Lara Quigaman maternity shoot: Narito kung paano isinagawa nila Marco Alcaraz at Lara Quigaman ang kanilang maternity shoot in a new normal way.
Lara Quigaman maternity shoot 2020
Kahapon ay nagbahagi si Lara Quigaman ng mga larawang kuha ng kanilang isinagawang maternity shoot kasama ang asawang si Marco Alcaraz.
Sa larawan si Lara ay parang diyosa na napapaligiran ng mga gintong bulaklak at halaman.
Sa kaniyang Instagram post ay ito ang nasabi niya.
“I’m growing a human. What did you do today? So in love with everything about this shoot! Overwhelmed and grateful! Truly felt beautiful for the first time in a long time.”
View this post on Instagram
A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman) on
Reaksyon ng mga netizens
Ang larawang ito ni Lara ay pinuri naman ng mga followers at friends niya na sinabing super ganda niyang buntis.
“Goddess 👏👏”
“Pang Miss Universe pati pagbubuntis😍🎈🌹”
“Very Beautiful inside out 😍❤️”
Pangatlong anak na nila Marco at Lara ang ipinagbubuntis niya. At tulad ng naunang dalawang anak nila, ito ay baby boy ulit. Ayon nga kay Lara, sa hugis ng kaniyang tiyan ay para itong pakwan at bola. Hindi tulad ng kasabihan na kapag lalaki ay matulis ang hugis ng tiyan ng buntis.
Watermelon kayo jan… 😂🙊🍉 I feel like I’m carrying a watermelon or a basketball! 🏀 my belly is so round this pregnancy, with the other two, ‘matulis’. Kaya hindi talaga totoo ang kasabihan 😊 #ThankYouJesusforthisBaby
View this post on Instagram
A post shared by Lara Quigaman Alcaraz (@laraquigaman) on
Maternity dream shoot ni Lara Quigaman
Dagdag pa ni Lara, sa kaniyang 30 weeks at 5 days pregnancy, ito ang maternity dream shoot niya.
Nitong July 22, 2020, ay nauna ng nagbigay ng patikim sina Lara at Marco sa kanilang ginawang maternity photoshoot. Ayon kay Lara, first time niyang makaranas ng ganoong maternity photoshoot. At ito ay dahil last baby na daw nila ito ni Marco.
“Feeling ko hindi ako buntis. First time ko actually mag-maternity shoot ng ganito. Kasi yung 1st time wala lang, yung 2nd time wala talaga. So ito dahil sabi ni Marco last na daw na baby.”
Ito ang pahayag ni Lara sa kanilang YouTube video.
Ayon parin kay Lara, sobrang na-enjoy niya daw ang maternity shoot na ito. Pati na si Marco na sinabing para lang silang nagtratrabaho.
“Sobrang nag-enjoy ako. Kasi parang first time in a long time feeling ko maganda ko ulit. Kasi nakamake-up ako, naayusan ako. Yung feeling lang na nakapag-glamup ako ulit. Yung posing-posing I really felt good.”
Ito ang pahayag pa ni Lara. Habang ito naman ang nasabi ni Marco.
“Namiss namin na para kaming nag-taping, para kaming nagwork. Kasi medyo matagal na kaming hindi nakapag-makeup, nag-ayos ng buhok, nag-tetaping.”
Maternity shoot in a new normal way
Pero dahil may COVID-19 pandemic, naging maingat rin syempre ang ginawang maternity photoshoot ni Lara Quigaman. Bago nga daw simulan ang shoot ay nag-rapid test muna ang hair stylist at make-up artist na mag-aayos sa kaniya. Nagsuot rin ito ng mask at face shields habang inaayusan siya. Habang ang mga photographers naman ay naka-complete protective equipment gear habang kinukunan siya.
Image screenshot from YouTube video
Naging possible nga daw ang kanilang photoshoot sa tulong ng Concept Room Studio sa Pasig na nagsiguro na magiging maayos at ligtas ang shoot para sa kaniya.
Sa dulo ng kanilang vlog ay nag-iwan ng mensahe si Lara sa mga mommies na kapwa niya buntis. Dito ay sinabi niya kung bakit kailangan ang mag-maternity photoshoot at ang kahalagahan nito sa pregnancy journey nila.
“We pray sa mga buntis na have a safe pregnancy. If you can, actually kahit hindi sa studio. Kahit sa bahay ninyo, kahit kayo lang. Just you know, its important rin talaga na to remember na nasa loob pa ng mga tiyan ninyo yung mga babies ninyo.”
Ito ang pahayag ni Lara.
Samantala, sa isang Instagram post ay ibinahagi rin ni Marco ang pagiging proud niya sa kaniyang asawang si Lara. May halo mang biro, ay sinabi nito na super proud siya kay Lara dahil sa kabila ng pagbubuntis ay hindi parin sila napapabayaan nito ng mga anak niya.
“I’m so proud of my wife! She hasn’t had a mood swing in 30 minutes. Totoo proud na proud ako sa yo jiamps, kasi alam ko gaano kahirap magbuntis habang inaalagan mo kami ng mga anak mo. Always remember na mahal na mahal ka namin our Queen.”
Ito ang pahayag ni Marco.
Lara Quigaman maternity shoot video
Para sa highlights ng ginawang Lara Quigaman maternity shoot ay narito ang kanilang YouTube video mula sa Nice Print Photography
Source:
GMA News
Basahin:
Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!