LOOK: Vlogger na si Kyle Jennerman o mas kilalang si Kulas engaged na sa Filipina girlfriend na si Catherine Diquit

Ang engagement naganap sa West Vancouver, Canada.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kilalang vlogger na si Kyle Jennerman engaged na sa Pinay na girlfriend na si Catherine Diquit.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kyle Jennerman at Catherine Diquit engaged na.
  • Engagement nina Kulas at Catherine.

Kyle Jennerman at Catherine Diquit engaged na

Larawan mula sa Facebook account ni Kyle Jennerman

Talagang niyakap na ng Canadian turned Filipino citizen na si Kyle Jennerman ang pagiging Pilipino. Matapos maging ganap na Filipino citizen nitong nakaraang taon, si Jennerman o mas kilala sa tawag na “Kulas” ay engage na sa kaniyang Filipina girlfriend. Ang wedding proposal naganap sa Canada.

Kuwento ni Catherine, nasa iconic lighthouse park sila sa West Vancouver nang biglang maglabas ng singsing si Kulas. Nagulat siya at hindi makapaniwala. Dahil labis ang saya niya na makita ang tinuran ng kaniyang boyfriend ng higit na anim na taon na.

Engagement nina Kulas at Catherine

Pagkukuwento naman ni Kulas sa isang panayam, very excited rin siyang magpropose kay Catherine. Lalo pa’t hindi lang siya ang nagmamadali na mapakasalan ito, kung hindi pati narin ang kaniyang pamilya.

“My family really loves her. So, it was pretty much like my mom and dad, even over the past months when I mentioned the idea. They were like, ‘just do it already. Hurry up.'”

Ito ang sabi pa ni Kulas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Kyle Jennerman

Si Catherine sinabing naibahagi niya narin sa kaniyang pamilya ang magandang balita. Masaya rin daw ang mga ito na finally malapit na silang lumagay sa tahimik ni Kulas.

“When I called my parents back in the Philippines, they were crying.”

Ito naman ang pagkukuwento ni Catherine sa naging reaksyon ng kaniyang mga magulang sa engagement nila ni Kulas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Kulas ay nakilala sa mga adventures niya sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Sa kaniyang vlog ay ibinibida niya hindi lang ang magagandang tanawin sa bansa. Kung hindi pati narin ang masasarap nating pagkain at mayamang kultura.

Samantala, si Catherine naman ay dating TV producer sa ABS-CBN at ngayon naman ay isang social entrepreneur na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Kyle Jennerman

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement