Sa gitna ng kanyang abalang buhay bilang artista, ibinahagi ni Kylie Padilla kung paano niya napapanatili ang koneksyon sa kanyang mga anak na sina Alas at Axl. Sa isang Instagram post, ipinakita ni Kylie ang mga sulat ng kanyang mga anak—at pati na rin ang simpleng mensahe niya para sa kanila.
“We are a letter writing family,” ani Kylie sa kanyang caption.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sulat ni Kylie Padilla sa mga anak puno ng pagmamahal
- Paano manatiling malapit sa anak kahit busy sa trabaho?
Sulat ni Kylie Padilla sa mga anak puno ng pagmamahal
Larawan mula sa Instagram ni Kylie Padilla
Sa huling bahagi ng post ng aktres, mababasa ang isang sulat para sa kanyang mga anak na puno ng pagmamahal at paalala.
Aniya, “Hi babies! Mama misses you. Always thinking of you! Behave kayo ha.”
Dagdag pa ng aktres, ‘Wag kayo mag-aaway. ‘Wag nyo sigawan mga yaya nyo.”
Pinapaalalahanan din niya ang mga anak na magtiis muna habang busy siya sa trabaho: “Konting tiis lang sa work ni mama. Bili kayo food nyo. I love you.”
Larawan mula sa Instagram ni Kylie Padilla
Maraming netizen ang naantig sa post ni Kylie, at kinikilala ang halaga ng mga simpleng sulat kamay bilang tanda ng pagmamahal. Saad ng isang netizen, iba raw ang epekto kapag handwritten letter, mas thoughtful.
Ani naman ng isa, iba na raw talaga ang sitwasyon kapag working mom ka.
Paano manatiling malapit sa anak kahit busy?
Larawan mula sa Instagram ni Kylie Padilla
Sa kabila ng hectic na schedule, ipinapakita ni Kylie na posible pa ring maging connected sa mga anak sa pamamagitan ng mga simpleng kilos tulad ng pagsusulat ng handwritten letters. Sa mga busy na magulang, puwedeng subukan ang mga tips na ito:
- Mag-iwan ng simpleng handwritten notes para sa anak kahit na maikli lang.
- Maglaan ng oras para kumustahin sila sa video call o voice message.
- Gawing espesyal ang bonding time, kahit simpleng hapunan o kwentuhan lang bago matulog.
Sa dulo, tulad ng ginagawa ni Kylie Padilla, mahalaga ang maayos na komunikasyon at pagpaparamdam sa anak na mahalaga sila kahit gaano pa ka-busy ang mga magulang.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!