Kulugo sa ari o genital warts, ano ang dahilan ng pagkakaroon nito at paano ito malulunasan?
Sanhi ng butlig sa ari o genital warts
Ang pagkaroon ng butlig sa ari o genitals warts ay sexually transmitted infection (STI) dulot ng human papillomavirus (HPV) na maaaring tumama sa lalaki man o babae.
Kilala rin ito sa tawag na venereal warts o condylomata acuminate. Maaaring tumubo sa bahagi ng ari o sa anus.
Karaniwang ito sa mga lalaki at babae na madalas makipagtalik sa iba’t ibang partner. Mas nakakabahala o mapanganib ang HPV na ito para sa mga babaeng kumpara sa mga kalalakihan.
Ang mga babaeng kasing magkakaroon nito ay mayroong mas mataas na tiyansa ng pagkakaroon ng cervical cancer at cancer din sa vulva.
Halos lahat ng kaso ng genital warts ay sanhi ngg HPV. Mayroong tinatayang 30 hanggang 40 strain ng HPV na nagdudulot ng epekto sa genitals ng isang tao. Subalit ang ilan dito ay maaaring magdulot ng genital warts.
Ito ay maaaring magdulot ng pananakit, discomfort o pangangati sa kung sinumang mayroon nito.
Naihahawa ito sa pamamagitan ng sexual activity kabilang na ang oral, vaginal at anal sex. Kaya na kinukunsidera itong STI o sexually transmitted diesease.
Subalit hindi naman laging nadudulot ng kumplikasyon ang virus na ito na sanhi ng genital warts o butlig sa ari.
Katunayan marami sa mga nagkakaroon ng butlig sa ari o virus dulot nito ay kusang gumagaling dito. Kahit wala pang medication na binibigay ng isang doktor.
Ang mga sumusunod ay maaaring makapagpataas ng risk ng pagkakaroon ng genital warts:
- Pakikipagtalik nang walang proteksyon
- Pagkakaroon ng iba pang viral infections tulad ng HIG at herpes
- Matinding stress
Maliban sa pagiging sexually active ang madalas na nagkakaroon ng genital warts ay ang mga sumusunod:
- May gulang na 30 pababa
- Ang mga naninigarilyo
- May mahinang immune system
- May history ng child abuse
- Ipinanganak ng isang inang infected ng virus
Ang pagkakaroon ng butlig sa ari ay maaaring mag-develop ilang linggo o buwan matapos mahawa sa infection.
Larawan mula sa Freepik
Sintomas ng genital warts
Hindi lahat ng butlig sa ari ay makikita ng ating mga mata. Ang iba ay sobrang liit at kakulay ng ating balat. Madalas ito ay kumpol-kumpol na parang cauliflower na makinis o pabukol kung hahawakan.
Sa mga lalaki ang genital warts ay maaaring tumubo sa kanilang titi, bayag, singit, hita at sa loob o paligid ng kanilang anus.
Habang sa mga babae naman ay tumutubo ito sa loob o labas ng vagina at anus o kaya naman ay sa mismong cervix.
Maaari rin itong tumubo sa labi, bibig, dila o lalamunan ng mga nagkaroon ng oral sexual contact na infected ng HPV o human papillomavirus.
Butlig sa Dila, Labi, Bibig, o Lalamunan
Ang butlig sa dila, labi, bibig, o lalamunan ay maaaring dulot ng human papillomavirus (HPV), na maaaring makuha sa oral sexual contact. Ang mga butlig sa dila ay maaaring magmukhang maliit, makinis, o may kulay na katulad ng balat, ngunit maaari ring magkaroon ng ibang kulay tulad ng puti o pula. Madalas, hindi agad nakikita ang butlig sa dila dahil sa kanilang laki at kulay.
Kung nakakakita ka ng butlig sa dila o sa ibang bahagi ng bibig o lalamunan, at nagkaroon ka ng oral sexual contact, makabubuting kumonsulta sa doktor. Ang tamang pagsusuri ay mahalaga upang malaman ang sanhi at tamang paggamot para sa butlig sa dila at iba pang sintomas.
Hindi man ito makita ng ating mga mata, ang pagkakaroon ng genital warts ay mayroon pang ibang sintomas. Ito ay ang sumusunod:
- Vaginal discharge
- Itching
- Bleeding
- Burning sensation o sobrang hapding pakiramdam sa ari
Maaaring hindi magdulot ng sakit ang genital warts o butlig sa ari, pero pwede itong magdulot ng pangangati, pamumula, at discomfort, at pwede ring magdulot ng pagdurugo.
Samantala, may mga pagkakataon na walang sintomas ang impeksyong dulot ng HPV, may mga tao rin na hindi tinutubuan ng warts sa ari kahit infected na ng nasabing virus. Sa ganitong sitwasyon, mahirap malaman kung infected ba ng HPV ang isang tao.
