Kylie Padilla na-trauma daw ng ma-diagnose siya na may postpartum depression noon. Dahil daw sa kondisyon ay naisip niyang hindi na siya mabuting ina at nasira ang pagsasama nila ng mister na si Aljur Abrenica.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kylie Padilla postpartum depression experience.
- Depression na naranasan ang sinabing dahilan ni Kylie kung bakit nasira ang relasyon nila ni Aljur.
Kylie Padilla postpartum depression experience
Sa isang panayam ay ibinahagi ng celebrity mom at aktres na si Kylie Padilla kung paano naapektuhan ng postpartum depression ang buhay niya. Kuwento ni Kylie, na-diagnose siya na may postpartum depression ng maipanganak niya ang pangalawa niyang anak na si Axl. Doon daw siya nakaranas ng sintomas ng kondisyon na labis na nakaapekto hindi lang sa pagiging ina niya kung hindi pati narin sa pagiging isa niyang asawa.
“Kapag naaalala ko ‘yun, nalulungkot ako kasi I was diagnosed with postpartum depression but also, I was told to just stay in bed and rest. Nahirapan ako noon. “Nahirapan akong i-process ‘yung nangyayari sa’kin because I had no control of my body.”
“I wanted to be able to take care of my kids after giving birth, which is why na-trauma din ako kaya ayoko na mag-baby sana. Ayoko na maramdaman ulit ‘yun. I felt like a failure to my kids.”
Ito ang pagbabahagi ni Kylie na kung saan sinabi niya rin ang naranasang depression ang naging ugat sa hiwalayan nila ng mister na si Aljur Abrenica.
Larawan mula sa Facebook account ni Kylie Padilla
Depression na naranasan ang sinabing dahilan ni Kylie kung bakit nasira ang relasyon nila ni Aljur
“Our marriage started getting rough. I felt like a failure. Sadly, I wasn’t able to be the best mom I could’ve been, the best wife I could’ve been.”
Pero magkaganoon man, si Kylie thankful sa kaniyang naging karanasan. Dahil sa ang pangit niyang experience na ito ay naging dahilan para mas mag-mature siya at ma-grow. Hindi lang bilang isang babae pero isa ring mabuting ina sa mga anak niyang si Alas at Axl.
“I realized there’s a blessing behind it because I feel like whatever happened was a gateway for my growth.”
Ito ang sabi pa ni Kylie.
Larawan mula sa Instagram account ni Kylie Padilla
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!