Lagnat-laki: Totoo ba ang kundisyon na ito sa mga bata?

Naniniwala ba kayo na nilalagnat ang bata kapag literal na lumalaki na ito? Ano nga ba ang sabi ng mga doktor tungkol sa lagnat-laki?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naniniwala ba kayo na nilalagnat ang bata kapag literal na lumalaki na ito? Ano nga ba ang sabi ng mga doktor tungkol sa lagnat-laki?

Madalas na maririnig ang katagang lagnat-laki mula sa mga matatanda. Kapag nilalagnat ang bata at walang makitang dahilan, sinasabing lagnat-laki lang ito at di dapat ikabahala. Totoo ba ang lagnat-laki, o isa lang din itong “old folks’ belief”?

Ano ba ang lagnat-laki?

Paliwanag ni Dr. Nikki Turaray, MD, isang general physician sa My Health at Maxicare sa BGC, ang lagnat ay lagnat, at walang kinalaman sa paglaki o physical “growth” ng isang bata. Hindi ito dapat ipagwalang-bahala dahil kalusugan ng bata ang pinag-uusapan.

Hindi naman malubha ang pagkakaron ng lagnat, mataas man o low-grade ito. Pero katulad ng ibang sakit, kailangan pagtuunan ng pansin at bigyan kaagad ng lunas at huwag nang hintaying pang lumubha.

Lagnat laki sa bata

Tandaan na ang lagnat ay natural response ng ating katawan kapag may virus na umaatake. Ito ang nagsasabi sa atin na nilalabanan ng immune system natin ang viral infection. “Madalas na bata ang naaapektuhan, dahil mahina pa ang immune system nila,” paliwanag ni Dr. Turaray. Ang mahalaga, obserbahan ang bata para maagapan ang anumang komplikasyon, sakaling tumaas nang tumaas ang lagnat. Lagnat-laki o hindi, hindi ito dapat ipagwalang bahala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang dapat gawin?

Kapag ang lagnat ay hindi hihigit sa 37.8 degrees Celsius, ito ang karaniwang tinatawag na lagnat-laki. Iwasan munang bigyan ng anumang medikasyon. Kumunsulta sa doktor, o kung unti-unting tumataas, dalhin na kaagad sa pediatrician para makasegurong malunasan kaagad ang sakit.

Ano ang gamot sa “lagnat-laki”?

Kapag low-grade lang ang lagnat, o tinatawag na lagnat-laki, may mga natural na pamamaraan para mapababa ito.

1. Obserbahan at bantayan ang bata sa loob ng tatlong araw, mula nang magkalagnat siya. Ihanda ang thermometer sa tabi niya para makuha ang temperature niya kada oras. Kung tumataas ang lagnat, o hindi pa nawawala ang lagnat sa ikalawang araw (48 oras), kumunsulta na sa pediatrician.

2. Bigyan ng water therapy o pagpapainom ng sapat na tubig o fluids sa maghapon. Pakainin din ang bata ng prutas na nakaka-hydrate tulad ng pakwan. Kapag giniginaw o malamig ang palad at talampakan, painumin ng kaunting mainit-init na sabaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lagnat laki sa bata | Image from Freepik

3. Panatilihing nakahiga ang batang may lagnat.

4. Punasan ng basang bimpo (na sinawsaw sa malamig-lamig na tubig) ang pasyente. Punasan ang noo, batok, kili-kili at mga singit nito. Kung malamig ang paa at palad, punasan naman ng maligamgam na tubig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Tanungin ang bata kung ano ang gusto niyang kainin. Makakatulong ito kung wala siyang ganang kumain. Minsan din kasi ay nawawalan ng maayos na panlasa ang may sakit. Bigyan siya ng healthy choices, dahil hindi rin makakatulong ang matatamis at mga chichiriya.

6. Ang ibig sabihin ng pahinga, ay pahinga din sa panunuod ng TV o electronic gadget tulad ng tablet at cell phone. Magpatugtog na lang ng musika o kaya ay basahan siya ng libro, o di kaya ay bigyan siya ng laruan na hindi nakakapagod laruin tulad ng Lego o stuffed toys.

Lagnat laki sa bata | Image from Unsplash

Dalhin kaagad sa doktor ang bata kung:

  • May pagsusuka. Baka madehydrate ang bata kapag hindi ito natugunan o nalunasan kaagad.
  • Walang gana kumain. Natural lang na mawalan ng gana ang batang may sakit, pero kapag lumipas ang 24 oras na wala halos kinakain ang bata, o ayaw uminom ng gatas ang sanggol, kumunsulta kaagad sa doktor. Huwag hintaying manghina pa ang bata at lalong manghina ang immune system niya.
  • Lethargic (nanghihina at ayaw bumangon o gumalaw) o palaging tulog. Natural lang na nanghihina ang batang may sakit, pero kung halos hindi na kumikilos at palaging nakahiga lang, ikunsulta kaagad sa doktor. Maaaring sintomas ito ng mas malubhang karamdaman.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

SOURCE:

Dr. Nikki Turaray, MD, general physician, My Health at Maxicare, BGC, Taguig City

Basahin: 

Kombulsyon kapag nilalagnat: Ano ang dapat gawin?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement