Lagpas na sa due date ng panganganak, delikado daw para kay baby, ayon sa isang bagong pag-aaral.
Peligro ng lagpas na sa due date ng panganganak
Ayon sa isang bagong pag-aaral mas nalalagay sa kapahamakan ang buhay ng isang baby kapag ito ay lagpas na sa due date na dapat siya ay isilang.
Natuklasan ito ng mga researchers’ ng bagong pag-aaral, matapos i-examine ang data ng mga nauna ng 13 na pag-aaral tungkol sa stillbirth.
Sa kabuuan ay may 15 million pregnancies ang kabilang sa pag-aaral na kung saan 17,830 sa mga ito ang naitalang nakaranas ng stillbirth.
Ang stillbirth ay isang komplikasyon sa pagbubuntis na kung saan namamatay ang sanggol bago o habang ipinapanganak dahil sa iba’t-ibang dahilan.
Base sa analysis ng pag-aaral, natuklasang ang mga pagbubuntis na umabot sa 41 weeks’ o mas lagpas pa ay mas tumataas ang tiyansa na makaranas ng stillbirths. Pati narin ang newborn fatalities o maagang pagkamatay ng bagong silang na sanggol sa unang 28days ng buhay nito.
Sa kanilang pagkukumpara, naitala ng mga researchers na 64% ang tinataas ng posibilidad ng stillbirth sa 40-41weeks ng pagbubuntis. Habang 87% naman ang itinataas ng posibilidad na makaranas ng neonatal death ang isang sanggol na ipinapanganak sa mga linggong ito.
Ayon sa senior author ng ginawang pag-aaral na si Shakila Thangaratinam mula sa Queen Mary University of London, ito daw ay dahil sa pagbagal ng placental function ng isang babae habang nagpapatuloy ang pagbubuntis.
“This is considered to play a role in the stillbirths and poor outcomes after delivery”, dagdag pa ni Thangaratinam.
Ngunit hindi naman daw dapat ikabahala ito ng mga babaeng buntis na nasa ika-41week. Bagamat ito na ang tamang linggo upang talakayin sa kanilang doktor ang tungkol sa labor induction o iba pang medical interventions sa panganganak.
Reaksyon ng mga eksperto sa pag-aaral
Sinuportahan naman ng World Health Organization ang findings ng ginawang pag-aaral. Kung saan inirerekumenda nila ang labor induction sa mga buntis na lagpas na sa due date. Dahil ang pagpapatuloy daw ng pagbubuntis na lagpas na sa 42 weeks ay hindi lang mapanganib sa baby kung hindi pati narin sa babaeng nagbubuntis.
Dahil ayon sa American College of Obstetricians and Gynecologists, ang 42week ng pagbubuntis o higit pa ay itinuturing ng overdue. Normal o full term pregnancy naman ang 39 hanggang sa 41weeks ng pagbubuntis. Habang early term naman ang 37 to 38week ng pagdadalang-tao at premature naman ang pagbubuntis na 37weeks pababa.
Payo naman ni Dr. Aaron Caughey, bago i-consider ang labor induction o surgical delivery mas mabuting hintayin muna ang ika-39th week ng pagbubuntis para sa mga hindi naman nakakaranas ng kahit anong komplikasyon. Ito ay para magkaroon pa sila ng pagkakataon na maipanganak ang kanilang baby sa natural na paraan.
Si Dr. Caughey ang chair ng obstetrics and gynecology at associate dean ng women’s health research and policy sa Oregon Health & Science University sa Portland.
Habang para kay Vicky Flenady, director ng Center of Research Excellence in Stillbirth sa University of Queensland sa Australia. Ginagawa lang daw ang labor induction o caesarian section delivery bago ang due date ng buntis dahil sa ilang kondisyon, tulad nalang para maiwasan ang stillbirth.
Ngunit pahayag niya ay mas makakabuti na hintayin na umabot sa 41 weeks ang pagbubuntis. Dahil mas makakabuti ito para sa development ng sanggol.
“It’s ideal if women reach their full gestation of 41 weeks, as this allows the baby to fully develop, especially in brain growth, which is very rapid towards the end of pregnancy”, pahayag ni Flenady.
Source: Asia One, Plos Medicine
Photo: Pixabay
Basahin: 2019 Maternity Packages: Presyo ng panganganak sa Metro Manila
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!