Ang kombulsyon ay nakakatakot na pangyayari para sa mga magulang. Sa kabutihang palad, karamihan sa mga kombulsyon ay hindi dapat ikabahala. Ito ay dala lamang ng biglaang pagtaas ng temperatura. Paano maiiwasan ang pagka kombulsyon ng bata?
Kung ang isang batang walang neurological o developmental na problema ay may mataas na lagnat at biglang nag-kombulsyon, ito ay kinokonsiderang febrile seizure.
Naapektuhan ng febrile seizure ang mga batang wala pang anim na taong gulng at may temperatura na hindi bababa sa 38°C. Karaniwan itong nangyayari sa mga nasa pagitan ng anim na buwan hanggang limang taong gulang.
Halos 2% hanggang 5% ng mga bata ang nakakaranas ng febrile seizure bago mag limang taong gulang.
Image from Freepik
Mga uri ng febrile seizure
May dalawang uri ang febrile na kombulsyon:
- Simple febrile seizure – Ang kombulsyon na hindi tumatagal nang 15 minuto at hindi na uulit pa hanggang sa pag-galing ng impeksiyon.
- Complex febrile seizure – Maaring umulit habang hindi pa gumagaling ang impeksiyon at magtagal nang lagpas 15 minuto.
Sanhi ng febrile na kombulsyon
Ang febrile na kombulsyon ay madalas na nangyayari sa mga batang biglaang tumataas ang temperatura. Kadalasan itong nangyayari sa unang araw ng lagnat.
Ngunit, maaari rin itong mangyari habang nawawala na ang lagnat.
Ang mga impeksiyon na maaaring magpataas ng posibilidad na magkaroon ng febrile seizure ay:
- Gastroenteritis
- Tonsillitis
- Urinary tract infection (UTI)
- Viral infections
- Iba pang karaniwan na impeksiyon
Hindi karaniwang sanhi ng febrile seizures ang mga impeksiyon na nakaka-apekto sa utak at spinal cord. Ang mga kombulsyon na naiuugnay sa mga ito ay maaaring may masmalalang dahilan.

Ang bakuna at kombulsyon
Ang febrile seizure na nangyayari matapos tumanggap ng bakuna ay dahil sa lagnat at hindi sa gamot. Sadyang tumataas ang temperature ng bata matapos bakunahan dahil nilalabanan pa ng katawan ang gamot.
Ayon sa mga pagsasaliksik, mababa ang panganib ng kombulsyon sa isang bata matapos bakunahan.
Hinihikayat ng mga duktor ang mga magulang na kumpletuhin ang bakuna ng isang bata kahit pa magkaroon ito ng febrile seizure matapos ang mga naunang bakuna. Ito ay dahil sa ang panganib na dulot ng mga sakit tulad ng tigdas ay mas malala.
Sintomas ng febrile seizure
May mga panahon na nangyayari ang febrile seizure bago pa malaman ng mga magulang na may sakit ang bata. Ito ang ilan sa mga mapapansin kung ang bata ay nakararanas ng febrile seizure:
- Tumitigas ang katawan
- Kumikibot o nanginginig ang mga braso at binti
- Maaaring mahirapan huminga
- Nawawalan ng malay
- Maaaring hindi makontrol ang pag-ihi at pagdumi
- Maaaring magsuka
- Maaaring magbula ang bibig
- Maaaring umikot ang mga mata
- Maaaring maiyak o humalinghing
Kadalasan na tumatagal ang kombulsyon nang ilang minuto lamang. Ngunit, makakaramdam ng pagka-antok hanggang isang oras.
Samantala, sa complex febrile seizure, mas tumatagal ang kombulsyon at isang bahagi lamang ng braso at binti ang kumikibot.
Pagsusuri sa febrile seizure
Ang pagkuha ng sample sa dugo at ihi ay ginagawa upang alamin kung ano ang nilalabanan na impeksiyon. Kung ang duktor ay naghihinala na may kinalaman sa utak, maaaring magsagawa ito ng lumbar puncture.
Para sa mga may complex febrile seizure, may iba pang mga tests na kakailanganin isagawa.
First Aid kapag nag-febrile seizure ang bata
Kusang nawawala ang febrile seizure matapos ang ilang minuto.
Ito ang mga kailangang gawin ng magulang habang nangyayari ito:
- Ang may kinokombulsyon ay dapat ilagay sa kanyang gilid nang hindi malunod sa suka. Pinapaluwag din ng posisyon na ito ang paghinga at iniiwas sa mas malalang pinsala.
- Orasan kung gaano tumatagal ang seizure.
- Luwagan ang damit ng bata.
- Huwag pigilan ang pagtigas o panginginig ng katawan nito.
- Nais ipaalala ng mga eksperto na huwag maglalagay ng kahit ano sa bibig ng bata. Maaari kasing mabasag ang ngipin nito at mapunta sa baga ang basag na ngipin. Hindi rin posible na malunok ang dila.
Pabalik-balik na febrile seizure
Image from Freepik
Isa sa tatlong bata ang nagkakaroon ng febrile seizure wala pang isang taon matapos ang kombulsyon. Madalas itong nangyayari kung:
- Ang unang febrile seizure ay nangyari bago mag 18 buwan na gulang ang bata
- Ang unang febrile seizure ay nangyari nang mababa ang lagnat
- Nagkaroon na ang bata ng complex febrile seizure
- May family history ng kombulsyon
- May family history ng epilepsy
- Ang bata ay maaaring nakikihalubilo sa ibang bata na may impeksiyon
Ang komplikasyon at pangmatagalan na epekto ay bihirang nangyayari. Ang simple febrile seizure ay hindi nagiging dahilan ng pinsala sa utak, problema sa pagaaral o iba pang sakit.
Ferbile seizure at epilepsy
Ang febrile seizure at epilepsy seizure ay magkaiba. Nangyayari ang kombulsyon ng epilepsy kahit walang lagnat. Ang posibilidad na magkaroon ng epilepsy dahil sa febrile seizure ay mababa.
Maaaring epilepsy ang nararanasan kung:
- May neurological abnormalities
- May developmental delay bago pa magka ferbile seizure
- May family history ng epilepsy
- Ang kombulsyon ay kakaiba
- Ang kombulsyon ay nangyari bago ang isang oras na may lagnat
Paano maiiwasan ang pagka-kombulsyon ng bata
Hindi inire-rekomenda ng mga duktor ang pagpapa-inom ng anti-seizure na gamot para sa febrile seizure. Ito ay dahil walang panganib na dulot ang ferbile seizure kumpara sa maaaring epekto na dulot ng gamot.
Source: Medical News Today, Mayo Clinic
Basahin: Lagnat ng baby: Sanhi, sintomas, at lunas
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!