Paano magpalaki ng responsableng anak? Ito ang tanong nating mga magulang na ating magagawa kung iiwasan natin ang ilang parenting mistakes sa tampok sa artikulong ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga parenting mistakes na humahadlang sa kung paano magpalaki ng responsableng anak.
- Dapat gawin ng mga magulang para lumaking responsable ang isang bata.
Paano magpalaki ng responsableng anak?
Malamang bawat magulang ay ito ang malaking tanong. Dahil ang pagiging responsable ay isa sa mga karakter na maglalagay sa tagumpay sa isang tao.
Ganoon din para siya’y maging independent at competitive sa buhay na magbibigay kapanatagan sa ating loob na kahit saan man dalhin ang ating anak siya ay mag-susurvive.
Bagama’t, ito ang ating layunin may mga bagay tayong ginagawa na nagiging hadlang para maisakatuparan natin ito. Ilang bagay na akala natin ay makakabuti para sa ating anak ngunit sa katagalan at katotohanan ay hindi pala. Ang mga parenting mistakes na ito ay ang sumusunod:
Parenting mistakes na hadlang sa pagpapalaki ng isang responsableng bata
1. Tinuturuan natin ang ating mga anak sa pagiging responsable kapag sila ay malalaki na.
People photo created by pch.vector – www.freepik.com
Ang mga bata ay natural na curios sa mga nangyayari at nakikita nila sa kanilang paligid. Lalo sa mga bagay na ating ginagawa na madalas nga ay ginagaya nila.
May mga pagkakataon pa ngang nais nilang tumutulong sa atin na lagi nating inaayawan dahil sa pag-iisip na sila ay bata pa at ang trabahong pang-matanda ay hindi pa nila kaya.
Ito ay mali. Sapagkat ayon sa clinical psychologist na si Lisa Firestone, ang unang hakbang para mapalaking responsable ang isang bata ay turuan silang maging responsable kahit sila ay maliliit pa.
Paliwanag niya, bagamat ang mga trabahong pang-matanda ay mabigat pa para sa kanila, mabuting hayaan silang maging parte ng isang proyektong iyong ginagawa at bigyan sila ng task na makakaya nilang gawin. Tulad ng ginawang halimbawa ni Firestone sa karanasan ng aktor na si Will Smith noong siya ay bata pa.
Sa autobiography ni Will Smith ay ibinahagi niya ang ginawang paraan ng kaniyang ama para mapalaking silang magkakapatid na responsable.
Sa bata nilang edad noon, kuwento ni Will Smith, siya at kaniyang mga kapatid na lalaki ay inutusan ng kanilang ama na gawin ang dingding o wall ng kanilang tindahan.
Noong una ay naguluhan sila Will Smith, dahil sa hindi nila alam ang kanilang gagawin. At sa mura nilang edad ay siguradong mahihirapan sila dahil sa ito ay trabahong pang-matanda.
Pero seryoso ang kaniyang ama at tinuruan sila sa kung paano mag-patong ng bricks at makabuo ng wall. Bilin nito sa kanila ay huwag masyadong isipin ang kalalabasan ng wall na kanilang ginagawa.
Sa halip, mag-focus na magpakita araw-araw sa lokasyon ng ginagawa nilang tindahan at tumutulong na magpatong ng bricks kahit pa-isa-isa. Natapos at nagawa ng maayos ang wall na itinatayo nila Will Smith para sa kanilang tindahan.
2. Tumitingin ka sa bagay naa-accomplish ng iyong anak sa isang project o task, imbis sa effort na ibinigay niya para ito ay magawa.
Sa naging karanasan ni Will Smith, makikitang ang pagtitiwalang ibinigay ng kaniyang ama sa aktor at sa kaniyang mga kapatid ay nagbunga ng maganda. Kahit paunti-unti ang task na ibinigay sa kanila ay nagawa nila kahit sila ay bata.
Ayon parin kay Firestone, napaka-halaga ng tiwalang ibinibigay natin sa ating mga anak para sila ay maging responsable. Kaya naman, bagamat mabigat na gawain kung titingnan ang isang task para sa kanila ay hayaan silang maging parte nito.
Kahit sa maliliit na bagay na kung saan maipapakita nila na sila ay nag-eeffort na maging bahagi ng tagumpay ng task na ito.
Bilang magulang, paalala pa ni Firestone ay hindi natin dapat tingnan sa kabuuan ang mga bagay na na-accomplish ng ating anak.
Sa halip, mas tingnan natin ang effort na ibinibigay niya para magawa ito. Gabayan natin sila, step by step o paunti-unti hanggang sa makaya na nila itong mag-isa.
I-appreciate natin ang effort na ibinibigay nila. Dahil sa ganitong paraan ay naipapakita natin na nagtitiwala tayo sa kanila. At ito ay mag-iinspire sa kanila na pagbutihin pa ang anumang kanilang ginagawa.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
BASAHIN:
Gaano mo kadalas yakapin ang anak mo? Ito ang masamang epekto sa batang hindi madalas yakapin
4 paraan para maturuan na maging mas responsable ang mga batang lalaki
Iresponsable ba ng inyong anak? Huwag silang pagalitan, sa halip, ito ang inyong gawin!
3. Iniisip mong pareho kayo ng iyong anak.
Kahit ikaw pa ang magulang ng iyong anak, ilagay sa iyong isip na iba siya sayo. Hindi mo siya puwedeng turuang gawin ang isang bagay sa paraang nakasanayan o alam mo.
O kaya naman ay ipilit na magustuhan niya ang mga bagay na iyong ginagawa. Dahil ang bawat tao ay iba-iba, ganoon rin sayo ang iyong anak na may sariling pag-iisip pati na wants at needs sa buhay nila.
Para mapalaking responsable ang isang bata ayon kay Firestone ay hayaan siyang gawin ang mga bagay na gusto niya. Kung ito naman ay hindi nakakasama ay suportahan siya dito. Ito ay upang mas ma-develop niya pa ito at maging committed siya na isang quality ng isang responsableng indibidwal.
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
4. Nag-iimpose ka sa iyong anak imbis na hayaan mo siyang matuto ng mag-isa.
Sa huli, ayon parin kay Firestone hindi masamang magpaalala tayo sa ating mga anak. Pero pagdating sa pagtuturo ng pagiging responsable sa kanila ay mabuting hayaan silang matutunan ito sa tulong ng experience.
Hindi lang dapat basta mag-impose, hayaan silang matutong mag-isa. Ito ay sa tulong ng mga experience o karanasan nila sa araw-araw na kung saan magagamit mong halimbawa.
Huwag ding kalimutang suportahan sila sa mga bagay na pinagkaka-interesan nila. Dahil napaka-halaga para sa isang bata ang suporta ng isang nakakatanda. Lalo na ng kaniyang mga magulang na isa sa mga taong labis na pinagkakatiwalaan niya.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!