Si Kuya Kim Atienza ay one proud dad sa daughter niyang si Emman na isang modelo na.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Kuya Kim Atienza sa pagmomodelo ng daughter niyang si Emman.
- Paano sinusuportahan ni Kuya Kim ang anak na si Emman.
Kuya Kim Atienza proud sa pagmomodelo ng daughter niyang si Emman
Wala ngang mapaglagyan ang pagiging proud ng TV host na si Kuya Kim Atienza sa bunso niyang anak na si Emmanuelle Atienza o Emman. Dahil si Emman sa edad na 16-anyos ay isa ng professional model.
Nito ngang Bench Fashion Week 2022 ay isa si Emman sa mga rumampang modelo ng sikat na Pinoy clothing brand. Ang ama niyang si Kuya Kim hindi pinalampas na makunan ng video ang anak habang lumalakad sa catwalk.
Sa caption rin ng kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Kuya Kim ang nararamdaman niya sa achievement na ito ng kaniyang anak. Kuwento ng TV host, pangarap niyang maging ramp model noon tulad ng anak. Pero dahil sa kakulangan niya ng height ay hindi ito natupad. Kaya naman ngayon na ang anak niya ay isang modelo na at nagagawa ang bagay na pinangarap niya ay sobrang proud siya para dito.
”In the 80s I always wanted to be a ramp model and went to many go sees only to be rejected for lack of height. (5’8″).”
“I am so proud of my little @emmanatienza who rocked the runway for #benchfashionweek2022 last weekend.”
“You go brave girl! Fly high and achieve the dreams your papa wasn’t able to realize in his youth.”
Ito ang caption ng post ni Kuya Kim tungkol sa anak na si Emman at sa naging pagrampa nito sa nakaraang Bench Fashion Week 2022.
Ang ina ni Emman at misis ni Kuya Kim na si Felicia Hung Atienza ay very proud rin sa anak niya. Sa kaniyang Instagram, ito ang mensahe niya para kay Emman.
“Modeling DEBUT. My beloved @emmanatienza. Proud of your courage, passion & kindness.”
Paano sinusuportahan ni Kuya Kim ang anak na si Emman
Samantala, nitong Hulyo ay ibinahagi ni Emman sa kaniyang Instagram account na siya ay nahaharap sa isang mental health condition na kung tawagin ay anorexia nervosa. Ito ay isang emotional disorder na labis na nakaapekto sa pangangatawan at kalusugan niya.
Sa naturang IG post ay ikinuwento ni Emman ang naging struggle niya sa pagharap ng naturang kondisyon.
“After properly dieting and losing an increasingly high amount of weight, I became obsessive over my calories. I would sometimes eat much less than a healthy body needs to survive. It became so obsessive that others became concerned about my own health and my daily functioning was at stake.”
Ito ang bahagi ng pahayag noon ni Emman tungkol sa kondisyon na resulta ng kaniyang pagpapayat.
Ayon sa Mayo Clinic, ang anorexia nervosa ay isang eating disorder. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng abnormal at mababang body weight. Ito ay dahil nakakaranas siya ng intense fear na baka siya ay tumaba.
Ang mga taong may anorexia ay patuloy na nagpapayat kahit payat na sila. Pinipigilan rin nila ang pagkain ng maayos o lahat ay gagawin para mapigilan ang ikinatatakot nilang pagtaba. Sila ay maaring masuka matapos kumain o kaya naman ay gumamit ng laxatives o iba pang inaakala nila na pipigil sa kanilang tumaba.
Ang anorexia ay hindi lang basta tungkol sa pagkaing kinakain ng isang tao. Ito ay tungkol sa pananaw niya sa pangangatawan na kung saan iniisip niya na ang pagiging payat ang kahulugan ng kagandahan.
Si Kuya Kim ipinakita ang pagsuporta sa anak sa pamamagitan ng pag-share ng awareness post ng anak niyang si Emman.
Kuya Kim proud rin sa isa pang anak niyang si Eliana
Samantala, proud na proud rin si Kuya Kim at kaniyang misis sa isa pang anak nilang babae na si Eliana. Ito ay naka-graduate kamakailan lang sa senior high school at ang pinaka-proud pa sila ay natanggap ito bilang college student sa University of Pennsylvania.
Bagamat malalayo sa kanila ang anak ay okay lang daw para kay Kuya Kim at misis niya. Dahil ito naman daw ang role ng magulang sa mga anak, ang suportahan sila sa mga pangarap nila.
“I love you and I am sooo proud of you @elianahatienza you are God’s gift to mama and I and in a few months, you shall be in college far away from both of us.”
“Parents are like bows and you are like an arrow. Our job is to shoot you far and straight and high….. far away from us. It is sad but that’s what parents are designed to do.”
“I love you and will always be proud of you my dearest baby [Eliana]. Kick ass and show them what you’ve got in [University of Pennsylvania!”
Ito ang mensahe pa ni Kuya Kim sa naging pagtatapos ng anak niya sa high school.
Maliban kay Eliana at Emman, ay may isang anak na lalaki si Kuya Kim. Ito ay si Jose, ang panganay na anak ni Kuya Kim at misis niyang si Felicia Hung. Siya ay isang piloto.