Kylie Padilla sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica: “The whole ordeal was so embarrassing and might I say traumatizing.”

Pero si Kylie naka-moveon naman na daw, bagamat may kinakaharap paring pagsubok sa kaniyang mental health.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kylie Padilla ibinahagi ang naging epekto sa kaniyang mental health ng hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica. Aktres may mensahe sa iba pang nakakaranas ng pagsubok sa mental health nila.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Kylie Padilla sa epekto sa kaniyang mental health ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.
  • Aktres sinabing na-trauma sa nangyari sa kanila ni Aljur

Kylie Padilla sa epekto sa kaniyang mental health ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica

Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla

Taong 2021 ng kumpirmahin ng aktres na si Kylie Padilla na hiwalay na sila ng mister niyang si Aljur Abrenica. Ayon sa isang panayam sa aktres ay pareho na silang hindi masaya ni Aljur. Kaya naman ang naging paghihiwalay bagamat nakakalungkot para sa mga anak nila ay mabuti para sa kanilang dalawa.

Ang kumpirmasyon ng kanilang hiwalayan ay sinundan naman ng mga haka-hakang may third party sa relasyon ng mag-asawa. Ito ay ang sexy actress na si AJ Raval na kalaunan ay na-kumpirmang girlfriend nga ni Aljur.

Si Kylie naging matapang na ina para sa kaniyang dalawang anak. Siya ay nagpatuloy sa pag-arte at paggawa ng iba’t-ibang proyekto. Hindi lang para kumita para sa mga anak kung hindi para natin aliwin ang sarili niya sa pinagdaanang hiwalayan.

Dalawang taon matapos ang naging hiwalayan nila ni Aljur, si Kylie ibinahagi ang naging epekto nito sa kaniyang kalusugan. Partikular na sa kaniyang mental health na hanggang ngayon daw ay nilalabanan parin niya. Hindi man halata sa mga social media post niya sabi pa ng aktres.

“So, this is me lately fighting another bout of existential crisis. I am very open about my journey with my mental health and the fight goes on. Here on social media, you only see my highlight reel. But real life is different. Everyone is fighting a silent battle.”

“These past few months I have been questioning my existence, my purpose and I have been asking myself a lot of whys.”

Ito ang bahagi ng post ni Kylie tungkol sa kaniyang mental health sa ngayon.

Aktres sinabing na-trauma sa nangyari sa kanila ni Aljur

Larawan mula sa Facebook account ni Aljur Abrenica

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ng aktres, isa nga sa dahilan kung bakit niya ito nararanasan ay ang hiwalayan nila ni Aljur na isinalarawan ni Kylie na “embarrassing at traumatizing”. Pero sa ngayon daw ay handa naman siyang mag-move forward, lalo pa’t maayos naman daw ang relasyon nila ni Aljur para sa dalawa nilang anak.

“I have been stuck in fight-or-flight since my very public separation from my ex, oh no worries. He and I are good. But I think I’m ready to move forward from all of that.”

“Frankly, that whole ordeal was so embarrassing and might I say traumatizing. But here I am. Human. Imperfect. And yes, sometimes failing. But I think I’m ready to take risks again.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Pagpapatuloy pa ng aktres, makansela man ng publiko siya ay may ilalaunch na personal project para sa mga tulad niyang sinusubok ang mental health. Sa pamamagitan nito siya ay magpapakatotoo at tutulungan ang iba pang tulad niya ay kinukwestyon ang existence nila dito sa mundo.

“I’m done just being ‘kylie padilla’— whoever that is. Come fail with me, and maybe we could somehow create a community.”

“For all the misfits, for all the people out there that sometimes feel like they have NO IDEA WHAT THEY ARE DOING, this one is for you.”

Ito ang sabi pa ni Kylie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagamat burado na ang post ay marami naman ang humanga lalo kay Kylie sa naging pag-amin niya tungkol sa kaniyang mental health status.  Mas marami ang nagpakita ng suporta sa kaniya at sinabing isa siya sa inspirasyon nila sa buhay. Lalo na sa mga babaeng dumaan din sa hiwalayan sa kanilang mister o kinakasama.

Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement