7 Sintomas Ng Cervical Cancer Na Kailangang Malaman

7 Sintomas Ng Cervical Cancer Na Kailangang Malaman

Unlike breast cancer, the signs of cervical cancer aren't quite as obvious. That's why it's important for women to know the signs of cervical cancer.

Ano ang cervical cancer?

Ang cervical cancer ay isang uri ng cancer na dulot ng HPV, o human papillomavirus, na nakakahawa.  Ang nakakatakot sa cervical cancer ay hindi tulad ng breast cancer, hindi kasing obvious ang sintomas ng cervical cancer. May ilang kaso kung saan ang cancer ay nasuri na sa huling bahagi ng sakit, kung kailan nakamamatay na ito. Ang nakikitang kadalasang dahilan ng cancer na ito ay ang STI.

Tumutubo ang cancer na ito sa cells ng cervix at lower part ng uterus na konektado sa vagina ng babae.

Uri ng cervical cancer

Narito ang dalawa at pangunahing uri ng cervical cancer:

1. Squamous cell carcinoma: Nagdedevelop ang Squamous cell carcinoma sa flat cells na outer part part ng cervix na nagpoprotekta sa vagina ng babae.

2. Adenocarcinoma: Nadedevelop naman ito sa column-shaped ng glandular cells na konektado sa cervical canal

sintomas-ng-cervical-cancer

Sintomas at sanhi ng cervical cancer | Image from Freepik

Sanhi ng cervical cancer

Ang mga healthy cells ay mabilis na dumadati ngunit mabilis ring namamatay. Nagsisimula ang cervical cancer kapag ang healthy cells ay unti-unting nagbago sa kanilang DNA. Walang malinaw na dahilan kung ano ang sanhi ng cervical cancer pero ang lifestyle o environment ng babae ay maaaring nakakaapekto rin sa cancer na ito.

Ngunit ayon sa pag-aaral, napapataas ng risk ng cervical cancer ng babae kapag:

  • STI
  • Paninigarilyo
  • Nakikipagtalik sa iba’t-ibang lalaki
  • Pagkikipagtalik ng maaga
  • Mahinang immune system

Mga sintomas at senyales ng cervical cancer

Ito ang dahilan kaya mahalagang malaman ang mga sintomas at senyales ng cervical cancer na kailangang bantayan. Naito ang ilan s kanila:

1. Kakaibang discharge

Unang -unang mapapansin mong sintomas at senyales ng cervical cancer ay ang kakaibang discharge na lalabas sa iyo. Ang biglang pagkakaroon ng kakaibang discharge mula sa ari ng babae na hindi nawawala ay maaaring sintomas ng cervical cancer. Ang discharge na ito ay maaaring maputla, pink, brown, madugo, o mabaho.

2. Kulugo

Ang paglitaw ng maliliit na kulugo sa loob o labas may maaaring senyales ng cancer sa cervix. Ito ay dahil ang warts ay sintomas din ng HPV, na maaaring magdulot ng cervical cancer.

3. Pagdurugo

Sa pagdevelop ng cancer, maaari itong maging sanhi ng pagtuyo at pagcrack ng uterine walls. Nagdudulot ito ng kawalan ng ginhawa at pagdurugo. Ibig din nitong sabihin ay ang di karaniwang pagdurugo ay sintomas ng cancer.

4. Anemia

Ang anemia, na maaaring dulot ng abnormal na pagdurugo sa cervix, ay maaaring senyales ng cervical cancer. Ang fatigue, kapaguran, o mabilis na pagtibok ng puso matapos ang kaunting pisikal na aktibidad ay sintomas din ng anemia.

sintomas-ng-cervical-cancer

Sintomas at sanhi ng cervical cancer | Image from Unsplash

5. Madalas na pagkakaroon ng UTI

Ang urinary problems, tulad ng UTI ay maaari ring maging sintomas. Sa pamamaga ng cervix, ang bato at pantog ay naiipit, na humaharang sa daloy ng ihi. Ito ang maaaring magdulot ng urinary problems.

6. Pananakit sa mga hita, balakang, o likod

Sa pagdevelop ng cancer, maaari nitong maipit ang mga lamang loob na nagdudulot ng pananakit sa mga hita, balakang, o likod. Maaari rin itong maka-ipit ng ugat na magdudulot ng pananakit sa mga hita at ankles.

7. Biglang pagbaba ng timbang

Marami sa mga cancer ang nagpapawala ng gana sa pagkain, at hindi naliliban dito ang cervical cancer. Ang paglaki ng cervix ay maaaring maka-ipit sa tiyan na nagdudulot ng kawalan ng gana sa pagkain at mabilis na pagbaba ng timbang.

Mahalagang tandaan na kahit ang mga ito ay maaaring mga sintomas ng cancer sa cervix, tanging duktor lamang ang maaaring gumawa ng diagnosis. Kaya makakabuting kumonsulta sa duktor kung pakiramdam ay may mali sa katawan.

sintomas-ng-cervical-cancer

Sintomas at sanhi ng cervical cancer | Image from Freepik

Paano maiiwasan ito?

Upang makaiwas sa cervical cancer, ‘wag makipagtalik sa iba’t-ibang lalaki at ugaliin ang safe sex. Iwasan rin ang paninigarilyo dahil ito rin ang maaaring panimulan ng cancer na ito.

Ang pagkakaroon ng vaccine o palagiang pagdalo sa screen test ay nakakapagpababa ng risk ng pagkakaroon ng cervical cancer.

 

 

Source:

familyshare.commedlineplus.gov

BASAHIN:

10 Overlooked symptoms of cancer you should not ignore

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner