Lara Quigaman's advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili

Narito ang nakakaantig sa puso na mensahe ni Lara Quigaman sa mga babaeng buntis na nakakaranas ng malaking pagbabago sa kanilang katawan. | Lead Image from Nice print photo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lara Quigaman pregnancy real talk: Dating beauty queen may nakakaantig na mensahe para sa mga buntis na mommies.

Lara Quigaman pregnancy real talk

Sa pinaka-latest na vlog episode ng The Alcaraz Family ay nagbahagi ng nakakaantig na mensahe ang beauty queen-actress na si Lara Quigaman sa mga inang buntis. Ito ay base sa kasalukuyan niyang nararamdaman at nararanasan.

Si Lara ay buntis sa pangatlo nilang anak ng mister at aktor na si Marco Alcaraz. Siya ay nasa 26th week na ng kaniyang pagbubuntis at nakakaranas umano ng depresyon dahil sa malaking pagbabago ng kaniyang katawan.

Image from Lara Guigaman’s Facebook account

Pagbabago ng katawan habang nagbubuntis

Ayon kay Lara, base sa kaniyang latest pre-natal check-up siya ay tumaba ng 18 lbs. Ito ay matapos ng 3 buwan niyang huling pagbisita sa kaniyang doktor. Sobra umano ito sa advisable weight gain every 2 weeks ng isang buntis na 1 lbs. Kaya naman pinayuhan siya ng kaniyang doktor na maghinay-hinay sa pagkain at mag-exercise. Dagdag pa ni Lara, ang pagbabagong ito sa kaniyang katawan ay napapansin at nakikita rin niya. Dahilan upang makaramdam siya ng depresyon habang nagbubuntis.

“Nakikita ko rin talaga na kapag tumitingin ako sa salamin lumalaki na yung mukha ko. Nangingitim na yung leeg ko, yung kili-kili ko. Because of that din the past few days I have been feeling low kasi nga nakikita ko na yung changes sa body ko.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkukumpara sa katawan sa ibang babaeng buntis

Ito ang pahayag ni Lara. Mas lalo pa nga daw siyang nalulungkot kapag tumitingin siya sa social media at nakikita ang mga kaibigan at artista niyang buntis na parang ang gaganda parin at hindi tumataba.

“26 weeks palang ako I still have 14 weeks to go pero ganito na ako kalaki ibig sabihin mas lalaki pa ko. Medyo nalulungkot ako lalo na kapag tumitingin ako sa social media, sa Instagram tapos makikita ko yung ibang friends ko na buntis o yung ibang artista na buntis na bakit sila parang ang ganda parin nila. Bakit parang ang sexy parin nila magbuntis. Parang hindi naman sila tumataba or hindi pumapanget.”

Binalikan pa nga ni Lara ang mga panahon noong beauty queen pa siya. Partikular na noong nanalo siya ng Miss International noong 2005 na kung saan 23 lang daw ang waistline niya. Makinis pa ang tiyan niya at wala pang stretch marks. Ngunit ang mga ito ay nabago na noong nabuntis at nanganak siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Pinterest

Sa unang pagkakataon nga rin sa pamamagitan ng kaniyang vlog na ito ay ipinakita ni Lara ang kaniyang itsura ng magbuntis sa panganay niyang anak na si Noah at sa pangalawang anak na si Tobias. Ayon sa kaniya noong una ay hindi siya marunong mag-kontrol sa kinakain niya kaya siya sobrang tumaba. Natuto siya sa pangalawa niyang anak ngunit magkaganoon man ay tumaba pa rin siya. Ipinakita niya rin na nakaranas siya ng pamamanas at nagkaroon rin ng stretch marks. Nakakalungkot nga daw kung iisipin ang malaking pagbabago na ito na nangyayari sa katawan ng babae sa tuwing nagbubuntis. Ngunit, ayon kay Lara ito ay normal at makakatulong ang pag-aayos ng konti sa sarili.

Lara Quigaman pregnancy real talk: “Huwag nating pabayaan yung sarili natin kahit buntis na tayo.”

“We need to remind ourselves na its normal to undergo mga body changes. And it really helps na kahit papaano mag-ayos tayo ng konti.”

Maliban sa pag-aayos ng sarili, dapat din daw ay kumain ng healthy at mag-exercise.

“Just take care of our bodies. Exercise, eat healthy, drink a lot of water lalo na ngayong sobrang init. And dont forget to take your prenatal vitamins. Huwag nating pabayaan yung sarili natin kahit buntis na tayo, kahit gaano tayo ka-busy.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Don’t compare yourself with other moms.”

Hindi rin daw dapat kinukumpara ang sarili sa iba. Dahil ang bawat isa sa atin ay magkakaiba.

“Also don’t compare yourself with other moms kasi we are all built differently. We all have different bodies. We all recover differently. Its ok however you look as long as you know you are taking care of yourself that is fine.”

“Its normal Mommy. Don’t worry about it.”

Dagdag pa niya, lilipas at babalik din ang lahat sa dati. Kailangan lang daw ay alagaan ang iyong sarili at i-treasure ang mga oras habang maliliit pa ang iyong mga anak. Higit sa lahat, isipin na sa kabila ng pagbabago sa iyong katawan na nararanasan ay may magandang nangyaring kapalit nito. Ito ay ang pagdating sa buhay mo ng iyong mga anak. Sa paraang ito ay gagaan ang iyong pakiramdam.

“Its normal Mommy. Don’t worry about it. It will be over. Darating yung time na babalik yung katawan natin sa dati. Maglalakihan na mga anak natin. So, for now, when you see yourself in the mirror and you don’t like what you see that’s ok. Pony mo yung hair mo, Suklayin mo buhok mo, mag-powder ka ng konti, konting blush-on. And then look at your children, isipin ninyo na galing sakin yan. Dahil sa nangyari sa body ko nakapag-produce naman ako ng magagandang anak. And that will make everything alright.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Lara Guigaman’s Facebook account

“God sees us as beautiful mothers.”

Sa oras naman na nakukumpara ka sa ibang buntis, huwag itong masyadong alalahanin. At isipin na ang mahalaga ay mahal ka ng Diyos sa kung sino ka, anuman ang itsura mo dahil isa kang ina at maganda ka.

“Kapag na-cocompare tayo sa ibang mga tao, sa ibang mga buntis o sa ibang mommies, that’s ok. Because what’s important is how God sees us. And God sees us as beautiful mothers, beautiful women and he loves us so much.”

Sa huli ay nag-alay ng dasal si Lara sa proteksyon ng mga buntis at lahat ng mga ina na tulad niya.

Si Lara ay nakatakdang manganak sa Setyembre na kung saan umaasa sila ng kaniyang asawa na si Marco na sana tapos na ang nararanasan nating pandemya.

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

ABS-CBN News

BASAHIN: Marco Alcaraz, pinayagan ang asawa na si Lara Quigaman na bilhin ang lahat ng gusto niya