Kapag tumubo na ang warts sa ari, maaaring tatlong linggo, ilang buwan o taon na simula nang ma-develop ang impeksyon sa HPV.
Paano ito ma-diagnose ito?
Maliban sa pagtatanong ng iyong doktor kung makakaramdam ka ng mga nasabing sintomas, ang butlig sa ari ay mada-diagnose sa pamamagitan ng isang physical examination.
Para sa mga babae na kung saan maaaring tumubo ang butlig sa loob ng ari ay kinakailangan ang pelvic examination para ito ay matukoy.
Ang Pap test o Pap smear ay isang paraan rin para matukoy ito. Ilang mga strain ng HPV ay maaaring makaroon ng abnormal na resulta sa Pap test. Isa rin ito sa mga indikasyong ng precancerous changes.
Kapag ang iyong doktor ay nakita o na-detect ang mga abnormalidad na ito kinakailangan mo na ng madalas ng screening at pag-monitor sa iyong kundisyon.
Isa sa mga procedure na maaaring gawin sa ‘yo ay tinatawag na colposcopy. Sa mga babae pa rin, kung sa tingin mo’y mayroon kang HPV na nagdudulot ng cervical cancer.
Ang iyong doktor ay maaaring mag-perform ng DNA test. Sa pamamagitan nito malalaman kung anong strain ng HPV ang mayroon ka.
Hindi pangkaraniwan pero maaaring magsagawa ng biopsy ang doktor, kung saan ay kukuha ito ng maliit na skin sample mula sa wart para sa testing.
Pero dahil hindi agad nadedevelop ang warts matapos maimpeksyon ng HPV ang isang tao, maaaring pabalikin ka ng iyong doktor para sa follow-up check.
Samantala, wala pang HPV test para sa mga kalalakihan.
Tandaan na mahalaga ang sexual health check-up kung ikaw ay:
- Nakipagtalik sa bagong partner
- May sintomas ng genital warts o butlig sa ari
- May sintomas ng iba pang sexually transmitted infections
Maaaring kumplikasyon ng HPV o virus na nagdudulot ng butlig sa ari?
Ang pinakadelikadong kumplikasyon nito ay ang pagkakaroon ng cervical cancer sa mga babae. Maaaring magdulot din ito ng precancerous cells sa cervix ng isang babae na kung tawagin ay dysplasia.
Ang ibang strain ng HPV ay maaari ring magdulot ng cancer sa vulva ng isang babae. Kung saan naapektuhan nito ang external genital organs ng isang babae. Maaari rin itong magdulot ng penile at anal cancer.
Lunas sa genital warts: Mabisang gamot sa kulugo sa ari
Maaaring matanggal ang butlig sa ari o genital warts sa pamamagitan ng treatment, pero maaari pa rin itong bumalik. Walang lunas sa impeksyong dulot ng HPV pero maaaring malinis ng katawan ang infection sa paglipas ng araw at kusang mawala ang genital warts.
Ang genital warts ay kusa ring nawawala. Subalit, sa panahon ng outbreak nito na nagdudulot ng sakit at labis na pangangati ay may mga gamot na maaaring gamitin para ito ay malunasan. Mahalaga ring magamot ito para hindi na maihawa sa iba.
Para maibsan ang painful symptoms ng genital warts ay kinakailangan ng mga gamot na nireseta ng isang doktor tulad ng sumusunod:
- imiquimod (Aldara)
- podophyllin and podofilox (Condylox)
- trichloroacetic acid, or TCA
Kung hindi pa rin nawawala ang mga butlig sa ari ay mga procedures na maaaring gawin para tanggalin ito. Narito ang ilang treatment procedure para sa butlig sa ari:
- Topical medication – pagpapahid ng cream o liquid na gamot direkta sa warts sa ari sa loob ng ilang araw o linggo.
- Cryotherapy – papahiran ng healthcare professional ng liquid nitrogen ang warts sa ari ng pasyente. Magdudulot ito ng blisters sa paligid ng warts at unti-unting matatanggal ang butlig sa ari.
- Electrocautery – matapos lagyan ng local anesthetic, gagamit ang healthcare professional ng electric current para tanggalin ang butlig sa ari.
- Laser treatment – pagtatanggal ng warts gamit ang intensive beam of light.
- Surgery – matapos maturukan ng local anesthetic aalisin ng surgeon ang warts sa ari ng pasyente.
- Pag-inject ng gamot na interferon
Maaaring makaramdam ng hapdi at iristasyon sa loob ng ilang araw, at makakatulong ang over-the-counter medications para maibsan ang sakit.
Tatagal ng ilang linggo o buwan bago umepekto ang treatment. Mayroon din namang ilang cases na hindi ito umuubra o bumabalik din ang warts sa ari.
Bukod pa rito, maaaring isailalim ang isang tao sa higit sa isang treatment procedure. Mahalaga ring iwasan ang paggamit ng sabon, creams, o lotion na maaaring maka-irita sa butlig sa ari.
Para sa mga babae na may genital warts ay ipinapayong mag-Pap smear test kada tatlo o anim na buwan para ma-monitor ang pagbabago sa loob ng cervix.
Home remedies para sa genital warts o butlig sa ari
Huwag gumamit ng mga over the counter na treatments na para talaga sa hand warts sa genital warts. Ang hand warts at genital warts ay sanhi ng magkaibang strain ng HPV.
Hindi parehas ang magiging epekto kapag gumamit ka ng gamot para sa hand warts sa iyong genital warts at vice versa.
Ang paggamit ng maling medikasyon ay maaari lamang magdulot ng kapahamakan. Mayroong mga home remedies ang nakakatulong para magamot ang genital warts.
Subalit wala pang matibay na pag-aaral ang nagpapatunay rito. Dahil ang genital warts ay maaaring bumalik matapos ang surgical removal, makatutulong ang home remedies kasabay ng standard medical treatments sa pagtanggal ng kulugo sa ari.
Tandaan din na hindi nireregulate ng Food and Drugs Administration ang alternative medicines. Mahalagang ipaalam sa iyong doktor ang planong paggamit ng home remedies, at tiyaking bumili sa realible source.
Ang mga sumusunod ay maaaring makatanggal sa genital warts ngunit hindi nito magagamot ang underlying virus:
- Pagpapahid ng Tea tree oil – mayroon itong antimicrobial properties na maaaring makabawas sa severity ng ilang virus, kabilang na rio ang virus na nagdudulot ng warts. Importanteng kumonsulta sa iyong doktor bago ito gamitin sa butlig sa ari dahil maaaring makasunog ng balat ang tea tree oil.
- Paglalagay ng green tea – mayroong sinecatechins at polyphenon E content ang green tea extract. Makatutulong ito para gamutin ang genital warts.
- Garlic – Maaari ring gumamit ng bawang at dikdikin ito at ipahid sa genital warts o butlig sa ari
- Witch Hazel – tulad ng tea tree oil, kilala itong remedy sa iba’t ibang skin issues. Mild lang ito at hindi nagdudulot ng pagkairita sa sensitive skin. Subalit, hindi ito dapat gamitin sa mucous membranes kabilang na ang loob ng vagina o anus.
- Pagpapahid ng Apple cider vinegar sa bahaging may kulugo.
- Pagkain ng mga gulay katulad ng repolyo, brocolli, brussel sprouts, cauliflower, at kale. Makakatulong ito para mawala ang iyong genital warts.
Paano makakaiwas sa pagkakaroon ng genital warts?
Para sa mga taong aktibo sa pakikipagtalik, maraming paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng genital warts o butlig sa ari.
Image from Freepik
Ang paggamit ng
condom o dental dam sa tuwing nakikipagtalik ay nakakapagbaba ng tiyansa na magkaroon ng genital warts at iba pang impeksyon. May mga vaccines na rin na maaaring maipabakuna para mas maging protektado mula sa mga ito.
Tulad ng HPV vaccine na kung tawagin ay Gardasil at Gardasil 9 na pumoprotekta sa mga babae at lalaki mula sa most common na HPV strains na nagdudulot ng genital warts. Maaari ring itong maging proteksyon laban sa HPV na nagdudulot ng cervical cancer.
Ang HPV vaccine ay maaaring ibigay sa mga bata na may edad na siyam na taong gulang hanggang sa 45-anyos na matatanda.
Ito ay binubuo ng dalawa o tatlong shots na nakadepende sa edad at ibinibigay bago pa maging sexually active ang isang tao.
Mahalagang tandaan ng mga taong sexually active na maaaring maipasa ang HPV nang hindi nalalaman ng pinagmulan nito na mayroon siya ng nasabing virus. Dahil nga may pagkakataon na walang sintomas o genital warts ang nasabing impeksyon.
Pinakamahalagang sumailalim sa STI screenings nang regular, lalo na bago makipagtalik sa bagong partner.
Mga dapat tandaan tungkol sa kulugo sa ari
- May mga kaso na nawawala ng kusa ang genital warts kahit hindi gamutin ngunit mahalaga pa ring alamin kung ano ang impeksyong sanhi nito.
- Ang impeksyong dulot ng HPV ay lifelong condition. Kahit na wala na ang kulugo sa ari dahil sa treatment o natural na proseso, hindi ito nangangahulugang wala nang HPV. Ibig sabihin, maaaring magkaroon ulit ng genital warts, o maipasa ang virus sa sexual partners.
- Mahalagang kumonsulta sa doktor at alamin kung paano maiiwasang makahawa sa iba ang virus.
- Importanteng ipaalam sa iyong partner kung ikaw ay mayroong HPV infection.
- Dapat ding ikonsulta sa iyong doktor ang anomang hakbang na gagawin para gamutin ang warts. Bago sumubok ng home remedies o over-the-counter drugs, ipaalam muna ito sa iyong doktor at humingi ng advice.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!