Ayon sa Red Cross, ang 72 na oras matapos ang isang disaster o emergency ay ang pinakakritikal, kung kaya’t dapat lahat ng tahanan (at opisina) ay mayroong emergency lifeline kit para maging handa sa anumang sakuna. Narito ang mga mahahalagang laman ng emergency bag kit ng pamilya ayon sa Red Cross.
Handa ba ang pamilya mo? Ito ang dapat na laman ng Emergency Lifeline Kit mo, ayon sa Red Cross! | Image from Unsplash
Handa ba ang pamilya mo?
Kapag nangyari ang matinding emergency, tulad ng baha at lindol, maaaring mawalan ng kuryente, tubig, linya ng telepono, at gasolina.
Puwede ring mangyari na mahirapan ang mga public safety services and pribadong rescue teams na masaklolohan kayo. Kaya importanteng maging handa para sa unang 72 na oras pagkatapos ng sakuna.
Ugaliing i-check ito every 6 months para malaman kung pa-expire na ang ibang laman ng ito. Dapat din magaan ito at bawat miyembro ng pamilya ay mayroon nito. Para sa mga batang 9 to 12 years old, puwede na sila ang mismong gumawa ng sarili nilang lifeline kit para matuto silang maging handa sa sakuna.
Bukod sa emosyonal na paghahanda sa sarili, narito naman ang mga mahahalagang bagay na kailangan mong i-ready kung may mangyayari mang sakuna.
Ano ang mga dapat laman ng Emergency Bag Kit ayon sa Red Cross?
Ayon sa Red Cross, narito ang mga dapat na laman ng portable kit.
1. Tubig
Alam nating mahalaga ang tubig. At oo, ito ang unang-una sa ating listahan.
Maaaring maka-survive ang tao na hanggang limang (5) araw na walang kinakain basta’t umiinom siya ng tubig. Maghanda ng malinis na tubig sa airtight na lalagyan para sa paghuhugas, pag-inom, at pagluluto:
- 1 gallon (3.78 liters) kada tao bawat araw [1 ltr pag-inom and 3 ltrs for paghugas]
- Water purification tablet (bawat isang tablet ay puwedeng maglinis ng isang litro.)
Handa ba ang pamilya mo? Ito ang dapat na laman ng Emergency Lifeline Kit mo, ayon sa Red Cross! | Image from Unsplash
2. Pagkain
Bukod sa tubig, isa ring dapat ihanda ay ang mga pagkain.
Siguraduhin lang na makakapagimbak ng sapat at hindi kulang para sa buong pamilya. Siguraduhing hindi rin agad mapapanis tulad ng protein/granola bars, crackers, cereals, dried fruit, canned goods like tuna, beans, sausages, etc. Nirerekomendang easy open cans ang laman nito.
- Siguraduhin na ang pagkain na laman ay sapat para sa bawat miyembro ng pamilya sa 3 araw.
- Maglagay rin ng disposable na plato at kubyertos.
- Maglagay rin ng canned juice o hard sweet candies para sa hypoglycemia.
3. Mga importanteng dokumento
‘Wag kakalimutan ang mahahalagang dokumento! Ito ang pagkakakilanlan ng bawat isa kaya naman importanteng isama ito sa emergency lifeline kit ng Red Cross.
Narito ang mga dapat ihanda:
- Isilid sa secured na plastic folder ang mga importanteng dokumento ng pamilya. Kasama rito ang birth certificate, marriage/divorce paper, social security cards, passport/drivers license o litrato ng bawat miyemro ng pamilya.
- Plastic laminated ID para sa bawat miyembro ng pamilya. Siguraduhing nakalagay rito ang pangalan, address, phone number, sino dapat ang tawagan in case of emergency, contact details, at kung may medical condition ang may-ari ng ID. Halimbawa, kung diabetic ito or may kakulangan sa pag-iisip.
- Para sa mga batang hindi makapagsalita, dapat suot nila ang ID. Upang kung sakali sila’y mawala ay maibabalik sila agad sa magulang nila.
- Emergency numbers na dapat tawagan (Red Cross Opcen, Red Cross Chapter, fire station, hospital, etc.)
- Red Cross 143 Emergency/Disaster guide na naglalaman ng mga dapat gawin sa mga iba’t ibang tipo ng emergency o sakuna. Dapat lahat ng miyembro ng pamilya ay pag-aralan at kabisaduhin ang laman nito.
- Mga mapa na nagsasaad ng evacuation sites at kung paano puntahan ang mga ito.
4. Emergency na kagamitan
Importante rin ang ilang kagamitan na nasa ibaba. Tiyak na magagamit mo ang lahat ng ito sa oras ng sakuna.
- Pito (whistle). Siguraduhing pumili ng malakas na pito na may compass din. Lagyan ito ng lace para madaling isabit sa leeg.
- Flashlight na may extra batteries (puwede ring pumili ng self-powered ng flashlight)
- Multi-purpose knife
- Mga posporo, lighter, o kandila. Tandaan, huwag gumamit ng posporo o kandila kung may posibilidad na may gas leak. Mayroon ding mabibiling waterproof matches sa iba’t ibang tindahan.
- Radio transistor na may ekstrang baterya o kaya self-powered. Ito ay para ma-monitor ang balita.
- Glow sticks
- Plastic sheeting o garbage bag. Para sa floor mat, takpan ang mga bagay na maaaring mabasa o gumamit ng kapote.
- Heating blankets. Piliin ang manipis at madaling dalhin para hindi mahirapan ang magbibitbit.
- Lubid (iwasan ang nylon)
- Sleeping bag
5. Personal na kagamitan at Hygiene Kit
- Extra na damit. Katulad ng short at long sleeved shirts, pants, jackets, medyas at iba pa.
- Extra Clothing. Katulad ng Sshort and long sleeved shirts, pants, jackets, socks at iba pa.
- Underwear at ibang pang panloob na kasuotan
- Antibacterial soap
- Toothbrushes para sa bawat pamilya
- Toothpaste na malaki
- Hand towels. Kinakailangang ito ay super absorbent)
- Suklay
- Hand sanitizer o alcohol
- Sanitary napkins
6. Iba pang importanteng dokumento at pera
- Ilagay ang mga ito sa isang plastic envelope o ziploc
- Dapat may sapat na cash at barya. Malaki ang maitutulong nito kung sakaling magsara ang mga bangko at ATM. May nakahanda kayong pera sa inyong wallet sa oras ng sakuna.
- Prepaid cards
- Listahan ng mga importanteng impormasyon (SSS, TIN, Driver’s license, bank account, passport number, insurance details atbp.)
- Passport at iba pang valid ID, Birth certificates, marriage contract, insurance certificates, land titles, at iba pa.
- Puwede ring maglagay ng mga vaccination records, medical records, at iba pa.
- Para sa kamag-anak na may special needs tulad ng baby, bata, matanda, o may sakit, maglagay ng gamot.(Acetaminophen, Ibuprofen, anti- diarrheal, for cough and colds, children’s medication, at iba pa.)
- Prescription Medication. Siguraduhin na magtatagal ito ng 3 araw, tulad ng anti hypertensive, insulin, at iba pa.
- Pagkain ng bata tulad ng Cerelac.
Handa ba ang pamilya mo? Ito ang dapat na laman ng Emergency Bag kit mo, ayon sa Red Cross! | Image from Freepik
7. First Aid kit
Oppss, ‘wag kakalimutan ang mga sumusunod!
Malaki rin ang ginagampanang role ng first aid kid sa iyong emergency lifeline kit. Narito ang mga dapat dalhin:
- 1 Piece adhesive strips
- 1 Hypoallergenic medical tape
- 2 Resealable plastic bags
- 1 Conforming bandage
- 1 Triangular bandage 1
- 2 Antiseptic swabs
- 1 Metal tweezers
- No. 15 1 Wound dressing
- 1 Disposable scissors
- 1 Safety pins – assorted
- 2 Disposable gloves
- 1 First Aid Quick Reference Guide
Parents, maging handa, maalam at alerto sa oras ng sakuna. Mas mabuting naka-ready na ang inyong emergency lifeline kit!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!