Hindi dapat balewalain ng mga magulang ang kalusugan ng kanilang mga anak. Mahalagang maging maingat, lalong-lalo na sa mga baby dahil napaka-sensitive ng kanilang kalusugan.
Kaya ganun na lamang ang pagdadalamhati ng inang si Emily Vandenbrouck nang madatnan na walang malay ang kaniyang anak. Hindi niya lubos akalain na namatay na pala si Baby Fleur, na walang kahit anong sintomas, dahil sa strep o streptococcus infection.
Paano siya nagkaroon ng streptococcus infection?
Ayon kay Emily, naging napakabilis raw ng mga pangyayari. Ayon sa kaniya, normal naman raw si Fleur noong araw na iyon.
Normal naman raw ang kaniyang appetite, at hindi siya nahirapang patulugin ang sanggol kinagabihan. Wala rin daw lagnat ang kaniyang anak, at wala silang nakita o napansin na kahit anong sintomas na mayroon na pala siyang infection.
Nagulat na lamang ang partner ni Emily nang datnan na wala nang malay ang kanilang anak. Sinubukan pa raw i-revive ang sanggol, ngunit hindi na nila ito nagawa.
Napag-alaman na lang nila na positibo pala sa Group B Streptococcus ang kanilang anak. Ito ay isang uri ng bacteria na nakatira sa bituka, o kaya sa puwit ng isang tao. Madalas raw ay wala itong sintomas, kaya’t nakakatakot kapag nagkaroon ng ganitong infection ang mga bata.
Kuwento ni Emily, posible raw nakuha ni Fleur ang bacteria mula sa ibang tao. Ito raw ay dahil kagagaling lang nila sa isang event noong araw na iyon, at marami raw tao ang humalik at humawak kay Emily.
Dahil dito, inuudyok niya na maging mas maingat ang mga magulang pagdating sa pagpapahawak ng kanilang mga anak. Ito raw ay para makaiwas sa impeksyon, at hindi matulad ang kanilang anak sa nangyari kay Fleur.
Paano makakaiwas sa strep infection?
Heto ang ilang mga tips na mahalagang tandaan ng mga magulang upang makaiwas sa ganitong mga sakit:
- Palaging maghugas ng kamay bago hawakan ang anak, at siguraduhing malinis ang paligid.
- Huwag hayaang halikan ng kung sino sino ang iyong baby, upang siguradong wala silang dalang sakit.
- Ugaliing bantayan ang kalusugan ng iyong anak, at kung mayroong kakaibang sintomas ay huwag mag-atubiling pumunta sa doktor.
Source: Fox News
Basahin: 1-taong gulang, nagkaroon ng herpes dahil sa halik
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!