Nagulat ang marami nang ipahayag ng mang-aawit na si Kyla Alvarez na siya’y nakunan noong taong 2018. Hindi lang isa, ngunit dalawang beses. Ngayong taong nga ibinahagi ulit ni Kyla Alvarez ang ikatlo niyang miscarriage alam ang kwento rito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kyla Alvarez sa pangatlong miscarriage
- Sanhi at sintomas ng Miscarriage
Kyla Alvarez sa pangatlong miscarriage
Ang mang-aawit na si Kyla Alvarez, mas kilala bilang Kyla, ay nakunan sa pangatlong pagkakataon.
Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram post, ngayong umaga, July 16,
“My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined.”
“Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your [two] siblings in heaven. We love you, our Millie.”
View this post on Instagram
Ang litrato na kanyang ibinahagi sa personal na Instagram account ay naka black and white, kasama ang kaniyang anak na si, Toby Elsiah, na nakaabante sa kanyang pregnant tummy habang nakangiti ito.
Nagpadala ng pagsuporta ang mga kaibigan ni Kyla sa showbiz.
“Sending virtual hugs and prayers to you @kylaalvarez.” -Amy Castillo
“Hugs, @kylaalvarez,” – Zsa Zsa Padilla
“Ky….. I wish I can give you a hug. Knowing I am praying for you. Keep swimming,” – Anna Fegi.
Si Kyla ay nanganak kay Toby Elisiah noong May, 2013 sa kanyang asawang basket player na si Rich Alvarez. Noong 2018, nakunan ng dalawang beses si Kyla, ngunit kanyang ipinahayag ang kagustuhan pang magkaraoon ng anak.
Larawan mula sa Instagram ni Kyla Alvarez
Miscarriage: Sanhi at sintomas ng mga ito
Sa kabilang banda, bakit nga ba nakukunana ang mga kababaihan ano ba ang mga sanhi, sintomas at lunas na kailangan alamin para maiwasan ito.
Ang miscarriage o ang pagkalaglag ay ang pagkawala ng fetus bago ito umabot sa ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis. Ayon sa mga pag-aaral halos 50% ng pagbubuntis ay nauuwi sa miscarriage. Karamihan sa mga miscarriage na ito ay nangyayari bago magkaroon ng regla ang isang babae o bago pa niya malaman na siya ay nagdadalang-tao.
Samantalang 80% naman ng pagkalaglag ay nangyayari sa loob ng first trimester o sa loob ng tatlong buwan na pagbubuntis. Ang pagkalaglag pagtapos ng ika-dalawampung linggo ng pagbubuntis ay itinututing na late-term miscarriages na bihira nang mangyari.
BASAHIN:
Kyla, inaming nagiging emotional sa tuwing pinagsasabihan ang anak na si Toby
Kyla ibinahagi ang kalungkutan sa kaniyang pangalawang miscarriage
#AskDok: Ano ang mga sintomas ng miscarriage sa 2nd trimester ng pagbubuntis
Mga sintomas kung bakit nakukunan ang mga kababaihan
- Pagdurugo
- Matinding sakit sa parte ng puson
- Panghihina
- Pananakit ng likod
Kaya naman kapag nakaranas ng ganitong sintomas, mas mainam na pumunta sa iyong doktor o sa inyong OB-Gyne para mabigyan ito ng sapat na atensyon at hindi humantong sa pagkakunan.
Isa naman sa pwedeng maging dahilan ay ang pagkakaroon ng fatal genetic problems ng sanggol , na walang kinalaman sa kanyang ina. Ito ay nangyayari kapag paulit-ulit nakukunana o nalalgla ang isang babae. Ngunit, and ibang dahilan ay ang sumusunod:
- Impeksyon
- Medikal na kondisyon ng nanay tulad ng diabetes o thyroid disease
- Problema sa hormones
- Mahinang immune system
- Mga problemang physical ng ina
- Uterine abnormality
Mga iba pang dahilan ng pagkakunan
Tumataas pa ang porsiyento na pwede kang makunan kapag:
Edad
Ang mga babaeng mas matanda sa edad na 35 ay may mas mataas ang peligro ng pagkalaglag kaysa sa mga mas batang kababaihan. Sa edad na 35, mayroon kang isang 20 porsyento na panganib. Sa edad na 40, ang panganib ay halos 40 porsyento. At sa edad na 45, ito ay halos 80 porsyento.
Mga nakaraang pagkalaglag
Ang mga babaeng nagkaroon ng dalawa o higit pang magkakasunod na pagkalaglag ay mas mataas ang peligro na makunan muli.
Mga malalang kondisyon
Ang mga babaeng mayroong malalang kondisyon, tulad ng hindi kontroladong diyabetes, ay may mas mataas na peligro sa pagkalaglag.
Mga problema sa uterus o cervical
Ang ilang mga abnormalidad ng may isang ina o mahina ang mga tisyu ng cervix (walang kakayahan na cervix) ay maaaring dagdagan ang panganib na mabigo.
Paninigarilyo, alkohol at ipinagbabawal na gamot
Ang mga babaeng naninigarilyo sa panahon ng pagbubuntis ay may mas malaking peligro ng pagkalaglag kaysa sa mga hindi naninigarilyo. Ang pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdaragdag din ng peligro ng pagkalaglag.
Bigat
Ang pagiging underweight o sobrang timbang ay maaaring magdulot ng mattas na porsiyente para ikaw ay malaglagan ng sanggol sa iyong sinapupunan.
Sources:
Mayo Clinic, Inquirer, WebMD, Webmd.com