Mahirap tanggalin ang mga nakagawian na lalo na kung ito ay may kinalaman sa pagtulog. Bilang mga Pilipino, marami ang hindi makakatulog nang walang kulambo lalo na kung lumaki sa probinsya. Kabilang sa mga ito ang mismong Presidente Rodrigo Duterte na dinadala pa ang kaniyang kulambo kahit saan siya magpunta.
Katulad ng presidente, hindi rin daw makatulog nang walang kulambo ang online seller na si Monica Bianca Arcena. Lumaki daw kasi siya sa probinsya kasama ng kaniyang Lolo. Pero hindi niya ginagamit lamang na pang-protekta laban sa lamok ang kulambo.
Para makatulog ay kinakaskas daw niya ang kaniyang paa sa kulambo. At hindi siya nag-iisa. Napag-alaman niya na pati ang mga kaibigan niya ay ginagawa rin pala ang habit na ito. Kaya naman naisipan niya itong gawing business.
Sa panayam niya sa 24 Oras, ikinuwento niya: “Parang naisip ko na why not magbenta ng kulambo socks since marami akong kakilalang friends and mga college classmates before na gumagamit ng kulambo socks, na hindi talaga sila makatulog.”
View this post on Instagram
Ang kulambo socks ay gawa sa materyal ng kulambo na ginupit at itinahi sa korte ng medyas. Free size ang sukat ng mga ito ngunit may iba’t ibang kulay at disenyo na mapagpipilian. Mabibili ito sa halagang P160-180 sa online shop ni Bianca sa Shopee at Lazada.
Mula ng sinimulan niyang ibenta ang kulambo socks, naging maganda ang benta nito. May ibang sila mismo ang gumagamit at may ilan na ginawang nakakatuwang pang-regalo sa kaibigan at kamag-anak.
Panoorin ang buong report ng 24 Oras dito:
May kakaiba ka bang habit para makatulog nang mahimbing? I-comment sa ibaba!
Source: GMA News Online
Basahin: STUDY: First-time moms, hindi natatapos ang pagpupuyat hanggang mag-6 years old si baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!