mawalan ng kumpiyansa sa sarili.
Ang chronic rhinosinusitis naman, sa kabilang banda, ay may mas malalim na sanhi. Ito ang pamamaga ng paranasal sinuses, na dumadaloy sa cavity ng ilong, na maaaring tumagal sa loob ng tatlo o higit pang buwan.
Ayon sa mga doktor, hindi pa lubos na nalalaman ang sanhi ng CRS, ngunit may malaking pagkaka-ugnay ang immune system reaction sa mikrobyo, tulad ng bacteria at fungi.
Ang mga baby at bata na nakakaranas ng CRS ay maaaring makitaan ng sumusunod na sintomas:
- pananakit ng mukha
- pagpeplema
- nawawalan ng pang-amoy
- pag-ubo-ubo
- maaaring maging madali ang pagkapagod
- posibleng hindi makatulog nang maayos
- maaaring magresulta sa mabahong hininga, pagsakit ng ipin, at iritableng lalamunan
Gamot sa baradong ilong pero walang sipon
Ang pinakamahalagang unang gawin kung may allergic rhinitis at CRS si baby ay ang pagkonsulta sa inyong doktor. Maaaring maglahad ang doktor ng mga epektibong paraan para malunasan ang parehong kondisyon, at ireresetang mga gamot.
Batay sa ilang mga doktor, ang pagkilala sa allergens na nagbubunga ng allergic rhinitis ay mahalaga upang maiwasan ang mga ito. Posible ring humingi ng reseta sa doktor ng mga iniinom na allergy tablets na para kay baby, kung meron.
Narito ang mga maaaring ibigay na gamot ng iyong doktor:
- Antihistamine na gamot
- Nasal spray
- Allergy shot o immunotherapy
Isa pang solusyon ang paggamit ng nasal spray, basta inirekomenda ng inyong doktor. Karagdagang makakatulong din ang allergy shot o immunotherapy para maiwasan ang paglala at pagdalas ng allergic attacks.
Samantala, para naman sa CRS, maaaring malunasan ito gamit ang mga sumusunod:
- nasal saline rinses
- nasal steroids spray.
Itanong muna sa doktor kung maaari ba itong gawing lunas para kay baby, kasabay ng mga antibiotics at steroid tablets. Kung lumalala pa rin ang kondisyon ng CRS ni baby, itanong ang tungkol sa endoscopic sinus surgery o monoclonal antibodies.
Imahe mula sa | pexels.com
Home remedy para sa baradong ilong pero walang sipon ni baby
Ang home remedy para sa baradong ilong na walang sipon ni baby ay nakatuon sa pag-aalaga sa kanya at pagbibigay ng comfort. Kung ang dahilan ng baradong ilong ay sakit, maaaring makatulong ang doktor at caregiver sa bagay na ito.
Ang mga sumusunod ay mga home remedy para kay baby sa kanyang baradong ilong na walang sipon:
- Paliguan ng maligamgam na tubig si baby.
- Gumamit ng air humidifier sa bahay.
- Panatilihing malinis ang paligid na pinagtutulugan ni baby.
- Alamin ang allergens na meron sa paligid ng inyong bahay tulad ng alikabok, dumi, balahibo ng hayop, at huwag magsisindi ng anumang may usok na malalanghap. Alisin o linisin ang mga ito.
- Panatilihin ang regular na pagkain ni baby at i-monitor ang basang diaper.
- Kasabay ng pagpapakain kay baby, painumin din siya ng tubig.
- Maaaring gawin nang dahan-dahan ang warm compress. Pwede rin ang paggamit ng basang malambot na tuwalya at punas-punasan ang ilong ni baby.
- Para sa mga bata, iwasan sa kanila ang mga pagkain na may allergens. Pwede rin silang painumin lagi ng vitamin C, pakainin ng mga pagkain na may probiotics, Omega 3, apple cider, at mga anti-inflammatory gaya ng luya, bawang, at honey.
Itanong din sa doktor ang epekto ng mga nabanggit na home remedy na ito. Makakatulong pa rin ang mga irerekomendang lunas ng inyong pinagkakatiwalaang doktor.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!