Kylie Padilla sa pagbabakasyon sa Japan kasama ang mga anak at sisters niyang sina Zherileen at Queenie: “Mission Accomplished.”

Si Kylie walang kasamang yaya sa pagbabakasyon. Ganito kung paano niya nasigurong safe ang mga anak sa pamamasyal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla nag-enjoy sa Japan kasama ang mga anak na sina Alas at Axl. Narito kung paano niya nagawang mag-byahe at mag-enjoy abroad kasama ang dalawang bata.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kylie Padilla at mga anak na sina Alas at Axl sa Japan.
  • Paano nagawa ni Kylie na magbyahe at mag-enjoy abroad kasama ang dalawang bata.

Kylie Padilla at mga anak na sina Alas at Axl sa Japan

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

Sa latest Instagram post ng aktres na si Kylie Padilla ay ibinahagi niya ang naging pagbabakasyon niya sa Japan kasama ang mga anak na sina Alas at Axl. Ayon sa aktres kasama rin nila ang mga kapatid niyang sina Quennie at Zherileen. Bagamat hindi makikita ang mga larawan nito sa post niya. Paliwanag ni Kylie, ito daw ay bilang pag-respeto sa privacy ng dalawa niyang kapatid.

Sabi pa ni Kylie, nasa bucket list niya ang pagbisita sa Japan ngayong taon. Kaya naman masaya siya na nagawa niya na ito kasama ang mga kapatid niya pati na dalawang anak na sina Alas at Axl.

“Last year I wrote down in my diary “Trip with sisters.” This year it happened. It wasn’t easy taking two kiddos under 6 abroad with no help but that’s exactly what I wanted. My sisters and I worked as a team to take care of each other and each other’s children. If that’s not family I don’t know what is.”

“P.S. no pictures of them because I respect their privacy but yes, this one was for the books too.  👩‍👦‍👦”

Ito ang caption ng post ni Kylie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga larawan ay makikitang bumisita sila sa Tokyo Disneyland at Universal Studios sa Osaka, Japan.

Paano nagawa ni Kylie na magbyahe at mag-enjoy abroad kasama ang dalawang bata

Ayon pa kay Kylie, wala siyang kasamang yaya sa naging pagbabakasyon. Kaya naman ang mga netizens napa-wow ng supermom kung paano nito nagawang mag-byahe kasama ang dalawang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Kylie makikitang nakaisip ng magandang paraan para hindi mawala ang mga anak sa tabi at paningin niya. Ito ay sa pamamagitan ng child leash na nag-siguro sa supermom na hindi mawawala ang mga anak sa pamamasyal nila.

Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement