Hindi napigilan ng isang misis ang kaniyang galit nang marinig niyang banggitin ng kaniyang mister ang hinihinalang kabit nito habang sila ay nagtatalik. Dahil dito, si misis pinutulan ng ari ang lalaki!
Lalaki pinutulan ng ari ni misis!
Matinding selos ang nag-udyok sa isang misis sa Baguio City noong Sabado ng gabi, upang putulin ang ari ng kaniyang mister.
Kwento ng ginang, nag-inuman umano sila ng kaniyang asawa. Pagkatapos ay nagtalik. Habang nasa kalagitnaan ng love making ay bigla na lang daw binanggit nito ang pangalan ng pakiwari niya’y kabit ng asawa.
Una raw ay nagpasaring muna ito at sinabing, “Buti pa yung isa ganito, na-mimiss ko na ‘yung isa.”
Hindi pa nakuntento si mister sa pagpaparinig sa kaniyang misis. Hanggang sa pagtulog umano ay ang “kabit” nito ang binabanggit.
Kaya naman, hindi na nakapagpigil ang suspek at pinutulan ng ari ang asawa.
Salaysay pa ni misis, bukod sa pagkakaroon ng kabit ay binubugbog din pala siya ng kaniyang asawa. May pagkakataon nga umano na sinampahan niya ito ng kaso pero agad ding binawi.
Nang pinutulan niya ng ari ang lalaki ay sinubukan niyang tumakas pero bumalik din sa kanilang bahay at sumuko sa mga awtoridad.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Baguio City Police Station 9 ang suspek. Nahaharap ito sa kasong mutilation.
Samantala, nagpapagaling naman sa ngayon sa ospital ang lalaki na pinutulan ng ari. Ikinabit na rin ang naputol na ari at sa ngayon ay nagpapagaling na lamang.
Giit naman ng misis, ang karapatan niya bilang babae ang kaniya umanong ipinaglalaban. Alam niyang may kasalanan siya sa ginawa niyang pagputol sa ari ng asawa. Pero ito raw ay kabayaran lamang sa mga kasalanan na ginawa sa kaniya ng mister.
“Yung karapatan ko lang bilang babae ang pinaglalaban ko ngayon… Kabayaran niya yan po, kung may kasalanan siya, may kasalanan ako. Alam na alam niya yan,” aniya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!