Para sa karamihan ng mga magulang, ang pinakamadaling paraan para masigurong hind imaging matigas ang ulo ng mga bata ay ang pangaralan sila o kaya naman ay pagalitan para sila ay makinig sa atin.
Subalit, hindi lamang ito hindi nakakatulong sa pagdidisiplina sa kanila, nakakasagabal din ito sa kanilang pagkatuto na maging responsable.
Huwag silang pagalitan, alamin ang buong pangyayari
Kung nakikita ninyong ang inyong anak ay hindi masipag o kaya naman ay tila nagiging spoiled brat, maaaring naisin n’yo agad na sila ay pagalitan hanggang sila ay magbago.
Ngunit ang katotohanan, ang inyong mga anak ay natututo sa pagmamasid sa pag-uugali ninyong kanyang mga magulang. Hindi man kayo tamad o kaya naman ay spoiled, maaaring ilan sa mga kinikilos n’yo ang maaaring nagpakita sa kanila na ayos lamang ang hindi pagiging responsible.
Maaaring labis-labis ang inyong pagtulong sa kanila, o kaya naman ay ginagawa ninyo para sa kanila ang mga bagay na kaya na nilang gawin para sa kanilang sarili. Dahil dito, natuto silang umasa na nagiging dahilan para sila ay maging tamad.
Maaari ring nabibigyan ninyo sila ng hindi malinaw na mensahe sa kung anong gusto n’yong gawin nila. Kung ang inyong anak ay nagiging pasaway, mangyaring sila ay pakalmahin muna, at pigilan ang inyong sarili na sila ay agarang pangaralan.
Alamin ang mga pangangailangan ng inyong anak
Ibang bata, ibang pag-uugali, kaya naman iba rin ang pangangailangan. Kung ano man ang gumanang pangangaral sa isang bata ay hindi nangangahulugan o nakakasigurong gagana sa ibang bata. Kaya naman mahalagang alamin ang pag-uugali ng inyong anak upang malaman ang tamang approach na nararapat para sa kanila.
Ang ibang mga bata ay as makikinig sa kanilang magulang kapag sila ay pinakakalma ng mga ito sa pamamagitan ng mahinahon na pakikipagusap. Ang iba naman ay mas natututo sa pamamagitan ng pagpapakita ng aktuwal na hamilbawa ng kanilang mga magulang.
Mahalaga rin na ihawalay ang inyong pansariling pangangailangan sa pangangailangan ng inyong anak dahil sa tingin ninyo ay kilala n’yo ang inyong anak ng buong buo. Maglaan ng panahon para unawain ang inyong anak, at kung ano ang kanyang mga kakailanganin sa kanyang buhay.
Igalag ang mga boundaries niya bilang anak
Bilang isang magulang, mahalaga rin na igalang ang ninyo ang boundaries ng inyong anak. Minsan, dahil sag alit o kaya naman ay pagkainis sa inyong anak, lumalampas tayo sa mga boundaries na ito.
Marapat din sa mga magulang na igalang ang mga desisyon ng inyong mga anak at hindi sila pangunahan sa mga pagpapasya o kaya naman ay sabihan sila ng kung anong dapat nilang gawin. Halimbawa, sa isang science project kung saan sa tingin n’yo ay nahihirapan sila, hayaan na sila ay matuto at gawin ang ano sa tingin nila ay tama. Sa halip na tulungan silang ayusin ang problema, hayaan silang maaranas ng mga oportunidad na matuto at mas maging magaling.
Ang pangangaral sa inyong anak na maging responsible ay hindi tungkol sa pagsasabi kung anong dapat nilang gawin, kundi ang hayaan silang gawin ang mga bagay ng sarili nila. Patnubayan sila sa kanilang paglalakbay ngunit wag silang pangunahan o piliting gawin ang mga bagay ayon lamang sa sarili ninyong kagustuhan.
Ang article na ito ay unang isinulat ni Alwyn Batara
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!