Celebrity mom na si Kryz Uy ibinahagi kung paano siya nakikipag-deal sa tantrums ng eldest son niyang si Scottie.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kryz Uy on how to handle tantrums of her eldest son Scottie.
- Paano naalis ni Kryz ang body insecurity after giving birth.
Kryz Uy on how to handle tantrums of her eldest don Scottie
Makikita sa mga social media post ni Kryz Uy kung ano siya bilang isang ina at kung gaano sila ka-close ng eldest son niyang si Scottie. Very behave man daw kung tingnan si Scottie sa mga post at vlogs nila, tulad ng ibang bata ay nagtatantrums din ito. Pero ayon kay Kryz, imbis na sabayan niya ang init ng ulo ng anak o sumpong nito, ito ang ginagawa niya na napatunayan niyang very effective.
“I let him express himself talaga completely. I just sit down and wait him finish. Then I ask him, are you done? Pag hindi pa siya done sige iyak ka dyan.”
“I will talk to him about it pag calm na siya. I don’t try to put out the fire pag hindi pa siya ready. I find it really helps.”
Ito ang pagbabahagi ni Kryz.
Paano naalis ni Kryz ang body insecurity after giving birth
Sa ngayon si Kryz, very happy sa pagiging hands-on mommy sa mga two boys niyang si Scottie, 3yo at Sevi, 1yo. Pero tulad ng ibang mommies, si Kryz umaming minsan ding na-insecure sa katawan niya matapos manganak at ng maging mommy na. Pero imbis na mag-self pity, ito ang mindset ng celebrity mom.
“When I became pregnant I feel like my boobs are so big or my tiyan is so big. I think it’s just about the mindset that you have na instead of looking at your body physically for what it used to be and what it is now, it’s healthier to think on what it has done for you and what it is continuously doing for you. Imagine you gave birth to two healthy babies.”
Ito ang payo ni Kryz Uy sa mga kapwa niya ina.