Isa ka ba sa mga parents na nahihirapang mag-say “no” o humindi sa iyong anak? Narito ang ilang mga epekto kapag naging laki sa layaw ang iyong anak at kung paano ito maiiwasan.
Mababasa sa artikulong ito:
- 6 na posibleng rason kung bakit hindi ang magulang sa anak
- Masasamang epekto ng hindi pag-hindi sa anak
- 5 Tips sa pag-hindi sa iyong anak
6 na posibleng rason kung bakit hindi ang magulang sa anak
Isa sa mga mahahalagang bagay na dapat matutunan ng isang bata ay ang harapin ang katotohanang hindi lahat ng bagay na kaniyang gustuhin ay maaaring makuha.
Marami mga rason kung bakit mayroong mga magulang na nahihirapang limitahan at humindi sa kaniyang mga anak. Narito ang mga ilan sa mga karaniwang rason:
- Ayaw ng magulang na lumayo ang loob sa kaniya ng anak, o ‘di kaya naman ay mapagbuntunan nito ng galit.
- Maaaring nagkaroon sila ng past experience kung saan ito lamang ang nakikitang paraan ng magulang upang makabawi sa kaniyang anak.
- Hindi healthy ang paraan at pagnanais ng magulang na mapalapit ang kaniyang loob sa anak.
- Naniniwala ang magulang na dapat maibigay niya anuman ang mga bagay na gustuhin ng kaniyang anak.
- Iniiwasan ng magulang na maiparanas anak kung ano yung mga pagkukulang na naranasan niya noong siya ay bata pa.
- Labis-labis ang pagiging mapagbigay ng magulang dahil ayaw nitong magkulang o mapagkaitan ang anak sa kaya niyang ibigay.
Naka-relate ka ba sa isa sa mga pangkaraniwang rason na ito?
May iba’t ibang paraang ng pagpapalaki ang bawat magulang. Gaya nito, may iba’t ibang rason din kung bakit ang ibba ay talagang hindi maka-hindi sa kanilang mga anak.
Para sa ibang magulang, hangga’t maaari at kanilang kakayanin, gagawin nila ang lahat ng paraan upang hindi maka-hindi sa kagustuhan ng anak.
Subalit ang pag-Oo lamang nang pag-Oo sa kagustuhan ng anak ay maaaring magdulot ng hindi maganda epekto habang ito ay lumalaki, lalo na sa kaniyang paglaki.
Masasamang epekto ng hindi pag-hindi sa anak
Ang pag-Oo sa iyong anak ay isang paraan upang bumuo ng healthy boundary at pagdidisiplina sa anak sa positibong paraan. Sa pamamagitan nito, hinahayaan mo ang iyong anak na abutin ang kaniyang sariling pangarap at kaniyang mga goals.
Subalit palaging tatandaan na lahat ng bagay ay kailangang mag boundaries at limitasyon. Bilang magulang, kailangan alam mo kung hanggang saan at kailan ka lang dapat um-oo at magsimulang humindi.
-
Pagiging self-centered ng bata
Malaki ang posibilidad na maging self-centered ang iyong anak at isiping lahat ng bagay sa mundo ay umiikot lamang sa kaniya.
Dahil dito, nawawalan siya ng pagkakataon makita ang halaga ng ibang tao sa kaniyang paligid, lalo na ang nararamdaman at pangangailangan ng iba.
-
Mahihirapang mag-establish ng boundaries
May ilang mga magulang na hindi napaghihigpitan ang kanilang at dinidisiplina sa mga pagkakamaling nagawa nito. Kapag ganito ang sitwasyon, masasanay ang bata na hindi nakikita ang kaniyang sariling pagkakamali.
Aakalain ng iyong anak na walang mali sa kaniyang ginagawa kaya patuloy niya itong ginagawa. Kaya naman hindi na rin niya makikita ang boundaries mula sa ibang tao.
-
Pagka-exhaust ng magulang
Kung ikaw ay magulang na hindi maka-hindi sa iyong anak, mapapagod at mahihirapan ka ring abutin nang abutin ang lahat ng kaniyang kagustuhan.
Magastos kung pipiliin mong palaging sundin ang luho ng iyong anak, at maaari rin iyong maging emotionally exhausting bilang magulang. Maaaring ang bata ay maging laki sa layaw.
-
Lalaking spoiled ang iyong anak
Ayon sa pag-aaral, kapag lumaking spoiled ang isang bata, malaki ang epekto nito sa kaniyang sarili at sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
Maaari itong magpakita ng kawalan ng konsiderasyon sa iba. Para sa kaniya, ang kaniyang boses lamang ang dapat na marinig at siya lamang ang dapat masunod.
Bukod rito, maaari rin magbago ang kaniyang ugali at maging magagalitin.
Bagamat tungkulin ng magulang na palakihin ang kanilang mga anak sa positibong environment, mahalaga ring i-expose sila sa mga sitwasyon na hindi nila gusto. Ito ay importante upang maging matatag silang humarap sa anumang sitwasyon.
Kailangang matuto silang tumanggap ng “hindi,” dahil malaki ang posibilidad na maging bastos at mawalan ito ng respeto habang lumalaki.
Ayon kay Dr. Markham,
“Saying no to your child helps with setting boundaries and limits, which aid in their development — emotionally, physically, and mentally.”
“Never saying it, Dr. Markham says, can leave children ill-equipped to deal with the real world,” dagdag pa niya.
BASAHIN:
Not paying attention to your child and other parenting mistakes you should avoid
4 parenting mistakes kaya lumalaki na irresponsable ang bata
5 tips sa pag-hindi sa iyong anak at hindi siya maging laki sa layaw ang bata
Narito ang ilang mga tips at strategies na makakatulong sa mga magulang na humindi sa kanilang mga anak kung kinakailangan:
1. Mag-set ng limit
Hindi lahat ng bagay ng gustuhin ng iyong anak ay kailangan mong ibigay sa kaniya upang maging mabuting magulang.
Ang pagkakaroon ng boundaries ay makakatulong upang ma-manage ang kanilang mga expectation.
2. Pag-usapan ng maaga mga bagay na kailangan niyang malaman at gawin
Upang maiwasang sumama ang loob ng iyong anak, mahalaga na alam niya kung ano ang dapat niyang gawin at hanggang saan lamang ang kaniyang limitasyon.
3. Pag-isipang mabuti ang bawat desisyon
Kapag may hiniling ang iyong anak, huwag agad um-oo o humindi. Pag-isipang mabuti at pagusapang mabuti kasama ng iyong anak.
Hindi mo kailangang maging perpektong magulang, kailangan mo lamang gawin tama ang mga bagay.
4. Ipaliwanag ang rason
Mas matatanggap ng iyong anak ang iyong desisyong humindi kung mayroon kang logical na rason. Kahit ang simpleng paliwanag ay makakatulong upang kayo ay magkainitindihan.
5. Mag-provide ng emotional support
Kapag galit o malungkot ang iyong anak dahil ikaw ay humindi sa kaniya, ipakita at iparamdam mo sa kanya na may pakialam ka sa kaniyang nararamdaman.
Ang iyong salita ay makakatulong upang mapagaan ang kaniyang pakiramdam at pagkadismaya, at tuluyan itong makalimutan.